Chapter 11

2444 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV I woke up early like usual to prepare breakfast for Eli. Ginawan ko ulit siya ng pancake dahil iyon na lang ang available. Pinagtimpla ko na rin siya ng gatas niya bago ko siya tawagin. Nakabihis na ito nang puntahan ko siya sa kwarto. Napangiti din ako nang bigyan niya ako ng matamis na ngiti. That was what I loved about her. Nagagawa niya pa ring ngumiti at maging masigla sa kabila ng lahat. "Your breakfast is ready." Kinuha ko ang kamay niya at sabay na kaming nagtungo sa kusina. Hinayaan ko lang siyang magkwento habang nagsisimula kaming kumain. She just stopped talking nang pumasok si Lia sa kusina. I didn't bother to look at her. Naririnig ko ang tinig ng ilang kasangkapan at nakikita ko sa gilid ng paningin ko ang paghahanda niya ng almusal para sa sarili niya. I was often the one to prepare for Eli's breakfast. Minsan naman napapasobra ang tulog ko kahit pa marami akong alarm dahil na rin siguro sa pagod sa trabaho. Eli would sometimes the one to prepare breakfast for me and Lia. It was always for the three of us kapag naghahanda ito ng almusal kahit pa hindi naman kinakain ni Lia ang inihahanda niya. She's a smart kid. Alam niya kung anong kaya niyang iluto at ilagay sa oven. She would always greet Lia in the morning kapag nakakasabay namin ito sa kusina, but that day, she didn't. Lia sat at the other end of the table. I didn't want to give her attention pero napansin na kong nakatingin sa kanya si Eli-- not to her, but to her plate. She had a slice of cake there, some fruits and other desserts. Muli kong tiningnan ang anak ko na noon mukhang natatakaman na sa pagkain nito. Last time she ate Lia's food without asking her, nagalit ito. Iyon din ang unang beses na hiniwalay ko ang pagkain naming dalawa and started setting boundaries. I just felt sad dahil bata pa ito noon at wala pa itong alam sa boundaries. All she knew was she was hungry. "Gusto mong kumain doon sa bakeshop sa kanto?" mahinang tanong ko sa kanya. Agad itong bumaling sa akin na puno ng excitement ang mga mata. Ngumiti ako rito. "Comb your hair first. I'll just wash these plates." "Daddy, tie my hair, okay?" "Okay." Nagtatakbo din agad ito palabas ng kusina. Hindi niya naubos ang pancake niya. Nilagay ko na lang iyon sa isang maliit na supot para baunin. Hindi na ako tumingin pa sa direksyon ni Lia hanggang sa matapos ako sa paghuhugas ng mga plato. Tinirintas ko ang may kahabaang buhok ng anak ko pagkatapos ay sinigurado kong kumpleto ang mga gamit sa loob ng bag niya. "Are you ready?" Nakangiti itong tumango sa akin. "Have you bid... goodbye to her?" Nawala rin agad ang ngiti sa mga labi nito at umiling. "Let's go, daddy." I tried to smile at her and held her should. "Let's go." Sabay na kaming lumabas ng bahay habang bitbit ko ang backpack niya sa kaliwang balikat ko. She was very excited nang pumasok kami sa loob ng bakeshop. "Let's buy what you want." Nagturo ito ng ilan at hinayaan ko lang siya. May kamahalan din ang mga presyo pero wala pa sa kalahati ng presyo sa bakeshop ni Lia. I could still afford it. I just wanted to treat her kahit sobra na sa budget. I just also wanted to make her happy lalo na sa mga nangyari noong nakaraan. Umupo kaming magkaharap sa isang maliit na mesa katabi ng glass wall. Masaya nitong kinain ang cupcake na pinili, she didn't seem to care kung madungisan siya ng tsokolate. It was more than enough na makita kong masaya ito. Sa ilang sandali ay tila nagkaroon ito ng sariling mundo. She really liked to eat sweets. "Daddy, won't you eat? We can share!" "Eat all of that. Meron pa akong..." Kinuha ko ang supot sa loob ng bag ko kung saan ko nilagay ang natirang pancake niya. "Meron pa akong pancake dito." Sinabayan ko siyang kumain so she won't feel guilty. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay tumigil ito at bumusangot. "Hmm, what's wrong?" Tumingin ito sa akin habang hawak pa rin ang tart sa kamay niya. "Mommy's pastries are still the best." I again tried to smile at her at inabot ang gilid ng labi niya para punasan ang tsokolate doon. "Don't worry... sa susunod mag-iipon ako so we can buy pastries and cakes from her shop." Ngumiti rin ito nang malapad sa akin. "Daddy, I want to be a baker too someday. I'll make huge cakes on your birthday!" Binigyan ko siya ng ngiti. "Don't grow up too fast, okay?" "Hmm, do you have a birthday, daddy?" Umiling ako. "I don't have a birthday." "So not everyone has birthdays?" I didn't want to lie to her pero marahan akong tumango. Ayoko nang mag-overthink pa siya. Ayokong isipin niya ang araw na hindi rin naman mahalaga sa akin. Hindi ko na rin naman namamalayan na lumalagpas na iyon. I never celebrated my birthday again simula nang mamatay si Nanay. We still have time kaya hinayaan ko na siyang sumama sa akin sa public cemetery. Umupo ako sa harap ng puntod ng Nanay. I was so guilty na hindi ko man lang nalilinisan ang paligid ng puntod niya. "Hello, Lola!" Masiglang sambit ng anak ko at umupo rin sa tabi ko. Naglabas ako ng kandila mula sa bag ko, sinindihan iyon at tinulos sa harap ng nitcho nito. "Daddy, I can't read Lola's name na." Hinaplos ko ang balikat ng anak ko habang nakatingin sa hindi na mabasang pangalan sa nitcho nito na inilagay ko roon gamit ang pintura. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. "Pasensya na, Nay... hindi man lang kita mapagawan ng lapida." Agad yumakap sa akin ang anak ko. "Don't be sad, daddy." I always... always feel guilty kapag nagpupunta ako sa puntod niya. I was 16 noong mamatay siya. Naalala ko, pinagako ko sa kanya na magtatapos ako at bibigyan ko siya ng magandang buhay, but I failed. Hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya and it was still hard for me na wala akong nagawa para sa kanya. Nobody was there to help me. Kahit pa ang sarili kong ama, he never cared at hindi ko na rin ginulo ang buhay niya katulad na lang ng sabi ni nanay noon tutal sa hirao ng buhay, wala rin naman itong maitutulong. I wanted to give Eli a happy and completele family dahil iyon ang nawala sa akin. I wanted to give her peace of mind dahil lumaki ako sa away, sigawan at bahay na puno ng problema. Ayokong maramdaman niya kung gaano kabigat. Parati kong hinihiling na sana buhay pa si Nanay. I sometimes needed someone to tap my shoulder and tell me everything will be okay. "Let's go now... baka ma-late ka sa school." Hanggang maaari, ayokong ipakita Kay Eli na mahina ako. Kahit sa mga araw na parang hindi ko na kaya, binibigay ko pa rin sa kanya ang pinaka-matamis na ngiti ko. Ayokong naging malungkot siya dahil alam kong sa isa't isa lang kami humugot ng lakas ng loob. Excited siyang pumasok sa school and see Xeli. Pumasok na ako sa talyer nang maihatid ko ito. Hindi na nabanggit pa ng mga ito si Lia and it was better. Ayoko na muna itong isipin lalong pag-usapan. Gusto ko rin na bawasan ang oras sa trabaho para matutukan si Eli kahit ilang linggo lang. I appreciate Reni's help sa pagsabay sa amin sa pagpasok at pag-uwi galing school. Ayoko pa ring iasa na lang si Eli rito kaya pagdating ng uwian ay sinundo ko pa rin ang anak ko. "Uhm, may pupuntahan ba kayo ni Eli?" "We'll go to talyer, Ms. Reni!" "That's good. P'wede kayong sumabay sa amin," nakangiting sambit nito. Hindi ko na napigilan pa ang anak ko. Hinayaan ko na lang din ito dahil alam kong halos hindi niya na gustong humiwalay sa best friend niya. "May plan na ba kayo ni Eli for dinner?" she asked while driving. "Sa bahay lang," tipid na sagot ko. "Oh... you might want to come over sa house? I'll cook dinner." "That... that's too much." "It's okay. I'm always bored at home. Kapag uwi ni Xeli galing sa school nagta-try kaming magluto ng iba't ibang cruisins. She's planning to invite Eli so I was wondering... if you would like to come with her?" "Daddy, let's go to their house after work!" narinig kong sambit ni Eli mula sa likod ng sasakyan. Humugot ako ng malalim na hininga. "We'll see." Nakipagkulitan ito kina Tonik nang makarating kami sa talyer. Doon niya na rin ginawa ang homework niya habang hindi pa ako natapos sa trabaho. Madilim na rin nang umalis kami ng talyer. P'wede kaming sumakay ng tricycle pauwi ng bahay pero mas ginusto nitong maglakad na lang. "Daddy, please, let's go to their house!" Akala ko ay nakalimutan na nito ang tungkol doon dahil wala naman akong planong magpunta. "I don't smell good." "You can take a bath after having dinner with them!" "Susunduin na lang kita." "Go with me, please?" Tumingala ito sa akin habang nakahawak pa rin sa kamay ko at patuloy sa paghakbang. Those eyes... could always make my heart melt. It was always hard to say no to her. Matagal na rin noong huling beses akong nakapasok sa bahay ng mga ito. Just like Lia's house, malaki rin iyon. "Daddy Chase!" agad tawag ni Gigi nang makita ako. Wala akong nagawa nang yakapin ako nito. "H-Hindi pa ako naliligo." "Ayos lang! Ikaw pa rin ang pinaka-gwapong daddy sa balat ng lupa! Na-miss kita!" Na-miss ko na rin na siya ang laging