Chapter 9

2116 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV ___ "I'm a big girl now, daddy. I can eat and take care of myself," sabi nito sa kabilang linya. Tinawagan ko siya sa cellphone na binigay ko sa kanya dahil maaga akong umalis ng bahay to go to a province for work. Medyo malaki ang kita, I felt the need to grab it. I was just worried about her. Bago ako umalis binilin ko siya kay Lia na ihatid siya sa school kahit isang araw lang because it was Friday at wala naman itong pasok ng sabado at linggo. I even told her na pipilitin kong umuwi ng linggo para ako na ang maghatid at sundo rito sa lunes. I didn't receive any response from her kaya hindi ko maiwasang mag-alala. "Nakabihis na ba ang mommy mo? Ihahatid ka ba niya sa school?" "I don't know..." mahinang sambit nito. "But it's okay! I think Xeri and Ms. Reni can give me a ride." Sa totoo lang ay nahihiya akong makisuyo rito dahil ilang araw pa lang kaming magkakilala. I was more comfortable of Gigi kaya lang ay hindi na ito ang naghahatid at sunod kay Xeri. "I'll... call her." "Don't worry, okay, daddy? I'm excited to see you again. Take care there, okay? I love you!" Kusa akong napangiti. "Tawagan mo lang si daddy kapag may kailangan ka lalo na kapag may problema. Naglagay ako ng maraming bread sa cabinet mo para may pagkain ka kapag nagugutom ka. I also made breakfast for you tomorrow, just heat them in the oven." "I saw it, daddy! You're the best!" Muli akong napangiti. "Sige na, drop the call. Baka ma-late ka." Bumalik din ako agad sa trabaho nang matapos ang tawag. She called me on her break time just to inform na hinatid siya ni Lia sa school. I was just worried nang tumawag siya nang makauwi na siya sa bahay dahil malumanay ang boses niya unlike usual. Ilang beses ko siyang tinanong kung anong problema and she just told me na nami-miss niya lang ako. I couldn't wait to see her again kahit isang araw ko pa lang siyang hindi nakikita. Marami kaming makinaryang kailangang ayusin pero pipilitin kong matapos agad ang mga iyon. Halos hindi na rin ako natulog para matapos ang trabaho at para na rin masagot ko agad ang tawag niya kung sakaling hindi siya makatulog. Early morning, she called na kumain na siya. Usually, Lia would wake up late kapag weekend kaya marami akong ginawang pagkain sa ref. Alam naman niya kung saan kukuhanin ang gatas niya and other stuffs na kailangan niya. She told me na pupunta siya kina Xeri to play with her and study with her. Hinayaan ko na lang siya dahil ayokong malungkot lang siya sa bahay dahil kadalasan kapag sabado at linggo, sinasama ko siya sa trabaho ko. But that night she didn't call at hindi ko na rin siya ma-contact. Out of reach ang number niya. I guess she forgot to charge her phone or maybe she lost the charger dahil kahit nasa byahe na ako pauwi kinabukasan ng gabi, hindi ko pa rin ito matawagan. I bought her favorite egg pie. "Pre, sigurado miss na miss ka na ni Eli." Napangiti ako habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana. I miss her too. It we as almost 10 pm nang makarating ako sa harap ng bahay. Muntik ko pang makalimutang magpasalamat kina Tonik sa sobrang excited kong bumaba ng sasakyan. Narinig ko agad ang tinig ni Lia nang makapasok ako sa loob ng bahay. "What did you do?" she asked coldly. "Sorry, Mommy..." My daughter's voice sounded scared kaya agad akong nagtungo sa living room para puntahan ang mga ito. Kasabay nang pagpasok ko roon ang malakas na pag-iyak ni Eli. