08

784 Words

CHAPTER FIVE "SASABIHIN mo na ba sa 'kin kung ano 'yang pabangong gamit mo?" tanong niya nang makababa na silang pareho ng sasakyan. Sa paradahan ng mga traysikel na lang siya nagpahatid dito. "Hindi pa rin." Napaingos siya. "Naman, e. So okay lang sa'yo na amoy-amuyin kita?" Kumunot ang noo nito. "Bakit ba pabango ko ang pinagdidiskitahan mo?" "Ang bango, e. Tsaka first time ko kasing naamoy sa buong buhay ko ang amoy mo. Para kasing may something, alam mo 'yon. So, sasabihin mo na ba sa 'kin?" "Hindi mo makikita sa mga bilihan 'to kaya 'wag ka nang magsayang ng panahon." "Pwede ba naman 'yon?" takang tanong niya. "Oo." Napakamot siya ng kanyang baba. Mukhang hindi nga niya mapipilit si Dominic. "Sige, Dominic, pwede ka nang umalis. Maraming salamat ulit sa paghatid at sa libre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD