CHAPTER 15 Olivia’s POV “Kumain ka na ba iha?” tanong sa akin ni Mrs. Cortez. Siya lang ang naglakas ng loob na magsalita matapos ang napaka-awkward na moment sa pagitan namin ng magiging pasyente ko. “Opo, kumain na po ako kanina.” Ngunit parang hindi narinig ni Mrs. Cortez ang sinabi ko dahil hinila niya pa rin ako sa may dining room. Inaya niya rin si Ms. Salazar na sumama sa amin, at hindi naman ito nagdalawang-isip pa. “Nabasa mo na ba yung mga bagong nadagdag sa kontrata iha?” tanong niya ng makarating na kami sa dining room. “Opo nabasa ko na po.” “That’s good then. Sorry at minadali ka namin sa pagpirma ha. Kailangan na kasi talaga na ngayon ang start mo sa trabaho.” “Ayos lang po, naiintindihan ko po,” sabi ko ng hindi bukal sa loob ko. Para kasing hindi makatotohanan

