Chapter 18

1222 Words
Nang maka-uwi na si Delsin ay agad niyang hinanap si Boyong para sabihan ito na nakapagpadala na siya ng pera sa kanyang pamilya. “Boyong, ayos na. Nakapagpadala na ako sa atin ng pera para kay Nanay Ising. Mamaya ay tawagan natin si Ate Nessa para malaman kung natanggap na nila ang pera,” masayang sabi pa ni Delsin. “Ano? Nakapagpadala ka na agad? Hindi mo man lang ako hinintay? Alam mo naman na tayo dapat ang sabay sa pagpapadala, di ba? Isa pa, paano mo nagawa iyon eh hindi mo naman alam kung saan dito ang padalahan ng pera? Baka mamaya, mali ‘yong pinadalhan mo ng pera,” sabi naman ni Boyong, medyo inis sa ginawa ni Delsin. “A-Ah, eh kasi nagpadala na ‘yong ka-trabaho ko sa probinsya nila kaya na-isip ko na makisabay na rin. Ayo slang naman siguro iyon kasi tinuro mo naman na sa akin hindi ba? Mamaya, kapag tumawag na tayo kay Ate Nessa ay malalaman naman natin kung natanggap ba nila o hindi ‘yong pera,” sabi ni Delsin. “Oh, basta sa susunod ay sa akin ka na sasabay ha? ‘Yong sweldo ko kasi, wala pa eh. Baka bukas pa kami pa-swelduhin,” sagot naman ni Boyong, hindi na lang niya pinansin ang ginawa ng kanyang pinsan, nagtiwala na lang. “Oo, sige. Hihintayin ko na lang mamaya ang tawag ni Ate Nessa, kapag hindi siya tumawag sa akin ay ako na ang tatawag sa kanila roon. Gusto ko na rin makausap si Nanay Ising, alam kong galit pa rin sa akin iyon eh,” sabi ni Delsin at pumasok na sa kanilang kwarto para makapagpahinga na. Ilang oras ang nakalipas at tumawag na nga si Ate Nessa sa kanya. Nagising siya dahil doon pero ayos lang sa kanya. Sinagot naman niya agad ang tawag nang makita niya iyon. “Oh, Ate Nessa. Nakuha niyo na ba ang pera na pinadala ko? Sampung libo iyan ha,” sabi ni Delsin, halata sa kanya na sobrang saya niya dahil nakapagbigay siya ng pera sa kanyang pamilya. “Oo, nakuha ko na Delsin. Maraming salamat ha? Kumusta ka na nga pala dyan? Kumusta kayo ni Boyong?” tanong ni Ate Nessa sa kanya. “A-Ah, ayos lang naman kami rito, Ate Nessa. Nakakapagod ang trabaho namin pero ayos lang naman dahil ganoon talaga. Wala namang trabaho na hindi mahirap, di ba? Kayo ba ni Nanay Ising, kumusta kayo dyan?” sagot ni Delsin. Si Ate Nessa ay nakakatandang pinsan ni Delsin, Bukod kay Tiyang Teresa ay nag-aalaga rin ito sa Nanay Ising niya. Buti na lang talaga at maaasahan ni Delsin ang mga kamag-anak niya, kung hindi ay wala siya sa Maynila ngayon para makatulong sa kanyang nanay. “Ayos lang naman si Nanay Ising, kaso laging nagtatanong sa akin eh. Kung uuwi ka ba raw dito. Hindi ko alam isasagot ko dahil hindi ka naman laging natawag sa akin. Eh ano, gusto mo bang makasama si Nanay Ising ngayon? Pwede naman, pupuntahan ko siya sa kwarto niya,” sabi ni Ate Nessa. Kahit hindi kita ni Delsin ay rinig naman niya ang paglalakad ni Ate Nessa sa kabilang linya. “Nanay Ising, ito si Delsin oh. Kakausapin ka raw,” sabi ni Ate Nessa nang buksan niya ang kwarto ni Nanay Ising. Kita naman niya na sobrang saya ng matanda nang malaman niya iyon. Hinanap niya si Delsin sa paligid pero hindi niya naman makita kaya nagtaka si Nanay Ising. “Oh, nasaan ang anak kong si Delsin? Sabi mo, nandyan siya ah? Wala naman,” medyo nalungkot si Nanay Ising nang sabihin niya iyon. “Ah, eh kasi naman Nanay Ising, sa cellphone po kasi tumawag si Delsin eh. Hindi naman po siya umuwi rito sa atin. Ito po, magsalita po kayo