This is not health. Kung patuloy akong makikipag-ugnayan sa kanya, baka maligaw ako ng landas.
“Kaya ko na rito,” malamig na sabi ko at binilisan ang pagbabanlaw. “Just go away, N.”
“Now you’re pushing me away? Why, Avi? I even removed my mask a while ago so you could see me, but you didn’t even look at me,” punong-puno ng pagsusumamo ang boses niya. “May mali ba sa akin?”
Sandali akong natigilan sa ginagawa. Napaisip ako, may mali ba sa kanya? Partly, yes because he’s been acting annoyingly and distracting the hell out of me. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito na lang mag-react ang dibdib ko sa kanya.
“Just stop. Walang magandang maidudulot ang ginagawa mo sa akin. Iyong pangungulit mo, lahat. Tigilan mo ako. Wala kang mapapala sa akin.” Iritang sambit ko.
Hindi ba puwedeng tumigil siya? Pakiramdam ko pinapanood kami ni tita although naririnig kong nag-uusap sila ni kay Paul sa living. Connecting lahat kaya paniguradong natatanaw niya kami.
“If I’ll ask Ate Nadia na ligawan ka at kung pumayag, papayag kaba?”
Marahas kong siyang tiningnan. “No, N! Stop playing, please!” agad kong tinapos ang pagbabanlaw at nagmartsa paalis ng kusina.
I know he’s following me dahil nararamdaman ko ang yabag niya mula sa likuran ko. Ano susundan niya ako sa second floor? Sa tingin ba niya hahayaan ko siyang makasunod sa akin doon? Freaking no.
Tumigil ako pagkatapat ko sa hagdan. Hinarap ko siya na salubong ang kilay. “Buntot ka ng buntot. Ano susundan mo ako hanggang second-floor?”
Hindi siya nagsalita at pinukol lang niya ako ng malamig na tingin. “Look at me while I remove my mask.” Dahan-dahan niyang tinanggal ang mask niya ngunit biglang namatay ang ilaw.
Sa takot ko sa dilim, nayakap ko siya ng wala sa oras. “Nawalan ng kuryente,” bulong ko, nanginginig sa takot. “Natatakot ako sa dilim.”
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Marahan niyang hinaplos ang likod ko. Mas lalo akong nagsumiksik sa kanya nang biglang kumulog ng malakas. Mukhang uulan pa.
“Huwag kang matakot, nandito lang ako.” He assured me. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin to the point na hindi na ako makahinga ng maayos.
“N, loosen up a bit, h-hindi ako makahinga ng maayos.” Nahihirapang sabi ko, amoy ang mabango niyang pabango.
“Oh, I’m s-sorry…” saka niya niluwagan ang pagkakayakap sa akin. “Gusto ko lang sulitin.”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napansin kong nagbaba rin siya ng tingin sa akin. Napapikit ako habang tumatama ang hininga niya sa mukha ko. Lumaklak ba ‘to ng strawberry menthol? Ang sarap sa ilong.
“S-sulitin? A-ang ano?” pigil hiningang tanong ko at napalunok sa sobrang lapit ng mukha niya.
“Our position right now, Avi.” Sagot niya sa malambing na boses.
Nangangalay na ako kakatingala sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang magdikit ang ilong namin. Medyo nagulat ako nang mapansin kong hindi na niya suot ang kanyang mask.
It was dark kaya hindi ko rin makita. Ang tanging nakikita ko na lang ngayon ay ang silweta ng kanyang mukha, the shape of his face, nose, eyes and lips.
Pinilig niya ulo at masuyong hinawakan ang aking panga. He lifted my chin that made my heart beat so fast. Parang may lalabas sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog.
“Would you mind if I taste your lips?” he whispered like he was craving for it.
Papikit na sana ako nang biglang umilaw. Natulak ko siya at kumaripas ng takbo paakyat sa hagdan. Wala naman sigurong nakakita? Pero hindi ko naman nakita ang mukha niya, bwesit.
I was panting so hard as I slammed the door. Napahawak ako sa aking dibdib sa bilis ng pagpinitig no’n. The emotion was so new to me that it almost drowns me. Nawala ako sa wisyo sa paraan ng pagkaka-hawak niya sa akin, sa paninitig at sa nakakalasing niyang hininga dahil sa bango.
Our lips almost touched. Mabuti na lang at umilaw kundi nagkatikiman kami ng labi na baka ikabaliw ko pa sa mga susunod na araw.
Huminga ako ng malalim at tinungo ang kama. Tatalon na sana ako pahiga ro’n nang maramdaman kong bumulwak ang dug0 ko. Sabi ko nga huwag na lang.
Napatingin ako sa may pintuan nang biglang may kumatok doon.
“Avi, tulog kana ba? Dito magpapalipas ng gabi sina Paul at N since malakas ang ulan at baka ma-stranded pa sila sa biyahe. Pakilinisan ang kabilang kwarto at ako’y matutulog na.” Pagbibigay alam ni tita kaya wala akong nagawa kundi ang bumango mula sa pagkakahiga.
Lumabas ako ng kwarto nang makasalubong ko si N at Paul na may dalang walis at dustpan. Hindi ko maiwasan mapagtaasan sila ng kilay. “Ginagawa niyo? Ako na dyan,” tinangka kong kunin sa kanila ang hawak nila pero iniwas lang. Pareho ko silang sinamaan ng tingin. “Sabing ako na eh. Hindi naman kayo ang inutusan.”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Avi? Why don’t you rest? Hindi na kami mga bata na hindi marunong maglinis.” Natigilan ako sa sinabi ni N.
“Oh, eh bakit galit na galit ka?” inis kong sabi.
“Tinulak mo ako kanina. Ano sa tingin mo, matutuwa ako?” salubong ang kilay niyang sabi.
Ugh, gusto ko na ngang kalimutan, pinaalala pa niya.
Sinubukan kong pumantay sa kanya pero pinaglihi yata ‘to sa kapre sa tangkad. Sa huli, nanliit pa rin ako na tinawanan lang ni Paul.
“Eh kung anu-ano kasi pinagsasabi mo.” Pagdadahilan ko pero nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko.
“Oy nagb-blush siya,” pang-aasar pa ni Paul. Hinilamos ko kaagad ang mukha ko. “Nazz—I mean N, oh itinatago niyang namumula. Kayo ha, may nangyari sa inyo no’ng mamatay ang ilaw ‘no?”
With all the strength I have, malakas ko siyang hinampas sa braso. “Baliw ka/Gag0!” sabay sabi namin ni N at nagkatitigan.
“Wala na, confirmed! Nagkiss kayo?” tudyo pa sa amin ng engot.
“Sabing wala eh!” pagtanggi ko.
Ngisi-ngisi lang siya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni N. “Sus, tunog meron eh. So, ano nagkiss nga kayo?”
Punyemas na lalaking ‘to, ang kulit ng lahi. Palong-palo mang-asar eh.
“Hindi nga kasi natuloy.” Napamura ako sa aking isipan nang magsabay na naman kami ni N.
Humagalpak ng tawa si Paul. Bwesit na bwesit na ako. Ihampas ko sa ulo niya ang hawak niyang dustpan.
“Pulang-pula na siya oh!” Paul pointed at me while still laughing so hard.
Mukha na siguro akong kamatis ngayon sa sobrang pula ng mukha ko. Ang init pa.
Babalik na sana ako sa loob ng aking kwarto nang mahawakan ni N ang kamay ko. “Running away, again?” he asked which made look at him.
“A-ano? Aasarin mo rin ako? Ayoko na, kuta na ako. Pag-upugin ko ulo niyong dalawa.” Sambit ko. Binawi ko ang kamay pero mabilis din niyang nahuli iyon.
“Nagtatatampo ako,” napanganga ako sa sinabi niya. “Hindi natuloy iyong kanina tapos kung makatulak ka parang may nakakahawa akong sakit. Papikit kana hindi ba?” umay, nang-asar na nga.
“Hoy, legit ba talaga?” singit ni Paul na hindi namin pinansin.
Naglaban kami ng titigan ni N. This time, sisiguraduhin kong siya ang mauunang magbawi ng tingin. Bwesit kasi lagi na lang ako ang nauuna.
“Parang hindi ako nag-e-exist dito ah. Baka nakakalimutan niyong may kasama pa kayo.” Paul added waving his hand in between.
“Eh ano naman kung nagtatampo ka? Pasuyo ka kay Paul o di kaya sa mga babae mo, marami ka naman siguro no’n.” Sambit ko na ikinalukot ng noo niya.
“Oy pinagmukha kang babaero, N.” Ngising wika ng kaibigan niyang epal.
“I never had a girl in my life, ikaw palang.” Tumahip ang dibdib ko sinabi niya.
Huwag kang maniniwala sa kanya, Avi. Pinaglalaruan at pinagloloko ka lang niyan. Kapag nakuha niya ang gusto niya sa’yo, iiwan ka rin sa ere.
“You can ask Ate Nadia if you want to. You want assurance? Then let me in.” Seryoso sabi niya.
Naiiling na lang si Paul sa tabi at napakamot ng buhok. “Hulog na hulog talaga ang kaibigan ko. There’s no way hell that he’ll get up.”
“Huwag ako, N. Sinabi ko—” nahigit ko ang hininga nang hilain niya ang kamay ko.
Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
“Holy sheyt!” si Paul na napatakip ng bibig.
Bakit ako pumikit imbes na itulak siya?