“Ayos ka lang?” Haru approached me. “Ang bastos ng lalaking iyon ah.” I was still in shock. Katulad ng ibang babae? Na ano? Malandi? Lapitin ng lalaki? Tingin ba niya ginusto kong umangkas kay Haru? Hindi! Napilitan lang din ako kasi ang layo. Kung siguro nilakad ko, baka sa ospital na ako pulutin dahil sa tirik ng araw. As far as I can remember, walang kami. So, anong karapatan niyang magalit? He was the one pushing himself to me. Ilang beses ko siyang pinagtulakan pero lapit pa rin siya ng lapit sa akin. He knew I have goals in life. Alam niyang hindi ko priority ang pumasok sa isang relasyon. I’m thankful that Haru offered me a ride kahit na kakikilala lang namin sa isa’t-isa. May iba nga dyan na hahayaan ka lang at mahimatay sa init. He’s mad at me? Fine! Magalit siya kung magalit.

