Chapter 16

1024 Words
Pag-uwi ni Delsin sa bahay ay hindi na naman niya mapigilan na hindi mag-kwento kay Boyong tungkol kay Beverly. Kaya si Boyong, irita na sa kanyang pinsan dahil ayaw nga niyang umasa ito sa amo niya. “Sabi ni Tonyo sa akin, marami na siyang manliligaw. Pero ayos lang naman sa akin kasi hindi ko naman siya liligawan. Ayos na ako sa nakikita ko siya araw-araw, di ba, pinsan?” sabi pa ni Delsin na tuwang-tuwa. “Sigurado ka ba dyan, pinsan? Paano kung mahalata niya na gusto mo siya? Anong gagawin mo? Baka paalisin ka noon, di ba sabi ni Tonyo eh masama naman daw talaga ang ugali noon?” sagot naman ni Boyong, nagkukunwari na may paki siya pero wala naman talaga. “Syempre, hindi ko naman ipapahalata sa kanya kasi nakakahiya, ‘no. Saka, alam ko naman sa sarili ko na hanggang dito lang talaga ako eh. Ayaw kong ligawan iyon, alam ko namang hindi ako pasado eh,” sabi ni Delsin. “Eh basta, pinsan mag-iingat ka. Baka mamaya iyan pa ang maging dahilan kung bakit ka mawawala sa trabaho. Ayaw mo naman siguro noon, hindi ba?” sabi ni Boyong. “Oo naman, hindi naman ako mawawalan ng trabaho agad. Kaya ko naman ang sarili ko. Maniwala ka sa akin,” sabi pa ni Delsin. Ilang minuto pa ay nakita nila sa labas ng bahay si Alexis. Doon lang nila naalala na hindi nga pala nila sinabay si Alexis sa trabaho. Tiyak nila na inis ito sa kanila dahil sa nangyari. Hiyang-hiya tuloy sila noong dumaan sila sa harapan ni Alexis. Maglalakad n asana sila palayo kay Alexis pero tinawag naman nito ang atensyon nila kaya wala rin naman silang takas. “Delsin, Boyong.” Humarap sila kay Alexus, hiyang-hiya dahil naalala na naman nila ang nangyari kaninang umaga. “Oh, Alexis. B-Bakit?” tanong ni Boyong, kunwari ay walang ginawa. “Bakit niyo naman ako iniwan kanina? May problema ba kayo sa akin? Ang linaw-linaw naman ng usapan ah. Sabay-sabay tayong papasok,” sabi ni Alexis. “Ah, iyon ba? Eh kasi naman, galit na si Oryang kanina sa amin kaya hindi ka na naming sinama pa. Nahihiya na kami sa inyo at lagi mo na lang kaming pinagtatanggol sa kanya,” sabi ni Delsin kay Alexis. “Hinahanap ko kayo kanina eh. Tapos sabi nga sa akin ni Oryang na nauna na kayo sa akin. Naku, pasensya na talaga sa asawa ko. Kahit ano kasi ang gawin ko, may sinasabi pa rin siya tungkol sa inyo eh,” malungkot na saad ni Alexis sa kanila. “Pasensya ka na talaga sa amin. Ayaw lang namin na mag-away pa kayo ni Oryang,” sabi naman ni Boyong. “Ayos lang. naiintindihan ko naman kayo. Salamat na rin at iniisip niyo kami ng asawa ko. Oo nga pala, ano ‘yong pinag-uusapan niyo bago kayo kanina? Narinig ko eh,” sabi ni Alexis. “Ah, iyon ba? Ito kasing si Delsin eh, may gusto sa amo niya, kaya pinaalalahanan ko lang. Baka mapasobra eh, mawalan pa siya ng trabaho dahil doon,” sagot ni Boyong kay Alexis. Nagulat naman si Alexis sa nalaman. Alam kasi niya na bata pa si Delsin para sa mga ganitong bagay. Hindi pa niya dapat iniisip ang mga ganitong bagay, bagkus ay dapat mag-focus sa trabaho dahil una naman sa lahat ay iyon ang pinunta niya sa maynila. “Delsin, di ba labing-walong taon ka pa lang naman?” tanong ni Alexis, nag-aalala. “O-opo, crush lang naman poi yon. Inspirasyon ko lang sa trabaho. Alam ko naman pong walang patutunguhan kapag nalaman niya. Wala naman po akong binabalak na masama sa kanya,” sagot ni Delsin. “Alam ko naman na wala kang gagawing masama sa amo mo. Kaya lang, mahirap iyang may kung ano kang nararamdaman sa kanya. Lalo na nandito ka pa sa Maynila. Naku, masasaktan ka lang niyan,” sabi ni Alexis. “Alam ko naman po ang ginagawa ko. Hayaan niyo po muna ako at sigurado naman mawawala rin naman itong nararamdaman ko sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko na ang pinunta ko rito sa Maynila ay trabaho at hindi ang pag-ibig na iyan,” buong loob na sabi ni Delsin kay Alexis. “Oo naman. Alam ko naman na pagbubutihin mo ang trabaho mo,” sabi ni Alexis. “Pero late naman iyan kanina sa trabaho niya,” natatawang sabat ni Boyong na kinainis naman ni Delsin nang maalala niya iyon. “Ah, tinanghali ka nga pala nang gising kanina ano?” sagot ni Alexis. “Ilang beses ko na kasing ginising iyan. Ayaw pa niya bumangon. Iyan tuloy, nahuli sa trabaho. Buti na lang at hindi ka agad pinaalis ni Ma’am Beverly mo. Kundi maghahanap ka na naman ng bagong trabaho niyan.” Sagot ni Boyong. “Eh kasi naman Boyong, ituro mo na sa akin ‘yong alarm sa cellphone ko para hindi na ako mahuli sa trabaho bukas. Sabi ko kasi kay Ma’am Beverly ay mag-aalarm na ako para hindi na mangyari pa ulit iyon bukas,” sagot naman ni Delsin. “Oo na nga, halika na sa loob para maturuan na kita dyan sa cellphone mo,” yaya ni Boyong at naiwan na sa labas si Alexis habang nagpapahangin ito doon. Nilagay ni Delsin ang kanyang gamit sa sofa at umupo sila sa sala. Nilabas ni Delsin ang kanyang cellphone at binigay kay Boyong. Doon na niya itinuro ang paglalagay ng alarm, ringing tone at kung anu-ano pang pwedeng matutunan ni Delsin doon sa cellphone. “A-Ah, ganoon lang pala iyon. Madali lang pala. Kagabi kasi eh kinakalikot ko itong cellphone pero hindi ko magawa ng tama,” sabi ni Delsin at kinuha na niya ang cellphone kay Boyong. “Ah, oo. Sa una talaga ay hindi mo pa gamay iyan pero masasanay ka rin,” nakangiting sagot ni Boyong sa pinsan niya. Ilang minuto pa ay lumabas sa kwarto si Oryang, para sana magtimpla ng gatas noong anak niya. Noong una ay ayos naman ito pero noong napansin niya na nandoon sa sala si Delsin at Boyong ay nagbago ang aura ng mukha niya. Dahil ayaw na ng gulo ni Delsin ay hindi na lang niya pinansin ito. Bagkus ay pumasok na lang silang dalawa ni Boyong sa kwarto para makapagbihis sila at pahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD