CHAPTER 17 Olivia’s POV Nang makabalik na kami sa condo niya ay dumiretso na ako sa kitchen para maghanda ng tanghalian niya. Si Sir Christian naman ay dumiretso sa may living room at nanood ng TV. Nagluto ako ng Adobong Manok, kasi isa ito sa mga nakalistang pagkain na gusto niya. Dagdag pa na madali rin itong iluto keysa sa ibang ulam. Alas-diyes na rin kasi kami nakabalik ng condo. Hindi ko kasi maaya umuwi agad si Sir Christian, dahil tuwang-tuwa siya sa asong nakatali sa may bench. Naaya ko lamang siya nang bumalik ang may-ari ng aso at isinama niya na ang aso paalis. Nang matapos ako sa pagluluto ay inayos ko na ang plato, kutsara ‘t tinidor, baso, at maging ang iinumin niya. Hindi ko rin kinaligtaan muli ang pagkuha ng juice. Kaya nilabas ko na ang tag-isang pitchel ng tubig

