It was Paul who followed me. Sa may likuran niya, nakatayo ro’n si Haru. Pinilit kong ngumiti kahit alam kong napansin nila na paiyak na ako. If only I could see myself right now, for sure ang pula ng mga mata ko. Pinilig ko ang aking ulo just to ease the tension. “Napuwing lang,” pagdadahilan ko kahit alam kong alam nila na hindi totoo. “Anong ginagawa niyo rito sa labas? Bibili lang ako ng maiinom. Bumalik na kayo sa loob. Hindi pa tapos ang orientation.” Walang umimik sa kanila. Nakatitig lang sila sa akin, tinatantiya kung iiyak ba ako o hindi. Heck, I will never cry to a man just because he has girlfriend o pinaasa niya ako. Eh, ano iyong nagbabadya kanina, Avi? Drama lang? Eme-eme lang? Bwesit kasi! “Hindi na ako babalik sa loob. Uhm, magpapa-COR na lang ako. Kaya ko naman siguro