naghahatid kay Xeli noon. "Hey, thought you wouldn't come," I saw Reni and Xeli enter the living room. "Eli badly wanted to come." Ngumiti ito sa akin. "Let's go to the kitchen? I've prepared the foods." Nag-alangan pa rin ako pero ang anak ko na mismo ang humila sa kamay ko. Maraming pagkain sa hapag ng mga ito na according kay Xeli ay silang dalawa ng ate niya ang gumawa at nagluto ng mga iyon. "Take a seat, feel at home," Reni said, smiling at me. Masyadong maganda at maayos ang mesa ng mga ito. I didn't even think na bagay ako roon. Inisip ko pang mabuti kung nahugasan ko man lang ba nang maayos ang mga kamay ko pagkatapos ng trabaho. I was afraid na may natira pang grasa doon. "Wow! All look delicious!" my daughter said. "Try all of it, okay, Eli?" Xeli told her. I wasn't comfortable na kumuha ng pagkain but Eli was asking me na lagyan ang pinggan niya. Hindi ko na nagawang lagyan ang pinggan ko at mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang lumapit sa akin si Reni para siya mismo ang maglagay ng pagkain sa plato ko. "Hmm! Ms. Reni, Xeli, I love the foods!" Humagigik si Xeli. "We can be a chef!" "Eat more, Eli," Reni told her with a smile bago bumaling sa akin. "How're the foods?" "Great..." Ngumiti rin ito nang malapad sa akin. "Nice to know." Katulad sa halos araw-araw na byahe, she asked about my day and my work. Nag-share din siya ng mga bagay about Xeli at sa pag-aaral ng dalawa. I appreciated it. Masaya akong malaman na may mga tao bukod sa akin na tumatrato ng tama sa anak ko. "Eli?" "Yes, Xeli?" "Is it okay with you if my Ate likes your daddy?" Napatigil ako even Reni sa paggalaw ng mga kubyertos. "Hmm... what do you mean, Xeli?" "I mean--" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil tinakpan ng napkin ni Reni ang bibig nito. "You're eating too fast, look, ang dumi ng bibig mo." Pinunasan niya ang bibig nito and whispered something to her na hindi ko na narinig. Alanganin itong ngumiti sa akin. "Don't mind her." "It's okay, Xeli! Everyone likes my daddy anyway. He's kind, and he's the best daddy!" Reni cleared her throat still giving me a fake smile. "Right..." We talked to each other habang naglalaro ang mga bata after dinner. We just talked about Xeli, how she was missing their parents na busy sa trabaho. Nabanggit niya rin na isa iyon sa dahilan kung bakit siya umuwi. She wanted to comfort her. We also talked about Eli. Alam niya kung anong nangyayari dahil nasabi ni Eli Kay Xeli lahat and Xeli told her everything. I just assured her na hindi ko pababayaan ang anak ko and I appreciate all the help she was giving me and Eli. "They are too close... I guess I'll really see you two each day. I'm actually looking forward to knowing you better." Wala sa loob na binaling ko ang tingin rito. "I guess... hindi naman malabong maging close din tayo like them as friends, right?" "Thank you so much for your kindness." "Thank you rin for coming tonight... I appreciate it. Alam ko mahalaga ang oras sa'yo." Hindi ako magaling sa pakikipag-socialize, but I wanted to be nice to her. Inaya ko na rin si Eli na umuwi para makatulog na siya ng maaga. She was very happy habang papasok kami ng bahay pero tumigil din siya sa pagkukwento nang makita namin si Lia sa living room. Mula sa telebisyon ay binaling nito ang tingin sa amin. Mahigpit na humawak si Eli sa kamay ko pagkatapos ay hinila na ako papunta sa silid niya. I talked to her bago pa siya makatulog. "You don't have to ignore her... maybe we just have to give her space. She's still... your mom," sambit ko habang hinahaplos ang buhok niya. "Daddy... Mommy's getting too scary." Bumusangot ito habang unti-unting namumuo ang luha sa mga mata. Nakaramdam naman ako agad ng kirot sa dibdib ko. "Tell me... that night was the first time she hurt you." Lalo pang nalaglag ang mga luha nito. Nakita ko kung ganao kasakit sa kanya na umiling. Nadurog na naman ang puso ko. I should have known na matagal na siyang nagagawang saktan nito. "Bakit hindi mo sinabi kay daddy?" mahinang tanong ko. "I don't want you to get mad at her, daddy. I thought she was hurting me because she loved me." Pinigilan ko ang mga luha ko at mahigpit na hinaplos ang pisngi niya. "Always tell daddy everything starting now, okay?" I just looked at her hanggang sa makatulog siya. Sa lahat ng nakita ko, sa lahat ng narinig ko sa anak ko lalo kong naramdaman ang apoy sa dibdib ko. I had to protect my daughter, and no matter what... I would choose her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD