Kung ang ibang mga tao, partikular na ang magkasamang babae at lalaki ay nagtutungo at ookupa ng isang unit sa hotel para magpahinga, matulog o hindi kaya ay mag-s*x, sina Luna at Josiah naman ay naiiba sa mga magkasamang lalaki at babae.
Ibang-iba ang pakay ng veteran journalist ng SBG-12 at well-known multi-awarded director!
Nag-okupa sila ng isang room sa isang hotel sa Manila para lamang mag-away silang dalawa!
“You know I can’t do this!” malakas na sabi ni Luna at padabog na isinarado ang pinto.
“I can’t do this either!” sagot naman ni Josiah na dumiretso sa counter ng kitchen at tumayo roon habang ang parehong kamay ay nakasilid sa bulsa.
“I did told you na never akong papayag na makasama ka sa trabaho. Buong career ko, nagawan ko ng paraan hindi lamang makatrabaho ang kahit na isang lalaki. Ngayon pa ba ako susuko?” singhal ni Luna at napahilot sa kaniyang sentido. “I would never ever accept this project kung makasasama kita.”
“Even I told you na hinding-hindi ako papayag na makatrabaho ka. Ever since, wala na akong tiwala sa mga babae. Mga sakit lang kayo sa ulo.”
“Wow! Nagsalita ang mga lalaki na walang ibang naidulot sa lipunan na ‘to kung hindi ang manakit!”
“Then why don’t we tell the truth to Direk Gab? Sabihin natin ang totoo na we can’t work together!” suhestiyon ni Josiah at dumapo ang kanang kamay sa batok, unti-unti nang nauubos ang pasensiya.
“Baliw ka na ba?”
Magsasalita na sana si Josiah nang marinig ang bell mula sa pinto. Dahil malapit ang distansya, si Luna na ang tumungo at nagbukas ng pinto. Bumungad ang isang kitchen crew at nag-abot ng isang tray na naglalaman ng dalawang basong tubig, dalawang patong ng tissue, at isang pamphlet ng hotel.
“Thank you,” anang kitchen crew at nagmamadali pang inilabas ang cell phone nito.
“Puwede pong pa-picture, Ma’am?”
“Sure. But do not post it in any social media platforms or show it to your co-staffs immediately.”
“Yes, Ma’am. I know naman po ang kalakaran ninyong mga artista.”
Matapos ang pagpapakuha ng litrato ay agad na bumalik sa loob ng unit si Felissa at kinuha ang isang basong tubig bago inilapag sa counter, sa harapan ni Josiah, ang tray. Mabilis na kinuha ni Josiah ang isang bason tubig at lumagok doon.
“Common sense naman na hindi natin tanggihan ang sinasabi ni Direk Gab. Kakayanin ba ng pride mo na tanggihan siya? Because I cannot!” pagpapatuloy ni Luna habang hawak-hawak ang baso ng tubig.
“Uunahin mo pa ba ang pride mo?” buwelta ni Josiah at inilapag sa counter ang hawak na babasaging baso. Humabol pa itong bulong. “Mga babae nga naman, mas mahalaga pa ang pride kaysa sa lahat.”
“Of course! It is important to me! Direk Gab and I are very close to each other! Hindi ako makatatanggi!”
“We’re close too.”
“See?” Bahagyang napangisi si Luna. “Hindi natin matatanggihan si Direk Gab. It is his last and final wish for the both of us as his close friends. Never humiling sa akin si Direk Gab, I don’t know kung sa iyo rin pero maisip ko pa lang na tanggihan siya ay nahihiya na ako. Hindi kakayanin ng konsensiya ko!”
“Then what can we do? We hate each other’s company and existence. Hindi rin naman natin kayang tanggihan si Direk Gab!” frustrated na bulalas ni Josiah na kulang na lang ay panggigilan na ang sarili. “Ano? Sabihin mo. We cannot do this at all.”
