Chapter 23

2334 Words
LIA ELIZA ALFARO's POV __ "Where are we going, mommy? Can we tell daddy, please..." mahinang sambit nito habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. "You're with me. We don't have to tell him everything." "Daddy might get worried..." Hindi ko na ito pinansin pa kahit alam kong hindi siya mapakali roon at paulit-ulit niyang tinitingnan ang dinadaanan namin. Her father left early. Ang sabi niya may pinunthan itong trabaho. Naghanap ako ng slot sa carpark ng mall. Tinanggal ko ang seatbelt ko bago ako bumaba ng sasakyan. Sumunod naman ito sa akin papasok sa loob ng mall. Naging kaliwa't kanan ang tingin nito sa paligid niya. Kumain na ito ng tanghalian bago kami umalis ng bahay kaya dumiretso na ako sa isang malaking store doon. Nagtungo ako sa kids section. Nakasunod lang ito at nakatingala sa akin. "Look around." "I can't afford anything here." "I'll pay." "I don't want daddy to owe someone money again." "I said I'll pay. I didn't tell you he'll pay." "I still have new clothes and shoes, Mommy." I simply released a deep breath. Muli akong nagpatuloy sa paghakbang at dinala naman siya sa toy section. I knew kung anong hindi nito kayang tanggihan. She immedietly forgot na kasama niya ako. Kaliwa't kanan muli ang tingin nito sa paligid niya at tila ba hinahanap pa ang lakas ng loob na hawakan ang mga laruan. She was very gentle. Tila takot na masira ang mga iyon. Binalik niya rin ang mga hinawakan niya pero kumuha ako ng cart para ilagay doon ang mga iyon. Matagal din siyang tumayo sa harap ng isang may kalakihang teddy bear habang hinahaplos lang iyon. The last time I remember buying toys was noong first birthday niya. Kinuha ko ang malaking kahon ng doll set. "You want this?" Tumingin ito sa kahon na kumikislap ang mga mata. Akmang kukuhanin iyon pero tumgil ang kamay nito sa ere at agad ding naging malamlam ang mga mata nito. "I know that's expensive." Nilagay ko iyon sa cart at kinuha ko na rin ang teddy bear na kanina niya pa tinitingnan at hinahawakan. "Come on, let's buy some clothes and shoes now." Agad itong sumunod sa akin nang itulak ko ang cart. Akona ang pumili ng mga pantulog para sa kanya. I also bought her shoes and slippers. Nalaman ko ring pink ang paborito nitong kulay. I didn't even notice na marami na akong nabibili. Napuno ang cart and I paid for everything. She was just quiet, unless I would ask questions. Dinala ko muna sa sasakyan ang mga pinamli at bumalik din kami sa loob ng mall. Dinala ko siya sa bookstore para bilhan siya ng bagong notebook and other things na kailangan niya sa school. Marami pa kaming pinuntahang shops. May ilang gamit din akong kailangang bilhin for myself. She knew how to behave well in public. Nakaupo lang ito sa couch habang umiikot ako sa loob ng store. "Mommy, I will help you," anito nang makita ang mga bitbit kong shopping bag. "I don't need help." Time flew fast. Last time I checked my watch, alas-sais na ng gabi. Kumain kami sa isang restaurant bago kami nagtungo sa grocery store. Hindi ako madalas doin. Dumadaan lang ako at bumibili ng baking ingredients para sa bahay. Ang driver namin noon ni Tim ang nauutusan kong mag-grocery at mamalengke every 15th and 30th of the month. "Get all you want," utos ko rito. Marami kaming dinaanang section pero wala itong kinuha kahit isa pero nang madaan kami sa noodles section, kumuha ito ng maraming noodles na halos hindi niya na mabuhat sa mga braso niya pagkatapos ay binagsak ang mga iyon sa cart. "That's all you want?" Tumango ito. "That's for daddy." Hindi ako nakaimik agad. I looked at her for a while. "We'll not buy it." Kinuha ko ang mga iyon mula sa cart at binalik sa shelves. "You will not eat instant noodles starting now." "But we like noodles, mommy..." mahinang sambit nito habang nakabusangot. "I'll teach you to cook healthy noodles." Mabilis din nagliwanag ang mukha nito. "R-Really?" "What else do you want?" "Can we... buy a lot of ham and bacons?" alanganing tanong nito. "I know daddy like those too, but we can only buy a few and daddy would just let me eat all of it." "Just choose what you want, not what others want." I was expecting her na kumuha ng maraming pagkain pero paisa-isa lang ang kuha nito na tila alam niya kung anong ang mas importanteng bilhin. Wala akong nakitang kinuha niya for snacks. Ako na ang kumuha ng mga pagkain para sa kanya. It was my first time to buy foods for kids. Kung ano-ano na lang ang kinuha kong pack ng drinks and snacks. Alam kong mahilig siya sa chocolates kaya kinuhanan ko na rin siya ng marami. Nakatayo na lang ito sa isang tabi na tila hindi na makapaniwala sa laman ng cart at sa patuloy ko pang paglalagay doon. Napadaan din kami sa mga canned foods. Hindi ko na pinansin kung anong sardinas ang kinukuha niya. Tiningnan ko lang ang mga ham sa shelves, until I absentmindedly put some in the cart. Hindi naman ako mahilig doon, but I didn't notice na halos lahat ng brand ay nakuha ko na. Pagdating naman sa frozen foods, masaya na ito sa hotdog lang. Bumili na rin ako ng ham, bacons, and other na alam kong hindi niya pa natitikman. She was so amazed na punong-puno ng pagkain ang cart. Papunta na kami sa counter nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Lia!" Hindi ko ito napansin agad. Nakita ko lang ito nang pumwesto siya sa harapan ko. "Lia, gosh, I didn't expect to see you here." Hinayaan ko lang na ibeso ako nito. "How are you?" "Good... I'm good." "That's great to know! Alam mo, I've been trying to call you since umuwi kami nina Mama from the UK, but I guess you changed your number na. You should visit us at home. We miss you." I didn't say anything. Hindi ko alam na nakauwi na pala ulit sila. I guess, nagbabakasyon lang ang mga ito. Simula nang mamatay si Tim nagpunta na sila ni Lorence sa UK. Hindi na natuloy ang pag-take over ni Lorence sa company nila and I guess he was still blaming himself sa pagkamatay ng kapatid niya. He thought na naaksidente ito sa sama ng loob sa kanya knowing na sa kanya ipapamana ang kompanya. From what I know, si Josh na bunso nilang kapatid na ang nagma-manage ng company nila. "Oh... who's this little cutie?" tanong nito and bend closer para abutin ang chin ni Eli. Nag-angat ito ng tingin sa akin na tila natatakot o kinakabahan. I didn't have to answer her question. We used to be close friends noong buhay pa si Tim, but I still never tell her everything lalo pa at asawa siya ni Lorence and she was ver close to Mama. Muli itong bumaling kay Alisia and gulped something down her throat. "I'm... I'm her niece," sagot nito nang nakayuko at pinaglalaruan ang laylayan ng damit niya, seemed so guilty of lying. "Oh... that's why you look exactly like your tita." Ngumiti ito at bumaling rin sa akin. "She's so cute. Kamukhang-kamukha mo. Anyway, we'll expect you to come, ha. I have to go na rin kasi napadaan lang talaga ako to do shopping kaya lang Lo asked me to buy him strawberries," tinaas nito ang dalang isang pack ng strawberry. "I'll see." Muli ako nitong bineso at ngumiti. "See you, Lia." We stopped at the foodcourt nang mabayaran namin ang mga groceries. I bought ice cream for her na tahimik niyang kinakain habang nakaupo sa tapat ko. Matagal din akong nakatingin lang rito bago magsalita. "Why did you say that?" Nag-angat ito ng tignin. May dumi pa ang gilid ng mga labi nito. "What, Mommy?" "You lied." Muli itong yumuko na tila nagi-guilty pa rin sa pagsisinungaling niya. "I'm sorry, Mommy." "Look at me." Mul itong nag-angat ng tingin sa akin na namumuo na ang luha sa mga mata. Normal na tono lang ang gamit ko, but that still scared her. "Why did you say that?" ulit ko. "Because... you always say that to everyone... right? I thought I had to lie... I don't want you to get mad by telling the truth, Mommy." "That's fine with you? Act like you're not my daughter?" "It's okay if you don't want everyone to know about me, Mommy. It's okay if you don't like me. I still like you." "Who said I don't like you?" Namumuo pa rin ang luha nito habang nakatingin sa mga mata ko. "You said it, Mommy." Hindi agad ako umimik. "I can't remember saying it." "I do." Muli akong hindi nakapagsalita. "You said daddy took advantage of you and that you really didn't like me to be born. You said you just didn't have any option." Muli kaming kinain ng sandaling katahimikan. "If I said that, why do you still like me?" "I don't know, Mommy..." anito at muling yumuko. "I like you forever... even if you don't like me." Hindi ko tinanggal ang tingin rito habang ilang sandali pa ang lumipas. "Finish that." Marami na kaming nakasabay papunta ng parking kaya nahirapan itong sumunod sa akin. Naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa laylayan ng suot kong long sleeves. Huminto ako para tingnan ito sa likuran ko. Agad itong bumitaw at tumingala sa akin. "Sorry, Mommy. I don't want to get lost. I don't know how to go home." Inabot ko ang kamay ko sa kanya na agad niyang sinundan ng tingin. Tiningnan niya lang iyon na tila nagtataka kung para saan. "Come on, we have to go home now," I said, quite irritated. Nag-aalangan man ay dinala rin nito ang maliit na kamay sa kamay ko. Kinulong ko iyon sa palad ko at nagpatuloy sa paghakbang tulak ang cart. I tried to contemplate kung anong nararamdaman ko. Hindi na lang siguro ako sanay. Bata pa siya noong huling beses kong hawakan ang kamay nito nang hindi siya hinihila. CHASE KARSON MANJARES' POV __ "Chase, hidni sumasagot ng tawag si Lia, but please don't worry. Sigrudo ako kasama niya si Eli at s-sigurado naman ako na wala siyang gagawing masama kay Eli." The way na sabihin niyang sigurado siya, alam ko agad na hindi. Lia was unpredictable. Wala na akong tiwala sa kanya kahit siya pa ang ina Eli. Hindi ko na alam kung saan sila hahanapin. Halos naikot ko na ang buong barangay at hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko kaiisip kung nasaan ang anak ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Reni nang tumunog muli ang cellphone ko. "Chase, dumating na car ni Lia sa house niyo. Don't worry now. I saw Eli na bumaba sa car niya." Agad akong pumara ng tricycle pauwi ng bahay. Hindi ko pa rin mapigilan ang bugso ng damdamin ko at pag-alala sa dibdib ko dahil ilang oras ko na silang hinahanap. Nakita ko agad ito sa living room na excited na nagbubukas ng mga laruan. Nakita rin ako agad nito at lumapit sa akin bitbit ang isang malaking laruan. "Daddy, look!" Nanatili lang akong nakatingin rito still trying to calm myself. "Do you know that I have been calling you?" Agad itong napatigil at tiningnan ako na tila ba binabasa ang emosyon sa naging tono ko. "Daddy..." "I already told you to always bring your phone with you, right? Mahirap bang gawin 'yon?" "Daddy... are you mad-" "Who wouldn't be? Kanina pa kita hinahanap, and you don't have any idea how worried I was." Nagsimula agad mamuo ang luha sa mga mata nito na hindi rin nito napigilan at tuluyan nang bumagsak. "Sorry, daddy..." Mabilis din naman akong natauhan seeing her cry. Makulit siya minsan, but I promised myself na hinding-hindi ko siya pagtataasan ng boses because she was very sensitive. Pakiramdam niya kasi ako lang ang kamampi niya. Bumaba ako para magpantay kami at pinunasan ang luha niya. "Shh... I'm sorry," I whispered. "I'm not mad. Daddy's just tired... tired of work." Mabilis itong yumakap sa akin. "Sorry, daddy. Please don't ever get mad at me." "Don't cry now... I'm happy you're safe." Matagal din itong nakayap sa akin making sure na hindi ako galit sa kanya. Nakita kong pumasok si Lia sa living room at inutusan ko si Eli na pumunta na sa kwarto niya. Pinanuod ko itong lumayo. Hindi ko na kailangang tanungin kung anong ginawa nila habang halos masira na ang ulo ko kahahanap sa kanilang dalawa sa mga laruan pa lang na nakakalat sa center table. "It's really like a crime to you sa tuwing isasama ko siya. Are you that afraid na maging malapit siya sa akin and choose to go with me eventually?" Binigyan ko ito ng matalim na tingin at kinuha ang braso niya. "I know what you're up to. For the nth time, I would remind you not to hurt my daughter in any way possible. Ayokong kalimutang..." Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko. I was glad I stopped dahil hindi ko iyon gusting sabihin sa harapahan niya. But then she remained looking at me, not even intimidated. "That you love me?" That made my jaw clenched. I never thought she would like to talk about it. Hindi ko ibibigay sa kanya ang gusto niyang marinig. "I have given up on you," diretsang sagot ko. "I don't know what made yu think that I still care and feel the same way pagkatapos ng lahat ng ginawa mo. I don't see you as the same person I used to..." Muli kong hindi naituloy ang sasabihin ko. I tried to control my breathing and made sure na wala siyang makikitang kahit ano sa mga mata ko. "Lahat ng ginagawa ko para lang sa anak ko. Hindi ka kasali do'n." Tinapunan ko pa ito na ng matalim na tingin bago ko bitiwan ang braso niya at humakbang palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD