Chapter 19

1032 Words
Pagbaba ni Delsin sa tawag ay agad niyang inayos ang kanyang sarili. Humarap siya sa salamin bago lumabas ng kwarto. Nakita niya na nandoon sina Alexis, Boyong at Oryang sa hapagkainan. “Oh, gising ka na pala Delsin. Tara na at kumain. Hindi kita ginising agad at alam ko naman na pagod ka sa trabaho kanina. Oo nga pala, tumawag na ba si Ate Nessa sa iyo? Okay na ba ang padala mong sweldo sa kanila?” sabi ni Boyong, umupo naman si Delsin doon para sabayan sila sa pagkain. “Oo, kakatapos lang nga noong tawag namin ni Ate Nessa. Natanggap na raw nila ang padala ko,” masayang sagot ni Delsin, nahihiya siya dahil katapat niya si Oryang. “Oh, may sweldo ka na pala. Baka naman kalimutan mong magbayad sa akin? Aba, isang buwan ka na rito ah,” pagtataray na naman ni Oryang sa kanya. “Oo, nagtira naman ako ng pera pambayad sa iyo. Huwag ka mag-alala dahil hindi ko naman nakakalimutan kung ano man ang utang ko sa inyo ni Alexis. Ang hiling ko lang, pwede bang tatlong libo muna ang ibayad ko? Wala kasing matitira sa akin na sweldo kung ibibigay ko ‘yong limang libo sa iyo nang buo,” nahihiyang sagot ni Delsin dahil alam niyang magagalit na naman si Oryang sa kanya. “Aba, problema ko pa ba iyon kung wala kang panggastos sa sarili mo? Eh di sana hindi mo pinadala lahat sa nanay mo ang sweldo mo. Alam mo naman na may utang ka sa akin eh,” sabi ni Oryang, galit na galit pa talaga siya kay Delsin. “Oryang, iyan ka na naman sa mga linya mong ganyan. Delsin, hayaan mo siya. Kung ano lang ang kaya mong bayaran, doon lang muna ang bayaran mo. Ayos lang sa akin, kung pwede nga ay huwag ka na magbayad eh,” sagot naman ni Alexis. “Anong hindi magbayad? Kailangan niyang magbayad sa atin dahil iyon naman talaga ang napag-usapan naming dalawa noong umpisa pa lang!” lalong nagalit si Oryang. “Eh alam mo namang walang matitira sa kanya ah. Hindi mo pa rin siya pagbibigyan? Oryang, ganyan ka na ba kasama?” naaawa na si Alexis kay Delsin. “A-Ah, ako na lang ang magbabayad kay Oryang noong kulang ni Delsin. May ipon naman ako at pinsan ko naman itong may utang eh,” sagot naman ni Boyong sa kanila. “Buti naman, okay na ang limang libo. Bale, dalawang libo na lang ang ibabayad mo sa akin, Boyong. Salamat,” sabi ni Oryang, tuwang-tuwa siya dahil magkakapera siya. “Ha? Ano? Ikaw ang magbabayad para sa akin? Hindi pwede iyon,” tutol naman ni Delsin sa kanyang pinsan. “Naku, hayaan mo na iyon. Saka na lang natin pag-usapan kung paano ka makakapagbayad sa akin. Kumain ka muna,” yaya ni Boyong, pero nawalan nan g gana si Delsin. Kahit paano ay kumain na lang din siya dahil gutom na si Delsin. Isa pa, pinilit talaga siya ni Boyong eh. Pagkatapos nilang kumain ay naghugas nan g pinggan ang magpinsan. Pinapasok na nila sa kwarto sina Oryang at Alexis. Sila na raw ang bahala sa mga hugasin. Pagpasok ni Alexis at Oryang sa loob ng kanilang kwarto ay galit na umupo sa kama si Alexis. Hinarap niya ang kanyang asawa bago tuluyang nagsalita. “Ano ba talaga ang gusto mo Oryang? Mamulubi ‘yong tao? Alam mo naman na kulang ‘yong pambayad nila pero pinilit mo pa rin sila na magbayad sa iyo. Hindi mo man lang ba sila bibigyan ng kahit konting konsiderasyon man lang sa mga nangyayari?” inis na sabi ni Alexis. “Alexis, pwede bang hinaan mo ang boses mo at baka marinig ka naman noong bata? Saka, ang utang ay utang. Pumayag sila sa kasunduan namin kaya dapat lang ay magbayad sila. Ganoon lang naman iyon ah, hindi ba tama naman ang ginawa ko? Para naman sa atin iyon ng anak natin ah. Hindi ka man lang ba masaya?” inis na sagot din ni Oryang. “Hindi naman sila papaya kung hindi mo sila pinilit eh. Haynaku Oryang, bakit k aba ganyan sa kanila eh wala naman silang ginaagawang masama sa atin? Tinutulungan pa nga nila tayo rito sa bahay. Hindi k aba man lang nagpapasalamat doon eh parang ginawa mo na nga silang alipin mo?” bwelta naman ni Alexis sa asawa. “Aba ‘yong paglilinis at hugas naman nila rito ay bayad na rin sa mga utang nila sa atin. Tama lang na gawin nila iyon kung wala naman silang pera na pambayad,” sagot ni Oryang at kinuha ang anak sa kama para laruin at yakapin. Hindi talaga makapaniwala si Alexis na ang taong kausap niya ay ang taong mahal niya. Hindi naman kasi ganoon si Oryang noon. Malaki ang tiwala ni Oryang sa kahit na sino. Hindi lang alam ni Alexis kung bakit nag-iba ang lahat. Gusto man niyang hiwalayan na ito dahil sa ugali ay hindi naman niya magawa dahil may anak sila. Isa pa, wala naman sigurong tao na gugustuhin na sira ang pamilya. Hindi kaya ni alexis na hindi makita ang anak niya. Alam kasi niya na kapag ginawa niya iyon eh ilalayo na ni Oryang ang anak nila. Sa ugali na meron si Oryang ngayon, hindi malabo na iyon ang gawin niya. “Bahala ka na nga, magpapahinga na lang ako kaysa makipag-away sa iyo. Kahit kalian naman kasi, hindi na ako nanalo sa argumento sa iyo,” sabi ni Alexis at humiga na lang siya sa kama nila. Habang nilalaro ni Oryang ang kanyang anak ay kinakausap niya ito. “Oh anak, kapag nakapagbayad na ng utang ang mga baliw na iyon ay ibibili kita ng mga gusto mo at ‘yong mga damit na bagay sa iyo ah. Pangako ko iyan. Ibibigay ko sa iyo lahat kasi hindi naman kayang ibigay ng tatay mo iyon eh. Hintay lang tayo anak ah,” sabi ni Oryang, halatang iniinis niya si Alexis sa mga sinabi niya dahil pinarinig pa talaga niya ito rito. Pinigilan na lang niya ang kanyang sarili dahil alam naman niya na babae pa rin si Oryang at nanay pa rin siya ng anak niya. Pinikit na lang ni Alexis ang kanyang mga mata at nagtalukbong. Pinilit niya na lang makatulog kahit napaka-sakit ng narinig niyang mga salita galing kay Oryang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD