Chapter 7

1678 Words
CHASE KARSON MANJARES' POV ___ "Pare, kailangan kong umalis," agad sambit ko pagkatapos kong mabasa ang mensahe na pinadala ng Guidance Office ng school ni Eli. "Ha? Bakit?" "Pinapatawag ako sa school ni Eli." "Sige na, baka importante 'yan." Nagpalit lang ako ng pang-itaas at nagmadali na rin akong umalis para puntahan ito sa school pero nang makarating ako doon ay nasundo na raw ito ni Lia. Umuwi rin ako agad ng bahay. Nakita ko ang mga ito sa living room na tila kararating lang din. "Baby..." agad tawag ko rito at umupo sa harapan niya. "Are you okay?" Yumakap agad ito sa akin. Hinaplos ko naman agad ang likuran nito at nag-angat ako ng tingin kay Lia na noon ay masamang nakatingin sa akin. "What happened?" malumanay na tanong ko. "You should have gone there to pick her up," she said coldly. "They had been calling me to fetch her. You know I have so many things to do." Humugot ako ng malalim na hininga. Ayoko na munang makipagtalo sa kanya. Eli was hearing us. "What happened, baby?" I asked and gently caressed her cheek. "They say you're poor and I don't have a mommy. Sabi nila galing ako sa ibang planet." I heaved a deep sigh. "That is not true... You know that is not true, right?" "But daddy... I'm tired of hearing that every day." "Just don't mind them, hmm?" "Sorry, daddy..." she said, pouting. "Sorry, mommy..." Diretso siyang tiningnan ni Lia sa mga mata. "I don't want to get another phone call from your school, do you understand?" Kahit may namumuong luha sa mga mata ay mabilis itong tumango. "Okay, mommy... sorry, mommy." "Go to your room now. Mommy and I will just talk for a while," malumanay na sabi ko. Sinundan ko ito nang tingin habang papalabas ito ng living room. "I'm sorry. Late ko nang nabasa ang message ng Guidance. Nagpunta ako ng school niya, but they told me na si--" "Look at you," she said, glaring at me. "You went to her school like that?" Humugot ako ng malalim na hininga. "I don't have time to change my clothes. I also panicked. I thought something bad happened to her." "She's studying in an International school, and her classmates would see you in that dirty face and clothes? What do you expect? She will really get bullied." "I just really panicked--" "Can you still remember why you are still here?" Nanatili akong nakatingin sa mga mata nito. Matagal na... pero hindi pa rin ako nasasanay sa lamig ng mga matang iyon. "You promised to take care of her, do it," she said bago ako tuluyang talikuran. Pinanuod ko itong humakbang palabas ng living room. Hindi ko alam kung ilang beses akong humugot ng malalim na hininga bago ko sundan si Eli sa silid niya. Hinintay ko siyang matapos mag-shower. She's already a big girl kaya siya na rin ng nagpapalit ng damit niya. Maaga ko siyang pinatulog para makapasok pa ako sa club. I needed to earn extra money dahil kailangan kong mag-ipon para kay Eli at para na rin pangbayad sa mga utang ko. Dalawang beses ko siyang nadala sa ospital noong nakaraang buwan dahil na-tetanus siya at nagkaroon siya ng measles. Kailangan ko kong bilhin ang mga gamot at vitamins niya. She really had a weak immune system kaya parati ko rin siyang iniingatan. Lia didn't have any idea about that at ayoko nang ipaalam sa kanya. I used to tell her everything lalo na kapag nagkakasakit si Eli, but I stopped. She never visited her. Hindi ko alam kung dahil hindi niya nababasa ang mga mensahe ko o sadyang... busy siya. Ayoko lang na umasa si Eli sa wala. "Tol, bakit ka pa nagta-trabaho rito?" tanong ni Kiko, ang kasamahan kong waiter sa club. "Balita ko mayaman ang asawa mo ah?" Kaibigan rin nito si Kaloy kaya sigurado akong ito ang nagkuwento rito tungkol doon. I never asked anything from Lia... Sa totoo, siya... ang huling hihingan ko ng tulong if ever something bad happens. Hindi ko alam, but I always wanted to try my best to fix everything bago ko ipaalam sa kanya. Hindi kami umaasa sa foods ni Eli from her. I would always buy foods for the 3 of us kahit every 15 days ay may nagpupuntamg driver sa bahay para magdala ng mga groceries. I guess that was scheduled. She really hated it kapag pinapakialaman ang kahit anong pag-aari niya. I would always deposit money on her bank account para naman sa share ko sa bills like electricity and water. "Sinong nag-aalaga kay Eli niyan?" tanong nito. Nagpatuloy naman ako sa paglalagay ng mga baso ng alak sa tray. "Pinatulog ko muna." She would call kapag nagigising siya ng hating-gabi at wala ako sa bahay. I would just take a break and talk to her until she fell asleep. She was really such a sweet child. Naiintindihan niya na kailangan kong magtrabaho at madalas sumasama siya sa akin sa trabaho ko kapag mag home service ako ng repair. She never complained. Napangiti