“I don’t know, okay? Hindi ko alam at sa ngayon ay wala pa akong alam na gagawin. Everything was so sudden!” stressed na rin na sagot ni Luna.
Kung magpalitan ng dalawa ng mga salita, animo’y mga stressed at frustrated na mga magulang sa kani-kanilang mga makukulit at matitigas ang mga ulong mga anak! Si Luna ay nakasapo ang palad sa noo habang si Josiah naman ay kagat ang labi.
“Wala kang alam na gagawin? What if mag-resign ka na lang as a journalist para hindi na matuloy ang three-project documentary na iyan?” nakangising pahayag ni Josiah na hinahamon ang journalist.
“WHAT? Are you telling me na isuko ko ang profession at license ko just to quit and escape from this mess? Ginagawa mo ba akong tanga? Then why don’t you do it?” buwelta naman pabalik ni Luna.
“Why not? Puwede ka namang maging editor na lang muna? Sabihin mo kay Direk Gab na hindi mo na trip ang paggawa ng mga documentary projects?”
“Over my dead body!” inis na singhal ni Luna. “Why don’t you try it yourself? Kung may isa sa atin na kailangang sumuko rito at isakripisyo ang propesyon niya, ikaw iyon sa ating dalawa. My documentaries are more valuable than your movies and films!”
Nainis na tumawa si Josiah.
“Then we have no choice anymore kung hindi gawin ang dapat nating ginawa kanina pa noong kasama at kaharap natin si Direk Gab,” iling-iling na saad ni Josiah at hinawakan ang baso ng tubig sabay inom.
Nasa kalahati na lang ang tubig na nasa baso ng binata. Hindi naman kalakihan ang water glass.
“Ano ang binabalak mo?” biglang naalarmang tanong ni Luna at kaagad na lumapit sa counter.
“Ano pa ba? Sasabihin ko ang katotohanan para lumaya na tayo sa kahibangan na ito. Sasabihin ko na hindi natin kayang makatrabaho ang isa’t isa dahil ayaw natin sa isa’t isa. The truth will set us free.”
“Nababaliw ka na ba?”
“Matagal na akong baliw,” ngising pahayag ni Josiah dahilan para kumuyom ang kaliwang kamay ni Luna. Nagsisimula nang magalit ang buong huwisyo ng dalaga dulot ng mga pinaplano ng lalaki.
“You can’t do that!” malakas na sigaw ni Luna at hinarang si Josiah na maglalakad na sana. “Baliw ka na talaga, ano? Ipapahamak mo ako! Umayos ka!”
“You cannot change my mind because a woman like you will never deserve my consideration in terms of my decisions so stay away from me.”
Nanlaki ang mga mata ni Luna!
Nag-init nang isang iglap ang buong katawan ng dalaga at nagdilim ang paningin nito dahilan para biglang isaboy ang lahat ng tubig na laman ng hawak na baso! Dumiretso ito sa katawan ni Josiah!
Namilog ang mga mata ni Josiah sa isang bagsak! Maging si Luna ay hindi makapaniwala sa ginawa!
“HAVE YOU GONE MAD?!” malakas na sigaw ni Josiah na basang-basa na ang buong katawan dahil kumalat na mula mukha pababa sa katawan ang maraming tubig na isinaboy.
“Why? Can’t I? This is the game that you want, right? Then let me play in accordance to my way!”
Napasinghap si Josiah. Asar na asar nitong tinakpan ang bibig at sunod ay isang ngising asar na may halong galit ang umukit sa gilid ng labi. Kinagat nito nang mariin ang labi. Nagulat na lamang si Luna sa mga sumunod na nangyari!
Biglang dinampot ni Josiah ang baso nito na inilapag kanina sa counter at isinaboy sa dalaga!
Ngayon ay pareho nang basa ang katawan ng veteran journalist ng SBG-12 at well-known multi-awarded director! Ngayon ay pareho silang miserable ang hitsura ngayon!
“WHAT THE HELL?!”