CHAPTER 30 Olivia’s POV Kinabukasan ay inagahan ko ang gising ko para mapaghanda ko si Sir Christian ng masarap na pagkain. Ito lamang kasi ang naiisip kong paraan para masuklian ang kabutihan sa akin ni Sir kahapon. Hindi ko naman kasi siya pwedeng regaluhan ng materyal na bagay. Kasi mas sigurado pa ako sa sigurado na walang-wala ang kaya kong ibigay sa kaniya kaysa sa mga kaya niyang bilhin gamit ang pera niya. Napasimangot ako nang mabasa ko ang paboritong listahan ng pagkain ni Sir Christian. Wala namang ma-effort lutuin sa mga breakfast na gusto niya, at iyong iba naman ay hindi ko alam kung paano lutuin. Alas tres pa lang ngayon ng umaga kaya matagal pa bago lumabas si Sir ng kwarto. “Tinatamad akong bumalik sa kwarto,” bulong ko sa sarili ko. Sa inis ko ay yumuko muna ako s

