CHAPTER 44 Olivia’s POV Pagsapit ng tanghali ay kumain na muna ako. Wala ngayon si Abby rito sa ospital. Day off niya. Ayoko namang ayain siyang lumabas dahil alam kong may ibang buhay pa siya bukod sa pagiging nurse. Dahil wala naman si Abby ay sa labas na lang muna ako kakain. Maggro-grocery na rin siguro muna ako. Para mamili ng mga kakailanganin ko sa isang linggong pananatili ko rito. Mabuti na lang at napadala na kahapon sa banko ang sweldo ko. Kaya may magagamit ako ngayong pambili ng mga bagay-bagay. Kumain muna ako sa isang fast food chain. Mabilis lang ang naging pagkain ko dahil ako lang naman mag-isa. Matapos noon ay nag-ikot-ikot ako sa may palengke. Mas mura kasi ang mga presyo ng mga bilihin dito kumpara sa mga nasa mall. Kaya kahit siksikan ay mas gusto ko ditong n