ako. She was always giving me the drive to work even harder. Dinala ko ang order ng alak sa isang mesa. Hindi na bago sa akin ang mga babaeng lumalapit sa akin sa tuwing magse-serve ako. I would always smile at them just to be professional. Pabalik na ako to serve the other orders nang mapansin ko ang mga lalaking palapit sa direksyon ko. "Chase!" One of them called my name na may ngisi sa mga labi. "Is that you?" If I still remember, block mate ko ang mga ito noon sa Engineering class. "Dito ka na pala nagta-trabaho," said Austin. "Can you still remember us?" tanong ni Tan. I don't want to have a conversation with them, but I didn't have any other option dahil customer ang mga ito sa club. Bago sila roon, dahil noon ko lang sila nakitang nagpunta doon. "Yeah..." "God, Karson, what happened to you? Why are you working here in this club?" Napangisi si Nash. "Tiningnan mo nga naman, ang Dean's Lister natin noon at ang pinaka-matalino sa buong klase, waiter lang pala ngayon." "Kaya nga it's good na chill lang tayo noon. Look, we're all engineers, and he's not." Nagtangis ang bagang ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nauubusan ng hangin. Humigpit ang kapit ko sa hawak kong tray. "I have to go now," I said coldly. "I have to serve other tables." Hindi ko na hinintay ang sagot ng mga ito. I just heard them laughing bago ako tuluyang makalayo. Inalok nila akong uminom kasama nila, but I declined. Tila hindi nagustuhan ng mga ito ang pagtanggi ko and they even asked our manager na ako na lang ang mag-serve sa table nila tuwing may order sila. They didn't get tired to belittle me and laugh at me the whole night, but I wasn't affected at all. Marangal ang trabaho ko at kahit kailan hindi ko iyon ikakahiya. Hindi ko natupad ang mga pangarap ko, but I was happy that I have Eli. She's my treasure... always will be. Pinagmasdan ko lang itong matulog nang mahimbing habang marahan kong hinaplos ang malambot niyang buhok. She's very pretty. Kamukhang-kamukha ni Lia. I always loved to stare at her. Nawawala lahat ng pagod ko. "Mahal na mahal kita..." I whispered and kissed her forehead. "I'll do everything for you, everything... no matter what it takes." Maaga akong nagising at maaga rin itong nagising dahil gusto niya raw sumama sa home service namin ni Kaloy na 2 hours din ang layo mula sa bahay. Kakilala ni Kaloy ang customer kaya sigurado siyang malaki ang ibabayad. Tinirintas ko ang buhok niya sa dalawang parte pagkatapos ay tinalian ko ang mga iyon ng paborito niyang bulaklakang ponytail. I had to learn to fix her hair. Pinag-aralan ko talaga ang iba't ibang style ng buhok and I already mastered it. She helped in the kitchen to make breakfast. Tapos na kaming kumain pero hindi pa bumababa si Lia. "Daddy, hindi pa lumalabas si mommy sa room niya?" "Maybe she's still asleep." Kahit sarado ang bakeshop ng weekend, madalang pa rin namin itong makita dahil madalas ay tanghali na siyang lumalabas sa silid niya. Maaga din siyang nagkukulong at hindi na lumalabas. "Daddy, let's leave all these foods for mommy so she can eat when she's hungry." "Of course..." She would say that everyday kaya naman kabisado ko na rin ito. Mabuti na lang at may bata sa bahay na pinuntahan namin at mayroon siyang kalaro. She was having fun nang huli ko siyang tingnan. Naging abala kami ni Kaloy sa paggawa sa sira ng sasakyan. "Bakit nakipag-away si Eli sa school?" tanong nito. "Hinaharot ng mga kaklase. They told her I'm poor at wala siyang mommy." Umismid ito. "Bata pa lang mga tarantado na. Sana sinabi mo kay Eli na totoo naman. Mahirap ka lang at wala naman talaga siyang mommy." Humugot ako ng malalim na hininga habang tinatanggal wheel nuts. "Kasama niya nga sa iisang bubong ang mommy niya, hindi naman niya ramdam. Mas may pakialam pa yata ang kapit-bahay niyo sa anak mo kesa sa sariling nanay. Mas nag-alala pa nga yata ang asawa ko kesa sa kanya sa tuwing may sakit si Eli." "I know she loves Eli." He chuckled sarcastically. "Love? Kung mahal niya ang anak niya hindi niya hahayaang masaktan. Totohanan na tayo, 99% na niluha ni Eli lahat ng dahilan galing sa kanya. Aminin mo na lang na mahal mo kaya lagi mong pinagtatanggol kahit madalas ay masahol pa siya kay Satanas." Nagpatuloy ako sa ginagawa ko without saying anything. "Sabagay, hindi naman siya ganoon kalala dati. Siya ang nagbabantay kapag may trabaho ka noong 1 year old pa lang si Eli. Sadya bang may toyo ang asawa mo o baka naman... may atraso talaga kayo ni Eli sa kanya?" Napatigil ako. I felt a slight pinch in my heart. I felt bad for Eli dahil alam ko... alam kong kasalanan ko kung bakit. "Just me..." mahinang sambit ko. "It's all my fault..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD