bc

Isla De Escondido: His Lost Memories (Filipino)

book_age18+
18.6K
FOLLOW
76.7K
READ
billionaire
love-triangle
family
goodgirl
drama
bxg
city
office/work place
small town
seductive
like
intro-logo
Blurb

Nagdadalang-tao si Ailana Martinez nang iwan siya ng nobyong si Miggi. Dahil dito, hinarap ni Ailana ang pagiging single mom at tumayong ama't ina ng kanyang anak.

Sa paglipas ng panahon, kinailangan ni Ailanang iwan ang anak sa poder ng magulang upang pumasok bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa maynila. Ngunit hindi niya akalain na muli niyang makikita ang ama ng kanyang anak at tuluyang malalaman ang sikretong dudurog sa kanyang puso.

chap-preview
Free preview
Prologue
Point of view - Ailana Martinez –   Kaya ba natin pigilan ang puso na magmahal? Kaya ba nating iwasang tumibok ang puso para sa isang tao?   Natuturuan nga ba ito na huwag mahalin ang hindi karapat-dapat? O 'di kaya'y iwasan ang isang tao na alam mong mali?   Mahirap, hindi ba? Masakit, hindi ba? Kung minsan may pagkakataong kapag tayo ay umibig, binibigay natin ang lahat. 'yung tipong wala nang natira sa sarili at sa huli, tayo pa rin ang talo, tayo pa rin ang nasasaktan. Kung sino pa ang sobrang magmahal, sila pa ang sobrang nasasaktan.   Ilan lang ito sa mga bagay na naramdaman ko. Isa lang ito sa mga bagay na pinagdaanan ko at natutunan sa aking karanasan.   ***   Habang ako ay nakaupo sa tabi ng bintana at nakatanaw sa mahinahon na alon ng karagatan, hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan. Ang dalampasigan kung saan ko nakita at nakilala ang lalaking minahal ko, si Miggi.   Minahal ko siya nang sobra pero sa isang iglap, bigla na lang siyang nawala nang parang bula.   Hindi ko alam at wala akong ideya kung may nagawa ba akong mali? Dahil kung mayroon man, 'yun ay ang mahalin siya at ibigay sa kanya ang lahat, lahat-lahat   Marahan kong inangat ang aking kamay, tiningnan ko ang lumalaki kong t'yan saka ito hinaplos.   "Anak, patawad kung nagkamali si mommy. Patawad kung pinili kong magmahal. Patawad."   Tila nag-unahan ang aking mga luha nang maisip kong iniwan ako ng lalaking ama ng aking anak. Napakasakit na isipin na lalaki ng walang ama ang mahal kong sanggol.   Pero wala akong magagawa dahil nandito na ito. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko. Nandito na ito. Pinili ko nang masaktan at hindi ko pinagsisisihan na mahalin si Miggi.   Mariin kong pinahiran ang luha sa aking mata, saka muling tinanaw ang asul na dagat. Ang Isla na ito ang saksi sa aming pagmamahalan. Ang saksi sa lahat ng pangako na bigla na lang napako nang walang dahilan.   Sana man lang sinabi mo sa akin kung bakit, Miggi. Sana man lang nilinaw mo ang dahilan ng iyong pag-alis, para hindi ganito kasakit.   Dito sa islang ito, sa Isla De Escondido nagsimula ang lahat. Dito sa islang ito nabuo ang lahat. At dito sa islang ito nagtapos ang lahat.   Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo. Sinapo ko ang ilalim ng aking tiyan dahil nakararamdam na ako ng kaunting kirot. At mayamaya pa, isang mainit na tubig ang lumabas mula sa akin. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tumibok ang aking puso. Unti-unting humilab ang aking tiyan hanggang sa ang sakit ay hindi ko na makayanan.   Saka ako sumigaw nang malakas upang marinig ng aking mga magulang.   Agad silang napatakbo sa aking silid at natatarantang binuhat ni tatay. Sinugod ako sa ospital dahil ako ay manganganak na.   At noong araw na iyon, sinilang ang isang sanggol, ang anak ng misteryosong lalaki na bigla na lang napadpad sa Isla De Escondido.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.7K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.7K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.7K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook