Chapter 10

1835 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV "Daddy... let's leave." Nanatili akong nakatingin sa ceiling habang nakaunan ito sa dibdib ko. The whole room was still in mess. Nakakalat pa rin doon ang mga damit naming dalawa. "Why?" I whispered. "You told me you wanted to stay with her." "But she's hurting you already. I don't want to see you hurting, daddy." "She'll be left alone here... malulungkot siya. Gusto mo ba 'yon?" Naramdaman ko ang pag-iling ng ulo niya. "But maybe we're the reasons why she's sad, daddy," mahina at may bahid na lungkot na sambit nito. "Maybe we make her feel sad by staying here." "Why do you think of that?" "Because she doesn't like us from the very start, right? She doesn't want us to go near her, she's always mad at us, and she told my teacher... she's my aunt." Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko nang maramdam ang pagpatak ng luha nito sa dibdib ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. I tried to stop my eyes from getting warm. "I can still remember... that day she told you that we're making her feel upset." Every time she would say something that would hurt me and Eli, palagi kong iniisip na hindi niya gustong sabihin ang mga iyon. The other part of me had always tried to defend her. "But... she's right. I can't... I can't give you a comfortable home for now. Hindi ko pa kayang bayaran 'yung tuition mo para makapag-aral ka sa magandang school at para nakasama mo rin 'yung best friend mo while growing up. I'll have to work more... so I could also fight for you. Magtatrabaho muna si daddy, okay?" "Hmm... mga lima pa?" I chuckled. "Let's see." I gently kissed the top of her head. "I love you. I love you so much. Always remember that I'll fight for you. I won't let anyone hurt you again. Not her, not even me." "I love you, daddy. Thank you for always being there for me." Hinintay ko siyang makatulog nang hindi tinatanggal ang tingin ko sa kanya. Iyon ang unang beses na naramdaman kong totoong nabasag ako. I was holding myself for so long. I became so patient with her... sa kabila ng lahat sinubukan kong intindihin siya. I just wanted her to treat Eli right kahit hindi na ako pero tila mahirap para sa kanyang gawin iyon. I wanted to make a decision for my daughter pero hindi ko magawa dahil alam kong wala akong magagawa kapag nilayo niya sa akin si Eli. I just felt bad that at the young age she had to experience things na hindi niya dapat nararamdaman o nakikita sa amin ni Lia. I should have thought of her before losing my s**t. Hindi ko rin nagawang makatulog. Niligpit ko pa lahat ng kalat sa silid niya dahil ayokong makita niya pa iyon kinabukasan. I just woke her up when it was time to prepare for school. I didn't mind kung pumasok na sa bakeshop si Lia o kung nasa kwarto pa siya. Hindi ko na inisip pa. It was also the first time Eli did not ask me to prepare extra food for her. Nag-aabang kami ng jeep ni Eli sa kanto pero may pamilyar na sasakyan ang huminto sa harapan namin. "Eli!" Xeli shouted habang naka-dungaw sa bintan ng sasakyan at kumamaway sa kanya. Agad naman napuno ng energy ang anak ko like nothing happened last night. "Hi, Xeri!" "Come on! Get inside!" "Hi, Ms. Reni!" She smiled back at my daughter from the driver's seat and waved her hand. "Hi, gorgeous!" Binaling din nito ang tingin sa akin still with a smile on her lips. "Good morning. Sabay na kayo." "Daddy, let's go!" Nahihiya na akong makisabay sa mga ito sa halos araw-araw pero tumakbo na si Eli papunta sa backseat. Humugot ako ng malalim na hininga at sumakay na sa passenger seat. Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Reni sa ilang sandali bago tuluyang paandarin ang sasakyan. "Eli, I missed you! You don't have any idea how Ate and I were so worried about you!" "I missed you too, Xeri!" Tanging ang kwentuhan lang ng dalawa sa backseat ang naririnig naming ingay sa loob. As usual, nagpaalam sa akin at humalik sa akin ang anak ko bago ito pumasok sa klase. "Uhm, sabay ka na rin sa akin papunta sa talyer?" I looked at her straight in the eyes. "Hindi na, baka may pupuntahan ka pa." "No, it's okay. Pabalik lang din ako sa bahay. I'm still taking advantage of my vacation." Bahagya itong ngumiti sa akin. "Let's go?" Sumabay na rin ako rito dahil dadaanan niya rin naman ang talyer kung pauwi na siya sa kanila. Mahabang minuto rin kaming naging tahimik sa byahe bago ko marinig ang tinig nito. "How's... Eli?" Hindi alam kung anong isasagot ko rito. Hindi ano sanay nang sinasabi sa ibang tao ang problema ng pamilya ko. Malapit kami ni Kaloy sa isa't-isa pero hindi ko sinasabi lahat rito. "I guess she's fine." "I really wanted to apologize to you and your wife." Wala sa loob na bumaling rito. "For what?" She heaved a deep sigh. "Eli was not sure kasi if her mom would fetch her last Friday kaya sinabay ko na siya sa amin ni Xeri. We eat out pa kaya hindi ko siya naihatid agad sa bahay niyo. I'm just worried because your wife was waiting for her sa harap ng gate niyo and she scolded her kasi she went to school pala to fetch her. I just thought it was my fault." That explained kung bakit mababa na ang energy nito noong kausap ko siya noong nasa trabaho pa ako. "I tried to apologize, but I don't think she accepted my apologies. Xeri tried to go to your house din last Sat kasi they used to play and study together daw every weekend kaya lang walang sumasagot sa bahay niyo. We're both worried about her." Nakaramdam na naman ako ng bigat sa dibdib ko. Wala sa loob na bumaling ako sa daan. I couldn't imagine that one day na wala ako sa bahay. She must be so sad. She must be crying but chose not to tell me. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng didbib ko. "How about... how about you? Are you okay?" she again asked. I didn't give her an answer. I couldn't answer that. "I noticed you have wounds. I'm sure hindi naging madali 'yung work mo sa other place." She chose to be quiet the whole time nang hindi pa rin makarinig ng sagot mula sa akin. I just really couldn't say anything. Tinanggal ko ang seatbelt ko nang makarating kami sa harap ng talyer. "Uhm... I'm sorry again." Bumaling din ako sa kanya. "It's not your fault. Ako ang nakisuyo sa'yo. Ako ang may utang sa'yo for always taking care of my Eli. Thank you." Bahagya itong ngumiti sa akin. "Xeri loves her. Isa pa, she's an amazing kid. She's kind and sweet. It's not hard to love her. I feel like I already have a connection with her." I know... "Thank you for the ride." Muli itong ngumiti. "No problem. Have a great day." Dumiretso ako papasok sa talyer nang makababa ako ng sasakyan nito. Malalim pa rin ang iniisip ko kaya naman hindi ko na nagawang batiin ang mga kasamahan ko sa trabaho unlike usual. "Oh, Chase? Bakit pumasok ka pa? Ang bigat ng trabaho mo kahapon. Sabi ko sa'yo magpahinga ka ngayon." Narinig kong tinig ni Kaloy. Sinulat ko ang pangalan ko sa log book at nagsimula na rin akong naghanda para sa trabaho. "Huy, ang aga-aga mong pumasok--" Napahinto si Tonik sa gilid ko. "Ay lintik." Hindi ko na ito pinansin at kinuha ko ang mga tools na kailangan ko para sa pag-aayos ng sasakyan. "Ikaw ba binanatan na naman ng asawa mo?" tanong nito. Ilang sandali lang ay nakapalibot na sa akin ang mga ito and I still tried to ignore them. Sinimulan kong tingnan ang makina ng sasakyan. "Tss, sinaktan ka na naman ba nu'ng babaeng 'yon? Hindi lang 'yan ang unang beses, ah?" ani Jest. "Sumusobra na siya. Kung siya kaya banatan ko? Paano mo pa ba 'yun natitiis, ha?" may inis sa tinig na sambit ni Zed. I had no plans of discussing it. Mabuti na lang at may dumating na customers at nabaling sa mga ito ang atensyon nila. I tried to focus doing my job kahit pa magulo pa rin ang isip ko. Matagal na rin ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang usapan ng tatlong babae malapit sa direksyon ko. "That guy looks familiar." Nakita kong tinuro ako ng isa sa mga ito. Tinanggal ko rin ang tingin sa kanila dahil namukhaan ko rin sila. "Yeah, oh my gosh. 'Di ba, she's Lia's cousin living sa house nila ni Tim with his daughter?" Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtigil nina Tonik sa pagtingin sa sasakyang pinapagawa ng mga ito. "She's working lang pala here." "I didn't expect that. We should ask Lia later. I'm sure that's why he and his kid have to live in Lia's house kasi he doesn't have a high paying job." "I think he's hottie pa naman. Sayang." "Malapit na house ni Lia rito, right? Let's go and see her. Balikan na lang natin ang car mo." Sandali akong huminto nang umalis ang mga ito. Agad din lumapit sa akin sina Tonik. "Tangina," bigkas ni Zed. "Muntik ko nang sungalngalin 'yung bunganga ng mga 'yon. Makikinis lang hindi naman kagandahan." "Psh, kung maka-assist ka nga. Tumutulo pa laway mo." "Tss, turn off. Ang papangit pala ng ugali." "Pinakilala ka ng kamag-anak doon sa nanay ng dati niyang asawa tapos pati sa mga kaibigan kamag-anak pa rin ang pakilala sa inyo ni Eli?" Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko and still tried not to mind it. "Nanginginig talaga kalamnan ko sa babaeng 'yon. Kung ako sa'yo baka hindi na ako nakapag-timpi masaktan ko talaga siya." "Pati mga kaibigan matapobre. Akala mo naman kung sino. Yumaman lang naman siya dahil sa namatay niyang asawa." "Kung ako asawa n'yan matagal ko na 'yang iniwan." "Bakit ba kasi 'di mo na lang iwan, Chase? Tutulungan naman namin kayo ni Eli." "Psh, kung iiwan siya ni Chase sana dati pa. Hindi niya kayang iwan kahit sumosobra na 'yung babaeng 'yon, at kahit ilang beses siyang makatanggap ng malulutong na sampal." "Oo nga, pre, bakit hindi mo na lang iwan? Marami namang ibang babae d'yan. Daming may gusto sa'yo pinipilit mo pa rin 'yung sarili mo sa taong hindi ka naman gusto." "Ano, pre? Aminim no na lang kahit gaano nakakasulasok ugali ng babaeng 'yon hindi mo maiwan kasi mahal mo. Mahal mo talaga--" Hindi ko napigilan ang sarili kong ibagsak ang hawak na tools sa makina. I still tried to control my breathing pero hindi ko napigilan ng pag-ikom ng mga palad ko. "Ayoko nang... ayoko nang makarinig ng kahit anong bagay tungkol sa kanya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD