Napangiwi ako nang pisilin niya ang pisngi ko. "You're blushing so hard." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. "Sino bang hindi magb-blush sa pinagsasabi mo, bwesit ka!" marahan kong tinampal ang mukha niya. Nagsmistulang musika sa pandinig ko ang mahina niyang tawa. Ganito ba talaga kapag may gusto ka sa isang tao? Lahat na lang gumaganda mapa-tawa man o ano. "Nazz..." mahinang usal ko. Oh, God! Pati ba naman pangalan niya ang ganda pakinggan? Ramdam ko tuloy kung gaano siya kainit. "I like the softness of your palm." He said, gently massaging my hand on his left cheek. "Ang bango mo, Avi." Nakapikit niyang dagdag. "I love everything about you, baby." Hindi ko maiwasang mapatitig ulit sa kanya. Parang hinahaplos ang dibdib ko sa sobrang lambot ng boses niya. Hindi naman siguro

