Pinilit kong iwaglit sa isipan ko si Nazz pero kahit saan ako magpunta o tumingin palaging mukha niya ang lumilitaw. Bwesit na yan, kahit saan na lang ba ako pumunta? Napabuntong hininga na lamang ako at nagtanong-tanong sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Unang in-approach ko ang nakasalaming babae na mukhang masungit. Feeling ko rich kid ang isang 'to. Hindi lang halata o baka dahil judgemental lang ako? Char. "Excuse me, miss?" tumigil siya at pinagtaasan ako ng kilay. "Uhm, saan po ba dito registrar office?" Inikutan niya ako ng mata. "Doon sa tabi ng CIT," sinundan ko ang tinuro niya. "Kita mo naman siguro 'di ba? Now, if you'll excuse me, marami pa akong gagawin at ang init pa." Reklamo niya at pinaypayan ang sarili. "Thank you." I forced a smile and she just nodded. Nilampa

