CHAPTER 32 Olivia’s POV Ilang araw na ang lumipas simula ng aksidenteng ‘yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong magpadala sa bugso ng damdamin ko. Paano ko ba nagawang gawin ang bagay na ipinangako kong hinding-hindi ko gagawin. Ilang taon pa lang ang nakalilipas simula ng mawalan ako ng lisensya bilang nurse. Pero hindi ko akalaing sa saglit na panahon na nakasama ko si Sir Christian ay kakainin ko pala ang mga salitang itinaga ko sa bato. As a nurse, I should have kept my relationship with Sir Christian strictly professional. Kaya ngayon ay nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko na ng tama ang trabaho ko bilang nurse ni Sir. I promise that I wouldn’t cross the line this time. Kagaya ng mga nakagawian kong gawin sa ilang araw na p

