CHAPTER 28 Olivia’s POV Nakatulala ako ngayon habang nagluluto ng umagahan ni Sir Christian. Kagabi pa lang ay nakauwi na ako sa bahay. Hindi na ako naghintay na umagahin ako sa ospital. Hindi ko kasi kayang magtagal na kasama si Czarina sa iisang kwarto, habang nakikita ko kung paano niya tratuhin si Josh. Nakakainis lang na ang lakas ng loob niya na alagaan si Josh sa harapan ko, habang ako naman ay hindi ko magawang angkinin si Josh mula sa kaniya. Napahikab ako dahil sa antok. Kanina pa ako inaantok pero hindi ako makagawa ng maayos na tulog. Halos mula nang umuwi ako dito ay hindi pa ako nakakatulog. Nakapikit lang ako pero hindi ako tuluyang makakuha ng tulog. Muntik na akong matumba ng mawalan ng lakas ang mga paa ko. Napapikit ako habang hinihintay ko ang pagtama ng kataw

