Saka ko palang narealize ang sinabi ko nang tumawa na rin si N. I felt like I’m blushing so hard. God, he tricked me by his question.
Napahilamos ako ng mukha sa hiya. Magwa-walk sana ako nang paupuin niya ulit ako. Ibinaba ko ang kamay at sinamaan siya ng tingin.
“Bastos!” singhal ko sa kanya but he just gave me raw smile.
“Oh, kainin mo muna itong turon ko. Masarap iyan.” Ngising wika niya.
Pinukol ko siya ng matalim na tingin. Hindi ko matanggihan kasi nakatapat na sa bibig ko saka nakakatakam din. “Paano ko kakainin iyan kung kinamay mo?” pagdadahilan ko.
Natigilan siya. “Uh, sorry…” hindi niya natuloy ang sasabihin nang hawakan ko ang pulsuhan niya at kumagat sa hawak niyang turon.
Ang sarap. Palagi naming meryenda ‘to sa probinsiya pati iyong pinipritong saging pero hindi pa rin ako nagsasawa. Ito kasi ang madalas na binibili ni lolo kaya hindi kami nalilipasan. Madatong iyon kaso kuripot pero pagdating sa pagkain, palong-palo magwaldas.
Nahagip ng mata ko kung paano niya ako panoorin sa pag-ubos ko ng turon sa pamamagitan ng mga daliri niya. Kapansin-pansin ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito which I find so attractive.
Nang maubos iyon, sinalubong ko ang mga mata niya. “Akala mo maarte ako? Gusto mo pa bang dilaan ko ang daliri mo?” tapang-tapangan kong sabi.
Napatingin ako kay Paul na sunod-sunod ang pag-ubo at naiiling na tumayo saka lumabas ng bahay.
Ibinalik ko ang tingin kay N na walang imik na nakatingin sa akin. Nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang gulat.
Wala sa sariling pinitik ko ang kanyang noo at doon pala siyang napakurap. Mukhang natauhan na siya.
“Magtimpla lang ako ng juice. Mamayang gabi ko na iinumin iyang binigay mong tea.” Sabi ko saka tumayo.
Ngunit bago pa man ako makapaglakad, napasinghap ako sa gulat nang bigla niyang hapitin ang baywang ko palapit sa kanya. “Lick my fingers then.”
Napalunok ako at natulak siya. “A-anong sinasabi mo?”
“You’ve heard me, Avi. Kailangan bang ulitin ko sa’yo?” pinakita niya sa akin ang hintuturo at hinlalaki niya na may sauce ng turon.
Sinubukan kong lumayo pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkaka-hapit sa akin.
“Ano ba, baka maabutan tayo n-ni tita.” Piglas ko. Hindi ko siya magawang tingnan, nakakailang na naman.
Namilog ang mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng hininga niya. It was a mix of turon and his strawberry menthol.
“Mamaya pa babalik si tita, Avi. Lick it.” Maawtoridad niyang sabi. “Kapag ginawa mo, titigilan na kita. You have zero interest in me, right?”
Naalala ko na naman iyong sinabi ko kanina. Kumpirmado ko na ngayon na narinig niya at ito na naman ako, nakokosensiya. Gusto kong magsorry pero walang lumalabas sa bibig ko.
Napakurap ako nang ilang beses nang itapat niya ang dalawang daliri sa bibig ko. Nakipagmatigasan ako ng titig sa kanya pero sa huli ako rin ang naunang nagbawi. Ang hirap niyang basahin. Hindi ko alam kong pinaglalaruan lang ba niya ako o ano? Na-cha-challenge lang ba siya?
“Masakit ang puson ko, N.” Pagrarason ko para lang pakawalan niya ako.
He loosens up his grip but remained snaking his arms around my waists. “Ayaw mo talaga? Pinaasa mo lang ako? You asked kanina ‘di ba—damn it!” mabilis niyang inagaw ang kamay nang isubo ko pareho ang daliri niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Oh, bakit mo inagaw? Akala ko ba didilaan ko?”
Binitawan niya ako. Finally, nakawala na rin. Narinig ko ang mahihina ngunit malulutong niyang mur4. Namangha ako nang guluhin niya ang kanyang buhok. Ngayon ko lang napansin na kulay red wine pala iyon. Ang angas.
Napakurap ako ng isang beses nang tumingin siya sa akin. “Hindi ko sinabing isubo mo. Dilaan, baby.”
Inikutan ko siya ng mata. “Arte mo. Buti pa nga isinubo eh.” Tinalikuran ko siya saka tinungo ang kusina.
Binuksan ko ang ref at nakahinga nang maluwag nang may makita akong juice sa pitsel.
“Sinasadya ko iyon, Avi…” napalingon ako ng wala sa oras sa nagsalita mula sa likuran ko.
“A-Ang alin?” napapikit ako nang mauntog ang ulo ko sa may taas ng ref. Nagwawala ang dibdib ko sa taranta sa kung paano siya tumayo sa likod ko. Nakatuwad kasi ako. “Sakit.” Daing ko.
Tumayo ako ng tuwid. Akmang hahaplusin ko na sana ang noo ko nang maunahan niya ako. Nagmulat ako ng mata at saglitang tumingin sa kanya. There was something in his eyes na hindi ko kayang tagalan. Nanghihigop at nakakapanlambot.
“Ano ba kasi iyong sinasadya mo?” lumayo na ako kasi ang awkward. “Ako na. Palagi na lang ikaw. Hindi mo naman ako girlfriend para tratuhin mo ako ng ganito.” Sambit ko na ikinatigil niya.
“Hindi ba puwedeng nag-aalala lang ako sa’yo?” there was a hint of sadness in his voice. “Akala ko ba gusto mo sa ma-effort?”
Lumaglag ang panga ko sa sinabi niya at mabilis na kinuha ang pitsel sa loob ng ref. Isinara ko iyon saka siya tinalikuran. “May coke naman doon, bakit nandito ka? Makiki-juice ka rin?” pag-iiba ko ng topic.
Bakit ba siya sunod ng sunod sa akin? May lahi ba siyang aso? Iyong tipong hindi ako makapagsalin sa baso kasi paikot-ikot kami sa counter, bwesit.
Hindi ko rin maintindihan kung ano iyong sinasabi niyang sinasadya. Sinasadya na ano?
“Sandali nga, bakit kaba sunod ng sunod?” padarag kong inilapag ang babasaging baso at pitsel. Buti hindi nalakasan kundi basag. “Bumalik kana nga ro’n. Kapag tayo naabutan ni tita sa ginagawa natin, kamumuhian kita.”
“Sinadya kong ikiskis ang ano ko kanina sa jeep…”
Wala sa sariling naitapon ko sa mukha niya ang naisalin kong juice sa baso. “Mahimasmasan ka sana.” Iniwan ko siya sa kusina at dali-daling umakyat sa taas.
Napahilamos ako ng mukha pagkapasok ko sa kwarto. Ang init ng pisngi ko. Ano bang nakain ng lalaki iyon at nasabi niya sa akin ang bagay na ‘yon? Nilihim na lang niya sana.
__
“Avi, bumaba ka rito!” napabalikwas ako ng upo nang marinig ko ang sigaw ni tita.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba sa hagdan. I was sweating and gasping when I finally reached the first-floor only to be taken aback as I saw N wearing an apron.
“Hindi ka man lang nahiya sa mga bisita natin at si N pa ang pinaghanda mo ng hapunan.” Sermon sa akin ni tita.
Napayuko ako. “Sorry po tita, nakatulog po dahil sa pananakit ng puson.”
“Whatever, dumito kana at kumain. Linisin mo muna ang kwarto mo bago matulog.” Paalala pa niya na tinanguan ko.
“Nalinis ko na po.” Sabi ko at nahihiyang lumapit sa dining table.
Ipinaghila ako ni N ng upuan pero hindi ako umupo ro’n. Tahimik na lang ako umupo sa kabila at nagsandok ng kanin at ulam. Ayokong isipin ni tita na may namamagitan sa amin. Iiwasan ko siya kung kinakailangan.
“Enrollment na bukas sa SSLU. Kaya mo naman siguro mag-isa? May trabaho ako bukas kaya hindi kita masasamahan. Pag-uwi mo galing university, bantayan mo ang billiard house. Huwag kang mag-aalala susuwelduhan kita ro’n at para na rin may mapadala ka sa pamilya mo sa probinsiya.”
Tumango na lang ako. Nanliliit ako sa sinasabi niya knowing na nandito si N at Paul. Hindi ba puwedeng sabihin na lang mamaya kapag kami na lang dalawa? Hindi ko naman ikinakahiya na mahirap kami pero iyong pakiramdam na parang ipinapamukha niya sa akin na walang-wala kami sa harap mismo ng mga bisita. Nakakasama lang sa loob.
Hindi na lang ako umimik at tahimik na kumain. Yumuko ako the whole time to the point na binilang ko pa ang butil ng kanin. Baka kasi ikaltas pa niya sa sweldo ko, eh 'di at least counted. Aware ako.
Ganito pala iyong feeling na nakikitira ka lang, ang liit ng tingin sa’yo. Pamangkin naman niya ako pero bakit ganito ang trato niya sa akin?
Niligpit ko lahat pagkatapos naming kumain. Hindi ko hinayaan na tumulong si N o Paul kahit nag-insist pa sila. Feeling ko nakatutok si tita sa lahat ng ginagawa ko.
“I’ll help you drying the plates,” hindi ko tinapunan ng tingin ang nagsalita at nagpatuloy lang sa paghuhugas ng plato. Marunong naman ako kahit papaano. Sa paglalaba lang tagilid. Kukunin sana niya ang nahugsan ko nang itabi ko iyon sa kabila. “Why are you acting so cold to me, Avi? May ginawa ba ako? Dahil ba ‘to sa sinabi ko kanina? Kung iyon man then I’m sorry. Just please, stop ignoring me.”
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Sinubukan niya ulit kunin ang isang plato nang tapikin ko ang kamay niya. Nagtama ang mata namin nang mag-angat ako ng tingin sa kanya. “Bakit ba ang kulit mo, N? Halatang-halata na tayo ni tita. Gusto mo bang mapalayas ako rito? Look, hindi ako interesado sa’yo. Nandito ako para mag-aral at hindi lumandi.” Dere-deretsong sabi ko at itinuon ulit ang atensyon sa mga plato.
Tumayo lang siya sa tabi ko at pinapanood ako sa ginagawa. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Nakakamat4tay din ang bigla niyang pananahimik.
Sa pagmamadali, dumulas sa kamay ko ang plato. Napapikit ako, hinihintay ang pagkabasag no’n sa lapag pero wala akong narinig.
“You can open your eyes, it’s safe.” Napamulat ako ng mata at nakitang hawak ni N ang plato. Nasalo pala niya iyon.
Hinanda ko na sarili ko sa sermon, mabuti na lang at nandito siya. “S-Salamat.” Hindi makatingin na sabi ko at inagaw sa kanya ang plato.
“Ngayon, gusto mo pa rin ba ako manatili sa tabi mo, Avi?” his voice was so gentle. Parang hinahaplos ang dibdib ko sa lambing ng boses niya.
Nagsimula na namang magwala ang dibdib ko. Ano bang klaseng pakiramdam ‘to? Bakit sa kanya ko palagi nararamdaman?