rito at makakausap niyo po siya,” sabi ni Ate Nessa at binigay na kay Nanay Ising ang cellphone niya. Sa una ay tiningnan pa ni Nanay Ising ang cellphone, hindi siya naniniwala na maririnig niya roon ang kanyang anak. Hindi naman kasi marunong ang matanda sa makabagong teknolohiya ngayon. “Nanay, hindi po ako umuwi. Dito lang po ninyo ako makakausap. Pasensya nap o kung hindi ako nakauwi ngayon kasi abala po ako sa trabaho. Hayaan niyo po, nakapagpadala naman na ako ng pera para sa mga gamot na kailangan niyo dyan. Si Ate Nessa na po ang bahala sa inyo ha?” sabi ni Delsin, naiiyak na siya ngayon. Buti na lang at sa tawag lang sila magkausap, hindi pansin ng nanay niya na naiyak siya. “Eh anak, kalian ka uuwi rito? Hindi ako sanay na wala ka. Isang buwan na rin ang nakalipas. Gusto na kitang makita at makasama anak,” malungkot na sagot ni Nanay Ising sa kanyang anak. Doon na tuluyang umiyak si Delsin sa kabilang linya, pero tahimik lang siyang naiyak dahil ayaw niya namang malaman iyon ng kanyang ina. Baka mamaya ay mag-alala pa ito sa kanya at makasama pa iyon sa Nanay Ising niya. Kinalma muna niya ang sarili bago tuluyang sumagot sa kanyang ina. “Sa totoo lang Nanay Ising, gusto ko na rin po umuwi dyan pero hindi ko pa po kaya. Saka na po ako uuwi ‘Nay kapag kaya ko na po ah? Ang importante ngayon ay makabili kayo ng gamot ninyo at kung ano pa po ang kailangan ninyo sa bahay. Mag-iingat po kayo dyan ‘Nay. Mahal na mahal po kita,” sabi ni Delsin, naiiyak pa rin hanggang ngayon. “Ah, ganoon ba anak? Sige, hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo. Magpapalakas ako para sa iyo. Mahal na mahal kita, Delsin anak ko,” sabi ni Nanay Ising sa kanya. Lalo tuloy naiyak si Delsin dahil sa tono nang pagsasalita ni Nanay Ising sa kanya. Naalala kasi niya na galit nag alit ito noong nakaraang buwan noong malaman niya na magta-trabaho ang kanyang anak sa Maynila. Agad na pinunasan ni Delsin ang kanyang mga luha at saka nagsalita. “Oh sige na po, Nanay Ising. Ibalik niyo na p okay Ate Nessa ang cellphone at ako may sasabihin pa po ako sa kanya. Ingat ka po Nanay ha? Mahal na mahal kita.” Iyon naman ang ginawa ni Nanay Ising. Binaliik niya ang cellphone kay Nessa ar siya ay nahiga muli para makapagpahinga. Lumabas na si Nessa sa kwarto nito para hindi na maistorbo pa ang matanda. Isa pa, alam ni Nessa na may imporatnteng sasabihin din si Delsin sa kanya kaya lumayo muna siya sa matanda. “Oh, Ate Nessa ha? Ikaw na muna ang bahala sa Nanay Ising ko. Alam ko naman na tulong-tulong kayo ni Tiyang Teresa dyan sa pag-aalaga sa kanya. Huwag kayong mag-alala sa akin dito. Maayos naman ang trabaho ko at ang amo ko. Hindi ako mapapaano,” sabi ni Delsin. Ngayon ay nakahinga na siyang maluwag sa pag-iyak. “Oo naman, tutulungan ka naming kay Nanay Ising. Ang importante ngayon ay pagbutihin mo ang trabaho mo dyan ah. Tumawag ka na lang kung may kailangan o problema ka. Nandito lang naman kami para makinig,” sabi ni Ate Nessa sa kanya. “Oo, pangako ko sa inyo na gagalingan ko dito sa trabaho ko. Sige na, baka maiyak na naman ako rito eh. Ibababa ko na ang tawag ha. Ingat kayo dyan.” Pagbaba ni Delsin sa tawag ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. Humarap siya sa salamin bago lumabas ng kwarto. Nakita niya na nandoon sina Alexis, Boyong at Oryang sa hapagkainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD