“Avi? Maghanda ka ng meryenda nila,” utos ni tita. Taranta akong tumayo nang mahagip ng mata kong papunta sila sa kinaroroonan ko. “May dalang ginanggang na saging si Paul.” Yes, it was Paul who was with tita right now. Kinabahan lang ako kasi akala ko kasama niya si Nazz pero hindi pala. Sandali akong natigilan sa paglalakad nang magsink-in sa akin ang sinabi ni tita. Sinong tinutukoy niyang nila? Wala naming kasama si Paul. Bwesit, umasa na naman ako sa wala. “Ipagtimpla mo na lang sila ng juice.” Dagdag pa ni tita na tinanguan ko. Wala ako sa sarili nang magpatuloy ako sa paglalakad. “Avi, saan ka pupunta?” napatigil ako. “Bibili po ng juice sa labas?” baling ko kay tita na naiiling. Nakaramdam ako ng hiya nang marinig ko ang mahinang tawa ni Paul. Sheyt! Napaghahalataang lutang a

