Chapter 22

2592 Words
LIA ELIZA ALFARO'S POV ___ "Happy birthday, our Liana Elizabeth!" Kalalabas ko lang ng kwarto narinig ko na agad ang malakas na boses ni Riel. "Thank you, Ninang!" narinig kong masiglang sagot ni Eli. Wala sa loob na humakbang ako papunta sa living room. Nakita ko ang mga ito roon. Riel was hugging her tight. "Kumain ka na ba? Come on, let's go to the kitchen." She held Eli's hand at masaya naman itong sumunod sa kanya and Chase na hawak ang dinala niyang pagkain. Riel held my arm too nang daanan niya ako. "I ordered pancit lang, baby. Wala na kasing time magluto si ninang. No worries, I bought you cake din." "We still have a cake there!" Turo nito sa ref bago tumakbo papunta doon at kinuha ang cake na sobra na sa kalahati ang nabawas. "Wow! Mommy gave you a cake yesterday?" "Hmm... daddy bought it from her bakeshop. Do you want to taste it, ninang?" Alanganing ngumiti si Riel rito. "Kukuha lang ako ng pinggan." Muli niyang kinuha ang braso ko nang daanan ako at binitiwan lang ako nang makarating kami sa counter top. "Pinabili mo pa talaga ng cake si Chase? Hindi mo na lang ibinigay? Alam mo ba kung gaano kamahal tinda mong cake na hindi ko rin gugustuhing bilhin kung hindi mo ibibigay nang libre? Ilang araw niyang kita iyon sa talyer," mahinang sambit nito. "He bought it already. You don't have to make a fuss out of it." Dinala nito ang kamay sa baywang. "Hoy Lia Eliza, birthday ng anak mo kahapon. Nakalimutan mo ba? O alam mo naman wala ka lang talagang pakialam? Isn't it ironic na gumagawa ka ng cake tapos hindi mo man lang mabigyan ng cake ang anak mo? Since when?" "Riel, p'wede ba? I don't want to argue with you at this hour." "I am not arguing with you. Nagtatanong lang ako. Alam mo naman never ko pa rin nakasama si Eli sa birthday niya." "Ninang..." Agad itong bumaling kay Eli nang lumapit ito sa amin. "Hmm, yes, baby?" Nakangiti itong nag-abot ng isang slice ng cake sa kanya. "Oh... so sweet, thank you." "The table is ready now!" Tumingin ito sa mesa at tumawa nang alanagnin. "Ay wala pala dito ang mga plato. Thanks, Chase!" Bahagya lang itong ngumiti sa kanya. "What else do you want to eat, hmm?" Riel asked Eli while caressing her cheek. "Come on, tell me. It's your birthday. We have to celebrate." "Hmm... I just want... spaghetti." "No problem, your mom will cook that for you." Binaling nito ang tingin sa na tila nababahala sa narinig pagkatapos ay muling bumaling kay Riel. "It's okay, Ninang. We can eat what's on the table." "Hindi. Wala siyang pupuntahan ngayon. Magluluto lang siya. Akong bahala," she whispered the last part. "Take your seat now. Susunod kami." Bumaling sa akin si Riel nang tumakbo ito palayo. "Oh, ano pang hinihintay mo? Mag-order ka na ng pagkain.Barbeque, pizza, steak... mag-ambag ka naman. Wala na akong pera 'no." Sumubo ito ng cake na binigay sa kanya ni Eli at muli akong tinapunan ng tingin bago humakbang palapit sa mesa. Nasindihan niya na ang kandila ng cake nang makalapit ako sa mga ito. Kinantahan niya si Eli ng happy birthday habang sinasayaw ito. Abot naman ang tawa ng bata habang nakatingala sa kanya at sinusundan ang mga paa niya. "Happy birthday again, our Liana. I love you." "Thank you so much, Ninang. Thank you for going here. I love you," anito at yumakap sa kanya nang mahigpit. "I'm sorry ha if ninang wasn't able to attend your previous birthdays. Magka-birthday kasi kayo ni tito mo, and you know he always celebrates his birthday sa Bohol pa. But now, I promise na we'll always celebrate your birthday, okay?" Nakangiti itong tumango. "Okay, Ninang." "Come on, hug Ninang again." RIEL ABAD's POV ___ I almost cried habang mahigpit itong nakayakap sa akin. Siguro kasi pakiramdam ko anak ko rin siya and I could really feel her longing for an embrace. Pinutol ko rin iyon agad at hinatid siya sa silya niya dahil ayokong maging dramatic doon. Ako na ang nakialam sa cellphone ng kaibigan ko dahil alam kong wala itong hilig sa mga delivery app. Ang dami niyang pera luma ang cellphone niya pati wallpaper niya. Ewan ko ba naman sa kanya. Gusto pa yatang regaluhan ko siya ng latest na iPhone na hindi ko afford. Halos in-order ko na lahat ng nakita ko. Hindi naman iyon makakabawas sa kayamanan niya. Eli enjoyed the cake na binili ko. Dadaan sana ako sa bakeshop ni Lia pero naalala kong sabado at alas diyes na sila nagbubukas. "After this, we'll cook your spaghetti. Do you want to invite your friends?" "I only have one friend, Ninang." "Oh, Xeri, right? What about her sister? Would you like to invite her as well?" "I will tell them!" excited na anito at pagkatapos kumain ay nagmadali nang umalis ng hapag. Halos sabay-sabay ding dumating ang mga order. 'Yung ibang ingredients na kailangan, si Chase na ang nag-offer na bumili. Pinadala ko sa kanya ang credit card ni Lia na kinuha ko pa sa wallet niya pero hindi nito tinanggap. Ang sabi niya birthday celebration naman ni Eli kaya ayos lang sa kanya. Naisip ko tuloy na sana ay pati ang mga iyon ay in-order ko na lang online. Hinayaan kong tumulong si Eli sa kitchen. She wasn't talking to her mom. Ako lang ang kinakausap niya and like usual, sobrang dami niyang kwento. Ang sarap niyang tingnan at pakinggan dahil napaka-lambing ng boses niya at napaka-aliwalas ng mukha niya. Tinulungan ko lang si Lia na maghiwa pero hinayaan kong siya na ang magluto. She should. Kahit paminsan-minsan dapat ay may ambag naman siya sa buhay ng anak niya. Chase bought him clothes pala. Ako ang nagbihis sa kanya after niya maligo and she was smiling the whole time. Kitang-kita ko kung gaano siya nagke-crave for that care. Minadali ko nang itali ang buhok niya nang makarinig na kami ng doorbell sa labas. It must be her friend. She was very excited at siya na ang nagbukas ng gate sa mga ito. Tinabi ko pa ang mga gamit niya sa kwarto para hindi na iyon aayusin ni Chase. "Hi, tita Riel!" "Hi, Xeri. Long time no see," nakangiting bati ko rin dito at simpleng inikot ang tingin ko sa paligid para hanapin ang kasama niya. Nakita kong nakatayo ito sa harap ng wedding portrait ni Lia at Tim na ilang taon nang naka-display sa living room. Wala sa loob na nilapitan ko ito. She must be wondering kung bakit nandoon pa rin iyon, o baka naguguluhan siya kung sakaling hindi pa nababanggit sa kanya ni Chase ang past. I simply cleared my throat. Agad naman itong bumaling sa akin. "H-Hi..." she greeted. I smiled at her. "Hi, you're Xeri's sister, right? Nakukwento ka ni Eli." "Y-yeah..." inabot nito ang kamay sa akin. "Reni." Kinuha ko naman ang kamay nito. "I'm Riel. Best friend ni Lia. You're pretty, ha." Muli iting ngumiti nang alanganin. "Thank you. You too." Sakto namang dumating na si Chase na agad sinalubong ng dalawang bata. Wala sa loob na tiningnan ko muli ang babae sa tabi ko na noon ay nakatingin sa mga ito. Tingin pa lang, naamoy ko na. Naamoy ko na noon, mas naamoy ko pa ngayon. Well... I couldn't blame her. Kung hindi lang deads na deads si Chase sa kabigan ko matagal ko na siyang inagaw at kung hindi ko lang nakilala ang asawa ko baka ako na lang ang nagpabuntis sa kanya. They gave each other a smile. Of course nakingiti na rin ako sa kanila. She wanted to help in the kitchen pero sinabihan ko siyang hayaan na ang dalawa. Kung magsaksakan man sila sa kusina, it was out of our business. Minsan, kailnagan rin nila iyon. Kailangan din nilang magkasundo for Eli even just for a day. Hindi naman nagrereklamo ang kaibigan ko at mabuti naman. Kung hindi, baka ako na talaga ang sumaksak sa kanya gamit ang pasta ng spaghetti. "So... you said you're not working now?" muling tanong ko pagkatapos kong simulang interviwehin ito. "No plans of getting back to work?" "Yeah... I used to be a workaholic noong nasa AU pa ako, but now I'm just planning to stay at home and look after Eli." "Sabagay, ang laki-laki ng bahay niyo sa kabila. Sigurado marami kayong pera at marami kang ipon," I joked. "We have a house din kasi sa AU, so I didn't have to pay rent." "Do you like to buy properties?" "Yeah, I'm actually looking for a rest house." Agad akong napapalakpak nang hindi oras sa ere na mukhang ikinagulat nito. "Sakto! Real estate broker ako. Meron ako ditong mga properties..." agad kong binuksan ang cellphone ko at pinakita iyon sa kanya. Sinimulan ko agad ang sales talk ko at nag-uusap lang kaming dalawa hanggang sa tawagin kami ng dalawang bata para magpunta ng kusina. Mukhang nakatapos magluto ang dalawa nang hindi pinapansin ang isa't isa. Well, at least, hindi talaga sila nagsaksakan." "Marami din pala kayong dalang pagkain?" tanong ko kay Reni. "Hindi na dapat kayo nag-abala." "It's okay... it was part of our plan for today talaga. Gusto kasi ni Xeri na mag-picnic with Ei to celebrate her birthday." "Oh, may family bonding pala kayo—I mean, bonding. Bonding lang," sambit ko at alangan itong nginitian. I really didn't stop to ask more about her since puro properties ang pinag-usapan namin kanina. "Are you in a relationship?" She shook her head, but the little kid answered. "My sister never had a boyfriend." "Oh..." I whispered. "Sa ganda mong 'yan wala ka pang nagiging boyfriend? May I know why?" "As I've said, I used to be a workaholic." "What about now? Wala pa ring plans?" "I... don't want to rush things." "How old are you again?" "I'm twenty-nine." "Oh, you are two years younger pala sa amin. I like you. You're so pretty, and you look sweet. Right, Chase?" Napahinto ito sa pagtawag ko sa pangalan niya at nakita ko rin sa gilid ng mata ko na napahinto ang kaibigan ko na kanina pa walang imik. "Don't answer it," Reni jokingly told him. Chase gave her a slight smile na madalang kong makita rito. "I have to agree." She couldn't hide her face na nagsimulang mamula. I reall y like her. I could sense her character. Magaan siyang kausap kahit mukhang anak mayaman na hindi nakapaglaro ng Chinese garter at piko nu'ng bata pa siya. I nudged my friend and whispered. "Bagay sila." Wala itong naging comment doon. Tinulungan ko siyang magligpit ng mga gamit after lunch and I kept teasing her. Nilinis naman ni Chase ang pool sa utos ko, dahil pala-desisyon ako. At least, kapag nagalit ang may-ari, sa akin siya magbubuga ng apoy. Alam ko namang hindi iyon mangyayari dahil never namang nagalit sa akin ang kaibigan ko. Besides, birthday naman ng anak niya. Hindi naman siguro ikasasama ng loob niya ang paggamit ng pool area. "Oh..." I whispered nang makita kong nakasuot ng puting one piece ang kapit-bahay. Nagpadala pa ng pangligo ang mga ito dahil wala naman talaga sa plan ang mag-swimming. She joined Chase and the two kids in the pool. "Papatalo ka ba? Show us your two piece," sabi ko sa kaibigan ko na noon ay nakatayo sa tabi ko at nakatingin rin sa mga ito. Ganoon pa man, tumalikd rin agad ito at humakbang palayo. "Ayaw mo, ako na lang," muling bulong ko at hinubad ang damit ko. I joined them in the pool. Eli couldn't contain her happiness at napaka-saya kong makita iyon. I could see kung gaano siya ka-close sa mga bisita niya, at 'yung kaibigan niya sobrang close din kay Chase na kulang na lang tawagin niyang daddy. I didn't want to force my friend to join us dahil baka masira lang ang fun. Nananalaytay naman talaga sa dugo niya ang pagiging KJ. We didn't even notice the time hanggang sa nagsimula nang dumilim. Pinasalamatan ko ang mga bisita niya for making her day complete. Bago siya matulog, binuksan namin ang mga regalo namin ng asawa ko sa kanya. She was very happy kahit bagong mga damit lang iyon at sapatos. She was always grateful kahit sa maliliit na bagay. Tinulungan ko siyang i-setup ang iPad niya. Ginawan ko na rin siya ng accounts for video calls para kapag may kailangan siya, she could immediately call me or her daddy. Nag-picture pa kaming dalawa doon at naglaro. Napangiti ako nang bahagya seeing her na malambing na nakasandal sa balikat ko. "Did you have fun?" "Yeah. Thank you so much, Ninang," malambing na sabi nito. "You are always welcome. Always." "Thank you," ulit nito. "For what this time?" "For everything. I hope you will always go here, Ninang. I'm happy when you're here." Nakaramdam ako ng kislot sa didbib ko at hindi ko alam kung bakit nagsisimulang mag-init ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. "Always remember, if you need a hug, just call me. If you need someone to listen to your stories, just call me. If you feel like... like you aren't complete, just call me. We'll try to make you feel complete. I can do Mommy's duties too." Ngumiti ito sa akin. A precious smile. "Halika nga dito." I hugged her tight. "I love you, Ninang." Agad kong pinunasan ang luha ko. "I love you, too. I love you so much." "Ninang?" Hinaplos ko ang pisngi niya? "Hmm?" "Can you tell mommy I said thank you?" Yumuko ito. "And I had fun..." Muli kong pinigilang maging emosyonal and just nodded. Nakipag-kwentuhan pa ako sa kanya sa room niya with Chase hanggang sa makatulog siya. Pagkatapos ay kumatok ako sa silid ng kaibigan ko bago ako pumasok. Nakatayo siya sa harap ng glass wall ng kwarto niya habang umiinom ng wine. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran niya. I smiled a little. "She's six... ang bilis 'no?" Sa kabila ng lahat ng ginagawa niya o sinasabi niya, naniniwla pa rin ako na mabuti siyang tao at may mabuti siyang puso. I've known her for so long. Naniniwala akong kilala ko pa rin siya. "She never failed to make us proud by staying kind and lovely. Sana bumagal pa ang ikot ng mundo. I want her to stay young. 'Yung wala pa siyang masyadong naiintindihan kasi hindi ba as a mother... nakakatakot kapag unti-unti nang lumalaki ang mundo nila? Hindi na lang tayo ang hinahanap nila, hindi na lang tayo ang kailangan nila. It's scary, 'no? It's scary to miss even small things about them kasi baka lumaki sila na hindi natin sila kilala and the painful part... gusto nating bumalik sa dati where we have the chance to know everything about them freely na wla pa silang naitatayong mataas na pader sa paligid nila, pero huli na because we can never bring back time. All we can do is regret. Just regret na hindi tayo nakapasok sa buhay nila noong malaya pa nila tayong binibigyan ng pagkakataon. Bes... it's been six long years. Masaya ako para sa'yo kasi hanggang nagyon... proud pa rin siya na ikaw ang mommy niya. I'm happy for you dahil hanggang ngayon mahal na mahal ka pa rin niya. At ako... I'm proud of you today because you didn't complain or make her feel bad. I know she's so much happy. And you know, she asked me to tell you her 'thank you' and that... she had fun."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD