CHAPTER 14 Olivia’s POV Dumating na ang araw na kailangan kong mawalay kay Josh ng pansamantala. Nag-message sa akin kanina si Ms. Salazar na mediyo malalate raw siya. Inuna raw muna kasi nilang sunduin yung magiging pasiyente ko. Nabasa ko na rin ang kontrata at wala naman masiyadong nagbago rito, pwera na lang talaga sa mga bagong dinagdag ng pasyente ko. Kagaya na lang ng oras kung kelan ko lang siya pwedeng alagaan, at hanggang alas-diyes lang naman ang nakalagay sa kontrata. Kaya mamaya ay susubukan kong makiusap kung pwedeng uwiaan na lang ako sa trabaho. Kung mula alas-siyete lang ng umaga hanggang alas-diyes ang trabaho ko ay may oras pa ako para bisitahin si Josh. Ayos lang sa ‘kin kahit mapuyat ako, basta ’t makita ko lang si Josh araw-araw ay kuntento na ako. Tinignan