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano siya pinalo ni Lia. "You're so stubborn. I told you not to touch my things." "Lia!" agad sigaw ko rito habang nag-aapoy ang dibdib ko. Binagsak ko ang dala kong bag sa sahig at ang mga dala kong pasalubong para kay Eli. Agad kong nilapitan si Eli at niyakap ito. "Daddy..." she cried. "Shh..." Hinaplos ko ang likod at buhok nito. "Hush now..." "Daddy..." patuloy pa rin ito sa pag-iyak and it was breaking my heart. It hurts me dahil kahit kailan hindi ko siya nagawang saktan at wala akong hinayaan na kahit sinong manakit sa kanya maliit o malaki man ang damage sa kanya. "Sorry, daddy... I broke Mommy's frame." Lalo kong naramdaman ang pag-iinit sa dibdib ko. I tried to control myself, but it was not about us anymore, it was about our daughter. Binitiwan ko muna si Eli. I stood up and faced Lia. She didn't even look guilty at lalo lang iyong ikinabigat ng dibdib ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong bigyan siya ng matalim na tingin. "It was just a frame, Lia," malamig na sambit ko. "It was not just a frame," malamig din na sambit nito habang sinasalubong ang matalim kong mga mata. I didn't have to look at that dahil lahat naman ng frame doon, siya lang at si Tim ang laman. "You can hurt your daughter just because of that? You can even buy a new one." "Don't tell me what to do." "Just to remind you, she's your daughter!" Nagsimula nang mag-init ang mga mata ko. I never been that mad at her. Hindi ko napigilan ang galit sa didbib ko. "She's your daughter! You shouldn't be hurting her! Stop being shallow--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil lumapat ang palad nito sa pisngi ko. Agad din akong bumaling sa kanya na halos lumabas ang apoy sa mga mata ko. "Don't you dare shout at me," matigas na sambit nito. "Don't you dare." Kusang nabuo sa kamao ang mga palad ko nang magsimula itong humakbang palayo. "Daddy..." Eli continued to cry. I tried to calm myself down, but no. She was doing too much. It was too much. "Go to your room, Eli," malumanay na utos ko rito bago ako humakbang para sundan si Lia. She was already in her room nang mahablot ko ang braso niya. I couldn't also control my force. Napaharap agad siya sa akin sa lakas ng pagkakahila ko. "And don't you dare hurt my daughter," mariing sambit ko rito. "Let go of me." Marahas nitong binawi ang braso mula sa akin. "I didn't hurt her for no reason. Don't teach me how to discipline my own daughter. You're just his father, ako ang nagluwal sa kanya." And I couldn't believe she could say that. "Don't you ever said that again. I'm not just his father, naging ama ako, naging ina ako sa kanya. Don't ever talk to me like you all have the credits. Pinanganak mo lang siya pero hindi ka naging ina sa kanya." Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko right at that very moment. "I can edure it kung ako ang sasaktan mo pero 'wag na 'wag ang anak ko, Lia. No one has the right to hurt her, not you, not even me. She's a good daughter. She keeps trying to please you and love you even how much difficult you are to love. I keep trying to understand you. Alam ko kung bakit nagkakagan'yan ka pero hanggang kailan? When will you let him go and accept her-- just her?" "Don't even go that further," malamig na sambit nito. "Leave." Tumalikod siya sa akin at akmang hahakbang palayo pero muli akong nagsalita. "Hindi na siya babalik." It took her a while bago bumaling sa akin na may namumuong luha sa mga mata. "Don't even continue." "Hindi na siya babalik. He will never ever come back even how much you grieve, even how much you cry, he will never come--" she again slapped me, but I didn't stop. "Accept it. He's dead, Lia. He's de--" Hinayaan kong pagsasampalin niya ako at paghahampasin. "I told you to stop! You don't f*****g say that! He's dead! Dead! But I will never love you! You will never have his place!" It was like a bomb in my ear. I could always handle my emotions but not at that moment. Pilit kong kinuha ang braso niya to stop her. "I never asked you to love me!" I shouted back at her. "You are no one! No one!" Muling lumapat ang palad nito sa pisngi ko na lalong nagpaliyab sa buong katawan ko. "Tama na!" I shouted loud and used all my energy para kuhanin ang magkabilang braso niya. Naging marahas ang paghinga ko habang nakatingin sa mga mata nito. She stopped because she could no longer move. Mahigpit ang kapit ko sa kanya and I couldn't even loosen up. "Tama na!" I again shouted in front of her face. Looking at her... I reliazed how many years I contained myself not to shout at her like that or even hurt her sa kahit anong paraan. Hindi ko pinigilan ang mga luha kong nag-uunahang mamuo sa mga mata ko. I realized na maraming beses niya na pala akong nasaktan, but I never even said anything. I never even complain or think of the pain. Sa halip, inisip ko pa rin kung paano ko siya p'wedeng mahalin sa susunod na araw. "I'm tired of you... I'm tired of understanding you." Bago pa bumagsak ang luha ko binitiwan ko na rin siya. Tumalikod ako sa kanya at humakbang papunta sa silid namin ni Eli. Randam ko ang pagsunod nito sa akin, but I didn't mind. Kinuha ko ang mga maleta at bag ni Eli. Pinaglalagay ko doon ang gamit niya. "What are you doing?" malamig na tanong nito. "We're leaving," I answered without looking at her at nagpatuloy pa rin sa paglalagay ng damit sa maleta. I didn't mind kung hindi maayos na nakatupi ang mga iyon. "She's not leaving," muling malamig na sambit nito. I still didn't mind her. Ilang sandali pa, kinuha niya ang mga damit ni Eli mula sa maleta at pianghahagis ang mga iyon kung saan. I tried filling that up again, but she kept removing Eli's clothes there. "She's my daughter. She won't leave this house!" Marahas kong binagsak ang mga damit ni Eli sa maleta and again glared at her. "Eli doesn't deserve your treatment!" "You think you can raise her well? Who are you?" "I can do anything for her." "Saan mo siya dadalhin? Saan mo siya ititira, huh? Do you think you can send her to a decent school? You think you can provide for all her needs? Kung magkasakit siya, can you pay the hospital bills? You don't even have your own house. You don't even have money. Akala mo mabubuhay mo siya just because you love her? You know you can't. Stop being delusional." Nanatili kaming nakatingin ng matalim sa isa't isa habang nararamdam ko ang mabigat na kung anong nakadagan sa didbib ko. "Gusto mong umalis?" she asked at ilang sandaling tumignin sa mga mata ko bago nagtungo sa closet ko. Kinuha niya ang mga damit ko doon at pinaghahagis sa akin. "Lumayas ka!" Nagtangis ang bagang ko habang patuloy ito sa pagtapon ng mga iyon sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya at kuhanin ang mga braso niya. "Stop it!" Nagpumiglas siya sa akin at pilit pa ring naghagis ng damit. She almost slapped those on my face. "Lumayas ka!" "Oo! Allis ako! I will leave you alone!" Naging marahas ang paghinga ko while being so vulnerable in front of her. I couldn't hide my anger. "Hindi ko hahayaang maiwan si Eli sa'yo." Binitiwan ko siya and again took Eli's stuffs pero nilapitan niya ako and stopped me from getting her things. She tried to grab me and I tried to stop her dahil nasasaktan na ako, but I made sure not to hold her tight again dahil ayoko nang saktan pa siya lalo. "Lumayas ka!" Her arms were hard to control. Hindi ko alam kung ilang beses na namang lumapat ang mga palad niya sa pisngi ko. "Lia!" I tried getting her arm. "Tama na!" I guess she had no plans to stop. I was afraid to really lose myself. "Mommy... daddy..." We both stopped when we heard Eli's voice. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. I regretted na nakalimutan kong nandoon siya. I hated it nakita niya lahat ng 'yon. Lia and I were still looking at each other, calming each other down. "Don't fight, please..." she cried. "Don't shout... my ears... they hurt." Damn... I didn't take my eyes off the woman in front of me. How did I... manage to love her? Iniwas ko agad ang tingin rito bago pa bumagsak ang luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD