Prologue
NAPAHINGA na lamang ako nang malalim habang tinignan ang sandamakmak na mga projects sa study table ko na kailangan kong tapusin. Hindi ko naman pinagsisisihan na Creative Writing ang kinuha kong kurso dahil talaga namang passion ko ang pagsusulat, pero talagang mahilig lang akong mag-procrastinate. Tinitiyempo ko na lang ang paggawa ng mga gawain ko sa mga oras na inaabot ako ng kasipagan, na madalas ay nangyayari lang kapag malapit na ang mga deadlines.
Ilang minuto rin ang pagtatalo sa utak ko kung magsisimula na ba ako sa mga gawain o huwag muna. At dahil mas malakas ang kapangyarihan ng katamaran, sa halip na magsulat ay binuksan ko na lamang ang aking f******k account.
Maliban sa pagbabasa ng mga kung anu-anong bagay sa news feed ko ay wala naman akong ibang ginagawa sa account ko. Gusto ko nga sanang mag-deactivate, pero wala naman akong choice dahil ito lang ang paraan para ma-contact ako ng mga kamag-anak at kaibigan ko.
Habang nanonood ako ng isang maikling video clip ng mga cute na aso ay biglang nag-pop up ang chatbox namin ng kaibigan kong si Quentin.
Quentin: OM to the G momsh! Alam mo na ba yung nangyari kay Julia at Marco? Nag-break na sila! All because of Andrew’s flirting skills! Bilib na talaga ako sa alaga mong yan. Next level ka talaga, Mia!
Napailing na lamang ako at bahagyang natawa.
Mia: Of course naman. You know very well that Andrew always delivers. And besides, karma rin yan ni Julia. Tama rin yan sa kanya.
Quentin: So ano, may bago ka na bang target? Hindi mo ba isusunod yung mga kaibigan ni Alvin? Isa-isahin mo na kaya ang buong basketball team ng university. Besides, lahat naman sila mga bully.
Mia: Hindi muna siguro. Pahinga na muna si Andrew sa ngayon. At tsaka hindi naman ako mauubusan eh. Malalaman mo rin kung merong bago. Mag-abang ka lang.
Matapos naming mag-usap ay medyo na-bore na ako kakanood sa mga video ng mga cute na aso, kaya binuksan ko ang isa pang browser at nag-log in ako sa isa pang account ko.
Ang f******k account ni Andrew Sandoval.
As usual, sandamakmak na naman ang friend requests, private messages, at notifications sa account na iyon. Napangisi ako. Basta talaga gwapo madaling makakuha ng atensyon. Iyon na lang ata ang mahalaga sa mga tao kapag nakikipag-kaibigan sila sa social media. Hindi man lang nila inaalam kung anong klase ng tao ang kinakausap nila, at kung ang tao nga ba sa profile picture ang nakakausap nila.
Nag-upload ako ng isang selfie ni ‘Andrew’, sabay lagay ng status sa larawan na iyon. Wala pang ilang minutong na-upload ay nakakuha na iyon ng maraming likes.
It’s risky, but there’s so much thrill in being a catfish.
Ano nga ba ang isang catfish? Hindi ito yung hito ah. Iba yun. Sa mundo kasi ng social media, ang catfishes ay mga taong nagtatago sa likod ng mga pekeng accounts, and their main objective is to attract someone into a relationship by means of their fictional online persona.
Ano nga ba ang nakukuha ko sa ginagawa kong ito? Satisfaction, perhaps? May sense of fulfilment akong nararamdaman kapag nakakapang-trip ako ng mga taong karapat-dapat namang pag-tripan.
Alam kong mali itong ginagawa ko, kasi obviously, pagsisinungaling ito. But I use Andrew Sandoval’s profile to help other people seek vengeance against those who wronged them or to make bullies experience the shame they cause to their victims. I know the means is bad, but my intentions are good, and the end justifies the means… I guess.
Gamit ang pekeng account, nilalandi ko at pinapaasa ang mga target ko, tapos ay sisirain ko sila o ang mga taong malalapit sa kanila sa kahit anong paraan. I can ruin their relationships, or even their reputations. Sa gawain kong ito ay nagagamit ko ang skills ko sa pagsusulat. I can create stories that are consistent at alam kong paniniwalaan ng target ko. I know how to engage into conversations with them to get inside their minds and make them do everything I want. Kapag nagrerequest sila ng video call ay madali naman akong nakakagawa ng matibay na alibi kaya lagi akong nakakalusot.
My targets deserve the shame and the pain I cause them. After all, they should have a taste of their own medicine. These bullies and cheaters need to get their own share of misery.
Ngumisi ako nang makita ko ang pag-pop ng chatbox namin ni Julia. Nagdadrama ito na hiniwalayan daw siya ng boyfriend niya dahil nahuli daw siya ni Marco na may finiflirt siyang ibang lalaki sa library. Natawa na lamang ako. Kung alam niya lang na sa akin nanggaling ang impormasyong nalaman ng ex-boyfriend niya na nasa library siya, malamang ay masira ang ulo nito. Hindi na rin naman uungkatin ni Marco kung sino ako dahil ang mas matinding pasabog ay ang makita niyang nakikipagharutan nga ang girlfriend niya sa ibang lalaki. Hindi ko na sinagot pa ang message ni Julia.
Magla-logout na sana ako sa account ni Andrew nang biglang nakatanggap ako ng message request.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Aki Garcia? Sino naman ‘to?
Binuksan ko ang message, at bigla akong kinabahan nang mabasa ko ang laman nito.
Aki: Stop using my pictures for this fake account. Deactivate this or else I’ll sue you. I have my ways to discover who you are. I’m warning you. Don’t try me.
Agad kong sinara ang laptop ko at napatayo sa kinauupuan ko. Parang nahulog sa sahig ng kwarto ang puso ko dahil sa gulat at takot.
I have a bad feeling about this. I really bad one.