Chapter 5

1223 Words
Point of view - Ailana Martinez - Tumakas ang maliit na butil ng luha mula sa aking mga mata. Ramdam ko ang unti-unting pagbaon ng kanyang p*gkalalaki sa maselang bahagi ng aking katawan, hanggang sa tuluyan kaming maging isa. Mariing napakuyom ang aking kamay sa buhangin na aming hinihigaan dahil sa sakit na aking naramdaman. Panandaliang huminto sa paggalaw si Miggi upang mawala ang sakit na ito. "Still hurt?" nag-aalala niyang tanong. Nang maramdaman kong tuluyan nang nawala ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Tumango ako sa kanya bilang hudyat na maaari na siyang gumalaw. "Oooh~" Malalim ang paghugot ko sa aking hininga nang maramdaman ko ang marahan niyang paghugot sa kanyang p*gkalalaki, hindi pa man niya tuluyang natatanggal ang bagay na iyon, muli niya itong ibinaon sa aking kaselanan. "Huh.. Huh... Huh..." "M-Miggi," nanginginig ang tinig kong saad. "Say my name again, Yana." "M-Miiiiggiii..." Pabilis nang pabilis ang kanyang ginagawa, hanggang sa namalayan ko na lang na sumasabay na ang aking balakang sa sayaw ng kanyang baywang. Kaliwa't kanan ang pagbaling ng aking ulo na tila hindi ko na alam kung saan ako kakapit. Halos mabaliw ang aking isip sa init na dumadaloy ngayon sa aking katawan. Ang aking pakiramdam ay tila punong-puno at nawawala na sa aking katinuan. Ramdam ko na ang aking katawan ay tila lumulutang sa alapaap habang mabilis ang paggalaw ng lalaki sa aking ibabaw. Hanggang sa maya-maya lang, naramdam ko ang paninigas ng aking kalamnan. May kung ano ang namumuo sa aking puson na nais na namang sumabog. "M-Miggi, i-ito na naman siya." "A-Ako rin, Y-Yana..." nahihirapang tugon ni Miggi. "Ooohh! Sh*t" sigaw niya sabay sa mabilis na pagkalaw ng kanyang balakang. Maging ako ay habol hininga sa bawat paggalaw na kaniyang ginagawa. "Aaaahhh!..." Isang mahabang ungol ang sabay naming nagawa nang maabot namin ang rurok ng pagnanasa. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan at maging ako ay ganito rin ang nararamdaman. Halos hinang-hina ang aking katawan matapos ang nangyaring iyon sa pagitan naming dalawa. Maging sa paghugot ng kanyang p*gkalalaki ay nagdala rin sa akin ng kakaibang sensasyon. Pakiramdam ko ay may kung anong likido ang umaagos mula sa akin nang alisin niya ang bagay na iyon. Matapos iyon, humiga si Miggi sa aking tabi saka sabay naming tiningnan ang malaki at bilog na buwan sa itaas ng langit. "Nagsisisi ka ba sa ginawa natin, Yana?" rinig kong tanong ni Miggi. Matamis akong ngumiti, humiga ako patagilid upang mas makita ko ang kanyang mukha bago tumugon sa kanyang tanong. "Hindi kailanman, Miggi." Marahan siyang humiga patagilid at nagtama ang aming tingin sa isa't isa. "Pangako, ano man ang maging resulta ng ating ginawa ngayon, paninindigan ko ito," seryosong wika ni Miggi. Tumango ako at nakaramdam ng kapanatagan dahil sa kanyang sinabi. Pinangako ko sa aking sarili na isang lalaki lang ang aking iibigin at makakasama habambuhay. At ang lalaking iyon ay dumating na sa wakas. Naramdaman ko ang paglapat ng labi ni Miggi sa aking noo at ang mahigpit niyang yakap, isang yakap na tila nagsasabing hinding-hindi niya ako iiwan. *** Sa paglipas ng mga araw, hindi ko na mabilang kung ilang beses naming pinagsaluhan ang mainit na sandali. Tila isang droga ang bagay na iyon sa aming dalawa. Hindi namin ito maiwasan. At habang tumatagal, palalim nang palalim ang aming nagagawa sa isa't isa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin magawang ipagtapat ang aming relasyon sa aking mga magulang, lalo pa ngayong may nangyayari na sa pagitan naming dalawa. Ngunit dumating ang araw na aking kinatatakutan, buong akala ko ay iba si Miggi sa lahat ng lalaki, na iba siya sa mga manlolokong lalaki na ang habol lang ay ang tawag ng laman, ngunit nagkamali ako. Hindi ko akalain na malilimutan ko na ang lalaking ito ay isang estranghero, isang lalaking walang alaala at aksidenteng napadpad lamang sa dalampasigan ng isla. *** Isang bagong umaga, inutusan kami ni nanay na bumili ng lahok sa aming uulamin. "Miggi, bumili ka nga roon sa kabila, ako naman dito para mas mabilis tayo," utos ko kay Miggi habang nakaturo ang aking kamay sa isang tindahan na nakapwesto sa 'di kalayuan. Kasalukuyan akong abala sa hawak kong bag at hinahanap ang aking wallet. Lumipas ang ilang minuto, hindi ko narinig ang pagtugon ni Miggi. "Miggi?" saad ko saka ko tinaas ang aking ulo at tumingin sa lalaking nasa tabi ko. Nakita ko ang nanlalaki niyang mata na tila nabigla sa kanyang nakita. Kumunot ang aking noo at sinundan ang bagay na kanyang tinitingnan. Sa pagsunod ng aking tingin, nakita ko ang isang lalaking naka-blacksuit na nagtitingin ng kung ano sa isang tindahan. Halatang mayaman ang lalaking ito dahil sa kanyang suot. "May problema ba, Miggi?" pagtanong ko sa kanya. "Yana, mauna ka na. May gagawin lang ako," wika niya sa akin saka mabilis na tumakbo palayo sa aking kinaroroonan. "Anong problema niya?" nasabi ko na lang sa aking sarili. Matapos kong mabili ang mga bagay na pinabibili sa akin ni nanay, muli akong bumalik sa lugar kung saan ako iniwan ni Miggi, nagbabakasakaling muli siyang babalik. Ngunit lumipas ang ilang oras, walang Miggi ang bumalik sa lugar kung saan ako naroroon. Nagdesisyon akong umuwi sa bahay dahil baka magalit si nanay kung hindi ko maiuwi ang lahok sa aming kakainin. Muli akong bumalik sa palengke at hinanap si Miggi, ngunit tila nawala siya nang parang bula. Lumipas ang ilang araw, tuluyan na siyang hindi nagpakita. Nag-report kami sa pulis at kung saan-saan pa, nagbabakasakaling mahahanap pa namin siya. Ngunit tulad ng biglaang pagdating niya sa Isla De Escondido, ang biglaan din niyang pagkawala. Halos mabaliw ako kahahanap kay Miggi, halos libutin ko ang buong isla masilayan ko lang muli ang kanyang mukha. Pero bigo pa rin ako, bigo pa rin akong makita ang lalaking inakala kong makakasama ko habambuhay. Ilang gabi akong patuloy na umiiyak, ilang araw akong halos hindi makakain kaiisip sa kanya, kung kumain na ba siya o natutulog ba siya nang maayos? Hanggang sa dumating ang araw na aking kinatatakutan. Naramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha, dahilan upang ako ay bumangon mula sa aking pagkakahiga. Ngunit nang subukan kong tumayo, naramdaman ko ang pag-ikot ng aking sikmura at pakiramdam ko ay ano mang oras, maduduwal na ako. Mabilis akong tumakbo sa banyo, yumuko ako at tinapat ang aking bibig sa lababo, ngunit kahit anong duwal ang aking gawin, walang lumabas mula sa aking bibig, tanging malalagkit na laway lamang. "Anak, ayos ka lang ba?" narinig ko ang tinig ni nanay na ngayon ay nakatayo sa labas ng pinto ng banyo. Ngumiti ako bago tumugon sa kanya. "O-Opo, nanay. Ayos lang po ako." Ngunit nang akmang ihahakbang ko na ang aking paa, pakiramdam ko ay gumaan ang aking ulo at tuluyan akong nahilo. Hinawakan ko ang aking ulo at mabuti na lang ay agad akong nakakapit sa haligi ng aming banyo. "Yana!" sigaw ni nanay nang makita niya na muntik na akong matumba. Agad siyang lumapit sa akin saka inalalayan ang aking braso. "Sabihin mo, buntis ka ba?" Nanlaki ang aking mga mata nang itanong ni nanay ang bagay na iyon. Tila gumuho ang aking mundo nang mapagtanto ko na posibleng ako nga ay nagdadalang tao. At isang lalaki lang ang nagmamay-ari sa dinadala ko, ang lalaking biglang dumating at biglang naglaho sa aking buhay — si Miggi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD