CHAPTER 31 Olivia’s POV Unti-unting inilapit sa akin ni Sir Christian ang mukha niya. Naramdaman ko ang pagdidikit ng mga labi naming dalawa. *** Naglalakad ako ngayon sa isang amusement park malapit sa bahay na tinitirahan ko. Nang makita ko ang pamilyar na bulto ay nilapitan ko ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. “Boo,” panggugulat ko habang nakatalikod siya sa akin. Natawa ako nang lingunin niya ako habang nanlalaki ang mga mata niya. “I almost had a heart attack because of you,” sabi nito. “Why?” tanong ko. “Hindi ka nga masiyadong nagulat,” sabi ko habang nakakunot ang noo. As far as I remember ay hindi naman siya mabilis magulat. Dati nga ay kahit anong gawin kong panggugula

