Chapter 12

2114 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV ___ Kasalukuyan kong inaayos ang pagkain namin ni Eli sa hapag nang pumasok si Lia sa kusina. Katulad noong nakaraan ay pinili kong hindi ito bigyan ng atensyon. I didn't want to look at her. Ayokong maalala ang baga sa dibdib ko lalo na at masyado pang maaga. Nakita ko sa gilid ng mata ko na binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng tubig doon. Nang matapos akong maglagay ng mga kubyertos sa pinggan ay nagsimula na rin akong humakbang para tawagin si Eli pero huminto rin ako nang mapadaan sa gilid nito dahil narinig ko ang tinig niya. "Are you trying to influence her to stay away from me?" Bumaling ako sa kanya. I looked at her straight in the eyes. "I don't know what you are talking about." "You think you can get her?" Nagsisimula ko na namang maramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko na siya magawang tingnan katulad noon. I didn't want to hate her pero iyon na ang unti-unting sumasakop sa dibdib ko. "Bakit siya lalayo sa'yo when in the first place hindi naman siya naging malapit sa'yo? You never let her, hindi ba?" "Daddy--" Narinig ko ang tinig ni Eli. Nakita ko ito sa gilid ng mata ko na pumasok sa kusina ngunit nanatiling nakahinto sa puwesto niya nang makita kami ni Lia. "I'll do everything to protect her," sambit ko sapat na para marinig nito. Tinanggal ko rin ang atensyon sa kanya at nagsimulang lapitan si Eli. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa anak ko, narinig ko muli ang tinig nito. "I'll send you to school." "No..." mahinang sambit ni Eli. Hinawakan niya ito pero lumayo ito sa kanya at kumapit ang anak ko sa lalayan ng damit ko. It upsets her na tinanggihan siya nito na bakas na bakas sa mukha niya. "I said I will send you to school," malamig na sambit nito at pilit kinuha ang braso ni Eli. "Lia, stop," suway ko sa kanya habang sinusubukang ilayo ang kamay niya sa anak ko. Eli was already scared sa ginagawa niya. "No! No!" sigaw nito. "Daddy, I don't want to go with her!" "I told you, you will go with me!" "Mommy, let go of me. Your nails are sharp." "Lia, stop!" Hindi ko napigilan ang sarili kong marahas na kuhanin ang braso niya at itulak siya palayo sa anak ko. "Tama na!" I shouted at her. Hindi ko na magawang tiisin dahil nasasaktan na si Eli sa higpit ng hawak niya at wala man lang siyang pakialam kung umiiyak na 'yung bata. Agad yumakap si Eli sa baywang ko habang nakakubli sa likuran ko. She sobbed there. Nakipagsukatan ako nang matalim na tingin rito. "Sumusobra ka na," malamig na saad ko habang marahas pa rin ang paghinga. "She's my daughter too. I have the right to get her at sa ating dalawa ako ang may mas karapatan sa kanya." I still tried to control my emotions bago ako bumaling nang bahagya kay Eli. "Eli, wait for daddy outside." "Go with me, please?" "I'll be there." Unti-unti nitong niluwagan ang pagkakayakap sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kusina. I again glared at the woman in front of me. "Anong karapatan? Karapatan na saktan siya?" "I didn't hurt--" "You were hurting her earlier!" Hindi ko mapigilang sigawan ito. Hinayaan kong mag-init ang mga mata ko. "And you f*****g don't give a damn kung nasasaktan mo siya. What's important to you is get what you want." "What did you tell her, huh?" Malamig na tanong nito. I still couldn't believe her. "I didn't tell her anything, but she told me something. I can't believe you can hurt her multiple times, Lia. Here you are doing that again." Even saying it pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. "How could you hurt your own daughter?" "I did what I know to discipline her--" "f**k it!" I cut he off. Pakiramdam ko ay lalabas na ang ugat sa mga kamay ko. "For God's sake, Lia, she's 5 years old!" Hindi ko napigilan ang panlalabo ng mga mata ko habang nakatingin rito. "I don't care if she's wrong. I don't care if she crosses her boundaries. I don't