Chapter 7: That’s Why I Hated Men

1353 Words
“SAWA NA AKO SA IYO! MAGHIWALAY NA TAYO!” sigaw ng isang lalaki nang napakalakas dahilan para umalingawngaw ang boses sa apat na sulok ng tahanan. “HINDI NA AKO BABALIK! BAHALA KA NA!” “Huwag mo naman kaming iwan nang ganito!” sigaw naman ng isang babae na puno ng pagmamakaawa ang boses. Makalat ang buong paligid ng bahay. Makikita ang basag-basag na mga picture frame, stuff toys na nasa sahig at nagkalat, mga upuan na nakatumba, at mga kagamitan sa bahay na nagkalat sa sahig. Animo’y nagkaroon ng giyera sa tahanang ito. Ang dahilan? Ang pag-aaway ng mag-asawa dahil ‘di umano ay nais nang makipaghiwalay ng asawang lalaki sa asawang babae. “PAANO ANG MGA ANAK NATIN?!” sigaw ng ina habang hindi maawat sa pagluha. “Kailangan nila ng ama! Kailangan ka namin! Pakiusap! Huwag naman!” “IKAW ANG BAHALA SA KANILA! MULA NGAYON AY PUPUTULIN KO NA ANG KONEKSIYON KO SA PAMILYANG ITO!” malakas na sigaw ng ama habang nag-iimpake ng kaniyang mga damit sa isang malaking itim na maleta. “Hindi mo ako mapipigilan.” Habang nagtatalo ang dalawa ay ang kanilang dalawang anak naman ay nasa sulok lamang ng kusina, umiiyak. Ang batang lalaki ay umiiyak nang tahimik samantalang ang panganay na babae ay tahimik, seryoso ang mukha, at walang imik. “Ate... Pigilan natin si Papa...” iyak ng bata habang nakahawak sa braso ng kaniyang ate. Hindi nagsalita ang babae, bagkus ay matalim na nakatitig ito sa kaniyang ama na ilang beses nang nasaktan at pinagbuhatan ng kamay ang ina. Makikita sa batang babae ang pagpipigil ng galit sa murang edad nito bunga ng mapait na karanasan. “Bakit natin siya pipigilan?” sabi ng panganay na babae na nasa labing-isang taong gulang na. Tumingin ang batang babae sa kapatid. “Dapat nga ay matagal na siyang umalis dito.” Ngumisi ang batang babae. Sa murang edad, marami na itong nalalaman at alam niyang tama ang kaniyang sinabi. Saksi siya sa lahat ng kahayupan na ginawa ng kaniyang ama sa kanilang pamilya. Ngayon ay ito pa ang may ganang maglayas? Ang batang babaeng ito ay walang iba kung hindi ang veteran journalist ng SBG-12 na si Luna Helasque... “Mahal! Huwag mo namang gawin ito! Pakiusap!” sigaw pa ng ina ni Luna habang iyak nang iyak. Hanggang sa natapos nang mag-impake ng kaniyang mga gamit ang ama ni Luna at nagmamadali itong lumabas ng bahay. Bilang mabuting ilaw ng tahanan na hindi nais ang broken family para sa mga anak, hindi pumayag ang ina ni Luna ata agaran itong umawat sa asawa. “MAHAL! PAKIUSAP NAMAN! ALALAHANIN MO ANG MGA BATA!” awat pa ng ina ni Luna ngunit paulit-ulit pa ring nagpumiglas ang asawang lalaki. Palabas na sana ang ina ni Luna upang habulin pa ang asawa nang agad na humarang si Luna sa pintuan upang pigilan ang ina. “Anak, tumabi ka! Pigilan natin ang Papa mo! Hindi niya tayo maaaring iwan nang ganito!” Ngunit pumigil pa rin ang batang si Luna. Hindi niya nais na habulin pa ng ina ang kanilang ama dahil nagsisimula nang magtanim ng matinding galit dito. “Hayaan mo na siya, Mama!” sigaw ng batang si Luna dahilan para matigilan ang ina nito. Mabilis na yumakap ang batang si Luna sa kaniyang ina upang kahit papaano ay gumaan ang loob ng ina. Sa huli ay napayakap na lamang ang ina ni Luna sa kaniya at sabay silang pinagsaluhan ang luha ng kalungkutan dahil mula sa mga oras na ito, ang kanilang pamilya ay maituturing nang broken family. “Huwag ka nang umiyak, Mom? Please?” pagpapatahan ng batang si Luna. “I’m so sorry kung nangyayari ito sa family natin, my dear Luna. Wala akong nagawa para pigilan ang papa mo. It is all my fault...” “No! Mama! Wala kang kasalanan! It was Papa’s fault po dahil siya ang nang-iwan...” Mapait na ngumiti ang ina ni Luna at umiiyak na napatawa sa kaniyang anak dahil sa katalinuhan nito. Bagaman tumatawa habang umiiyak ay hindi maaalis ang matinding pagdadalamhati sa pang-iiwan ng asawa. “Huwag ka pong mag-alala. Ako po ang bahala sa inyo ni Seth. Hindi ko po kayo iiwan. Paglaki ko po, magiging sikat ma journalist po ako. Hindi po natin kailangan si Papa kasi he will just hurt us, Mama.” Mahigpit na napayakap ang ina ni Luna sa kaniya. Napangiti naman si Luna kahit kanina pa naiiyak ay tinatatagan ang loob. Kinamumuhian na ang ama. Ngunit mas mahalaga sa kaniya ngayon ang kapakanan ng ina at nakababatang kapatid. “Oo nga pala, nasaan si Seth?” biglang tanong ng ina habang nagpupunas ng luha. “Iniwan ko po siya sa kuwarto,” sagot ni Luna at tumingin sa pintuan ng kaniyang kuwarto. “Seth! Come here, baby!” tawag ng ina at sabay silang tumayo ni Luna at napangiti kahit basa pa ang mukha ng luha. Ngunit walang sumagot na bata. “Seth? Dali, come here! Hindi na nag-aaway sina Mama at Papa mo. Sorry kung natakot ka,” pagpapaamo ng ina sa bunsong anak upang lumabas na ito ng kuwarto. Ngunit wala pa ring sumagot na Seth sa kanila at walang lumabas na bata sa kuwarto. Nagkatinginan sina Luna at ang kaniyang ina saka dali-daling pumasok sa kuwarto at hindi nila inasahan ang tumambad sa kanila. Nagkatinginan silang muli kasabay ng pag-usbong ng kaba sa kanilang mga dibdib! Wala si Seth sa kuwarto! “Luna? Nasaan ang kapatid mo? Akala ko ba ay iniwan mo siya rito?” mabilis na tanong ng ina at nilibot ang apat na sulok ng kuwarto ngunit wala talaga ang anak. “Luna! Saan?!” “Hindi ko po alam, Mama! Narito lang siya kanina noong hinarang ko po kayo sa pinto!” Agad silang nagtatakbo palabas ng kanilang tahanan at lumabas din ng kanilang bakuran. Doon ay nakita nilang tumatakbo ang batang si Seth, umiiyak habang hinahabol ang itim na kotse kung saan nakasakay ang ama! “SETH! DON’T DO THAT!” sigaw ng ina at dali-daling nagtatakbo upang habulin ito. Gayundin naman si Luna at tumakbo upang habulin ang kapatid. Masyado nang malayo ang itim na kotse lulan ang umalis na ama ngunit humahabol pa rin ang batang bunso. “Seth! Stop right there!” Ngunit isang kotse ang humaharurot mula sa hindi kalayuan na nasa gitna ng kalsada! Saktong nasa gitna ang batang si Seth na umiiyak habang humahabol pa rin sa ama! “SETH! NO! HINDI!” malakas na sigaw ng ina ngunit huli na ang lahat dahil sumalubong ang humaharurot na pulang kotse sa batang si Seth na nasa gitna ng daan! ISANG MALAKAS NA PAGSALPOK ANG NARINIG SA HONG PALIGID! Natigilan sina Luna at ang kaniyang ina sa buong nasaksihan! Animo’y tumigil ang kanilang mundo nang makitang unti-unting bumulagta sa malamig na semento ang katawan ng batang si Seth! “Hindi...” tanging nasabi ng ina at nagmamadaling tumakbo sa kaniyang anak. Samantala, si Luna naman ay nakatayo lamang sa kaniyang kinatatayuan hindi kalayuan sa kaniyang kapatid na duguan na ngayon habang napalilibutan ng maraming tao na gulat din sa pangyayari. Nakatayo lamang si Luna ngunit kakaiba ang hitsura. Kahit hitsura ay bata, punong-puno ng galit ang buong awra nito habang mahigpit na nakayukom ang kamao! Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ng batang si Luna kasabay ng paninikip ng dibdib. Marahan siyang naglakad patungo sa walang buhay na katawan ng kapatid. “HINDI! ANAK KO! HUWAG MO AKONG IWAN! SETH! HINDI!” malakas na hagulhol ng ina. Habang palapit nang palapit ay mas lalong nangngangalit ang puso ni Luna. Mas lalo pa siyang nagalit nang makitang biglang dumating ang kaniyang ama na gulat din sa pangyayari. “Kasalanan mo ito...” umiiyak na bulalas ni Luna habang matalim na nakatitig sa kaniyang ama na anumang oras ay handa niya nang patayin. Mula noon ay kinamuhian na ni Luna ang mga lalaki bunga ng pagkamatay ng kaniyang batang kapatid na lalaki, pang-iiwan ng kaniyang ama sa kanilang pamilya—sa paniniwalang matinding sakit lamang ang dulot nila sa buhay ni Luna...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD