My ankle got twisted when I landed on the ground. Napangiwi ako sa sakit at napadagan sa kanya. Parehong nanlaki ang mata namin nang ma-out of balance siya. Tila nagslowmo ang lahat nang tumumba kami sa bermuda grass. Parehas kaming nagulat sa sumunod na nangyari. Pumintig lalo ng mabilis ang dibdib ko nang magdampi ang labi namin pagkatumba. “Ayiee!” Naramdaman kong kumibot ang labi niya na parang pinipigilan niyang ngumiti. Hinampas ko siya sa braso nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Ah! What the freak is that? Gusto ba niyang ibuka ko ang bibig ko for what? Gagalugadin niya? “Manyak!” bulyaw ko sa kanya na tiwanan ng mga kalalakihang nanonood sa amin sa likod. “Luh, ikaw nga ‘tong nanghalik sa akin,” nakangising wika niya at inilalim ang braso sa likod ng kanyang ulo. “An

