"AMININ mo na, Sharine. Binuhay ni Dominic ang hasang mo." Saglit siyang napatigil sa pagpitak ng pink na gitara nito dahil sa sinabing iyon ni Kisha. "Kaderder mo talaga. Ginawa mo pa 'kong isda," pakli niya. Pero nang maalala niya ang mailap na ngiti ni Dominic ay parang gusto na rin niyang sumang-ayon sa kaibigan. Natauhan siya nang binato siya nito ng unan. "Anong problema mo?" angil niya rito. Padapang humiga si Kisha at inabot ang malaking Hello Kitty stuffed toy na nasa ulunan lang ng kama nito. "Abnormal ka. Dati-rati naman kapag nagbabanggit ako ng pangalan ng lalaki, sambakol 'yang mukha mo. Pero no'ng si Dominic na, napangiti ka agad?" "Ha?" nagsalubong ang kilay niya. "Ngumiti ba 'ko?" "Hindi mo namalayan? My goodness, Sharine. What's wrong with you—ay, ano'ng klaseng t

