CHAPTER 18 Olivia's POV Natigil lamang ako sa pagbabalik sa nakaraan ng biglang sumigaw si Sir Christian. “Yes.” Nginitian niya ako ng may bahid ng panloloko. Sinimangutan ko lang siya dahil sa ginawa niya. Napapadyak pa ako sa sahig dahil sa inis ko sa pagkapanalo ng Pulang kotse. “Madaya ata yung kulay pula, Sir eh,” reklamo ko. Hindi sumagot si Sir at umiling-iling lang siya dahil sa sinabi ko. Sinundan ko siya ng tingin nang pinaandar niya ang wheel chair na inuupuan niya. Akala ko ay papasok na naman siya sa kwarto niya para magkulong. Iyon pala ay sa may kusina siya dumiretso. Nagutom siguro si Sir sa kachi-cheer at kakapanood. Nakakapagod kaya kahit na nanonood ka lang ng sports. Pakiramdam mo kasi ay parang sa buong pangyayari ng laban ay nandoon ka, at maging ikaw ay nak

