"Kiss kiss mo mukha mo," pinitik ko ang noo niya bago pa niya mailapit ang mukha niya sa akin. "Ibang klase rin tama sa'yo ng lagnat 'no? Ano iyan gusto mo ng kisspirin at yakapsule?" Nasapo niya ang kanyang noo habang nakanguso. "Exactly, baby." Inirapan ko siya. Nakonsensiya ako bigla no'ng mapansin kong namumula ang noo niya. Napalakas ata ang pagkakapitik ko ro'n. Tinanggal ko ang kamay niya at hinipan iyon. Hindi ko pinansin ang paninitig niya sa akin kahit medyo nakakailang. "Inuntog mo iyan kanina sa noo mo, ngayon naman pinitik mo. Sabihin mo nga sa akin, love language mo ba ang manakit, Avi?" hindi ako naka-imik. Akala ko sasabihin niya gawa ba sa bakal noo mo. Nagbaba ako ng tingin sa kanya. "S-Sorry naman." "Kiss lang naman ang gamot nito—" hindi niya natuloy ang sasabihin

