CHAPTER 43 Olivia’s POV Kanina ko pa inuuntog ang ulo ko sa pintuan. Lalabas na sana ako kanina para magluto nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Alas sais na ng umaga pero hindi pa ako nakapaghahanda ng pagkain kung sakaling hindi pa nagluluto si Sir. Bakit naman kasi para akong tanga kagabi. Ayan tuloy hiyang-hiya akong harapin siya ngayon. *FLASHBACK* Naramdaman ko ang unti-unting paglayo ng labi ni Sir Christian sa ‘kin. Nanatili ako sa pagpikit. Ayokong magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin matapos ng nangyari. Bakit ba kasi hindi ako pumalag? Teka humalik ba ako pabalik? Hindi naman siguro diba. Kung pwede ko lang iuntog ang sarili ko ay kanina ko pa ginawa. Ang kaso ay hindi pwede dahi nagpapanggap pa akong tulog. Malamang ay kahit

