CHAPTER 29 Olivia's POV Nagising ako ng may naramdam akong umaalog sa balikat ko. Lumingon ako para makita kung sino ang umaalog sa akin at nakita kong si Sir Christian lang pala. “Hey,” bati nito ng may ngiti sa labi. "You should eat first to speed up your recovery." Bumangon na ako para sumunod kay Sir Christian. Masiyado atang biglaan ang pagbangon ko, muntik na kasi akong matumba nang umikot ang paningin ko. Napaupo tuloy muli ako sa kama habang hawak-hawak ang ulo ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Sir Christian sa braso ko. “Are you fine?” tanong nito na may halong pag-aalala sa boses. Tumango ako. “Nabigla lang po siguro ako nang bumangon ako, Sir.” Nginitian ko siya. “But I’m feeling better now than earlier this morning,” sabi ko. Hindi ako nagsisinungaling na mas ayos na an