care if you don't like it! She's a kid! You don't have to shout at her! You don't have to hit her!" "Don't teach me like you know everything." My jaw cleneched habang nakatingin pa rin dito. "Wala man ako ngayon, hindi ko man maibigay lahat ng kailangan niya sa ngayon, but when I have the chance, I won't hesitate to to take her away from you. You don't deserve her. You don't deserve anyone in your life." RIEL ABAD's POV ___ I saw Eli sa harap ng main door ng bahay nila. Nilapitan ko agad siya dahil nakita kong umiiyak siya. I sat in front of her para magpantay kaming dalawa. "Hey..." Agad ko siyang niyakap at hinaplos ang likod niya. "What's wrong? Why are you crying? Wala bang naghahatid sa'yo sa school? Gusto mo ihatid ka ni ninang?" Ilang sandali lang ay humiwalay din ako sa kanya. Pinunasan ko ang mga luha niya. Madaldal ito but she didn't say anything. I was worried about her. "Look, oh, Ninang bought pastries for you. I bought a jar of cookies din from your Mommy's bakeshop." Madalas ay nagtatalon na ito sa tuwa kapag may pasalubong ako sa kanya pero tila hindi man lang ito nakaramdam ng excitement. "Come on, sit ka muna dito..." Kinuha ko ang kamay niya para iupo siya sa silya na nasa gawing garage. "Call ko lang si mommy at daddy mo para ihatid ka nila sa school, okay? Don't go out, I'll be back. Quick lang." I tried to smile and kissed her bago ko siya iwan doon. Nakabukas naman ang pinto at siguradong nandoon pa silang dalawa dahil dumaan ako sa bakeshop ni Lia at wala pa siya doon. May idea na ako sa kung anong nangyayari kaya hindi ko na ito isinama sa loob. Nasa living room na ako nang makarinig ako ng tinig sa gawing kusina. Dahil may pagka-chismosa ako, kumubli ako sa dingding para pakinggan ang pinagtatalunan nila. I was just surprised na marinig ang tinig ni Chase. Napaka-malumanay nito sa mga nakaraang taon and I guess it was the first time na narinig ko itong sumigaw or even say something to Lia. Madalas ay hindi naman talaga ito pumapatol kahit bastos ang bunganga ng kaibigan ko. I also couldn't believe sa kung anong pinagtatalunan nilang dalawa. Mabigat na ang didbib ko nang dumaan si Chase sa akin. Parehas kamaing napahinto marahil hindi nito in-expect na nandoon ako at hindi ko naman in-expect na makita ang namumulang mga mata nito. "H-Hi, Chase..." alanganing bati ko rito. Nag-iwas din ito ng tingin sa akin at nagsimulang humakbang palayo. Tiningnan ko ang kaibigan ko sa kusina na nakatayo pa rin sa puwesto niya bago ko sundan si Chase sa labas. Kasalukuyan na nitong sinusukbit ang bag ni Eli sa balikat niya. "Chase," tawag ko rito. "Is she-- is she okay?" I asked pertaining to Eli. Nag-alala ako rito sa mga narinig ko. Hindi ito sumagot. Sa halip ay inabot niya ang kamay niya kay Eli na siya naman nitong kinuha. "May masasakyan ba kayo? Ihahatid ko na kayo para hindi ma-late si Eli." "Salamat, Riel," malumanay na sambit nito sa akin na lalong nagpasikip sa dibdib ko. "Mag-aabang na lang kami ng sasakyan sa kanto." Humugot ako ng malalim na hininga at marahang tumango. "Bye, baby. Have a great day at school, huh?" malambing na sambit ko kay Eli and kissed the top of her head. Sinundan ko sila ng tingin habang palabas ng gate. Muli akong nagpakawala ng marahas na hininga nang mawala ang mga ito sa paningin ko. "Lia... bruha ka talaga," I whispered bago ako humakbang muli papasok sa loob ng bahay. Nasa harap siya ng counter nang makapasok ako sa kusina. She's preparing her foods na parang walang nangyari. Kinatok ko lang ang pader to get her attention. Sanay naman siyang makita ako randomly sa bahay niya because I have keys kaya sandali niya lang akong tiningnan. Humakbang ako papunta sa mesa at umupo sa isang silya doon. Tiningnan ko ang dalawang pinggan sa ibabaw. Sa isang plato ay noddles, sa isa naman ay sandwich, fruits and veggies. Lalo lang akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko. Kahit Wala sila roon, I could see from those plates kung gaano ka-selfless si Chase sa love niya for Eli. Ilang beses ko na rin nakitang he was willing to have nothing just to give Eli everything. Muli kong tiningnan ang kaibigan ko na abala sa paghihiwa ng mga prutas. "Pinag-almusal mo man lang sana 'yung bata bago kayo nagtalo. Buti na lang pala dumaan ako sa bakeshop mo para bumili ng pastries for her." I didn't expect an answer. "I can't believe you were able to hurt the kid." Huminto ito sa ginagawa, but still didn't look at me. I just felt so disappointed in her pero as her best friend gusto pa rin siyang intindihin ng buong kaisipan ko. Lumapit ako sa kanya sa counter at umupo sa stool doon. "Do you want to see your doctor? Sasamahan kita. Wala akong work today." Sa totoo lang gusto ko lang siyang makausap about sa hang out niya with Tim's friends. Nakita ko lang sa social media na nagpunta ang mga ito sa bahay niya noong nakaraan. I was worried na baka napapadalas na pala ang pagsama niya sa mga ito. Masasama pa naman ugali ng mga iyon. Humugot na naman ko ng malalim na hininga. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin sa kanya. Sure hindi niya gustong pumunta sa doctor niya because she felt like she doesn't need anyone's help. "If you don't want to... myabe, it'll be better if you will give Eli to him." Binigyan ako nito ng matalim na tingin. "Why would I?" "Bes, wag mo akong tingnan nang gan'yan alam mong wala nang effect sa akin 'yan. I'm just worried about the kid. Bes, you are hurting her--" "I didn't hurt her like as if I would kill her." "Okay, but she's still a kid," kusang nang gumagalaw ang kamay ko for some random gestures to deeply explain that to her. "Mahina o malakas, nagkasugat siya o hindi, it doesn't matter. You can't change the fact that you still hurt her. Maaalala niya 'yon, tatatak 'yun sa kanya while growing up. Kung nakita mo siya kanina..." I could feel my eyes getting warm. "She's so hurt. Siguro dahil sa'yo... dahil sa inyong dalawa o dahil sa pamilya niyo... I don't know. The kid can't talk. I can't imagine the trauma na naibigay mo sa kanya the past years but she never tell anyone except this time. Lia... naalala mo ba kung bakit mo pinakasalan si Chase? You wanted to give your daughter a complete family. Ginusto mong ibigay sa kanya 'yung pamilyang wala ka noon pero bakit mo pinaparamdam sa kanya ang pamilyang MERON ka noon?" "I don't want to talk about it," malamig na sambit nito. And there she goes. Umiiwas na naman. "Kung... kung ayaw mo siyang alagaan, if you think she's too stubborn for you to handle, give her to me kapag wala si Chase. Ako na lang ang mag-alalaga sa kanya at ako na lang din ang maghahatid sa kanya kapag nakauwi na si Chase after work. I'm sorry, bes, mahal kita pero gaga ka. The kid doesn't deserve your treatment. Chase was right... she's only 5 years old. It's normal for her to make mistakes. Eli is such a sweet child... shes's smart. Hindi siya mahirap turuan. Kung kailan mo ng boundaries, you can tell her properly. Sigurado ako maintindihan niya at susundin ka niya. Hindi mo kailangang sigawan siya, paluin, or make her feel na siya na ang pinaka-masamang bata sa mundo." Kinuha niya ang mga kasangkapang ginamit niya at dinala sa sink. Nanatili akong nakatingin sa likuran nito. It was hard to know kung anong iniisip niya. It was hard to really understand her at sa totoo lang sobrang thankful ako that it was Chase na nakilala niya. Chase was very patient with her. I don't think may lalaking tatagal sa ugali niya bukod rito. Naiintindihan ko ang frustration niya na pakiramdam niya niloko siya, pinaikot siya and it was Eli na naging fruit ng nangyaring iyon but still... the kid doesn't deserve her anger. "Bes... your daughter is innocent," muling saad ko. I just wanted to keep on reminding her about it. "Please, wag mo siyang idamay sa galit mo. After all, it was only Chase... who... lied to you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD