CHAPTER SIX NANG magsawa siya sa pagsi-surf sa internet ay humiga na lang siya sa kanyang kama. Hindi pa rin siya dalaw-dalawin ng antok kahit na anong gawin niya kaya kinuha na lang niya ang kanyang headset sa drawer ng bedside table niya. Kapag ganoong oras ng gabi kasi ay alam niyang nagpapatugtog ng love songs ang kanyang favorite radio station. She can't stop thinking. Or mas tamang she can't stop thinking about Dominic. Hindi niya alam kung bakit. Ayaw naman niyang i-entertain ang thought na nagkakagusto na siya rito. Hindi ko siya pwedeng magustuhan, okay? Ayoko ng sakit sa ulo!, giit niya sa isipan. At hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya iyong sinabi sa sarili niya. When your legs don't work like they used to before, And I can't sweep you off of your feet... Napat

