Chapter 4

2654 Words
Point of view - Ailana Martinez - May paraan ba upang mapigilan ang puso na umibig sa isang tao? May magagawa ba tayo kung mahulog ang loob mo? Kahit pilitin kong iwasan si Miggi, pakiramdam ko ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Alam kong mali na umibig ako sa isang lalaking ngayon ko lang nakilala. Pero anong aking magagawa? mahal ko na siya. Sa loob ng isang buwan, sinubukan namin ni Miggi na magtungo sa bayan at tanungin ang mga tao, nagbabakasakaling mamukhaan siya, ngunit bigo na naman kami. Patuloy pa rin kaming umaasa ni Miggi na bumalik ang kanyang alaala at ito rin ang tanging hiling ko sa para sa kanya. *** "Ito, wala ka bang na aalala rito?" Pagturo ko sa isang larawan na mula sa magazine na nakapatong sa kahoy naming lamesa. Kasalukuyan kaming nasa salas ngayon ni Miggi habang nagtitingin ng isang bagay na maaring makapagpa-trigger sa kanyang alaala. Nakaupo siya sa isang kahoy na upuan sa tapat ko. At ako naman ay nakaupo sa kabila. Tinitigang mabuti ni Miggi ang litratong tinuro ko, saka kumunot ang kanyang noo. "Wala, sorry." Ilang larawan na rin ang napakita ko sa kanya sa pagbabakasakali na mayroon siyang maalala, ngunit wala pa rin talaga. Marahan kong binaba ang mga magazine at saka sinara ang mga pahina. "Sige, magpahinga na muna tayo, Miggi," saad ko. "Pasensya na, Yana. Wala talaga akong maalala." Pinilit kong ngumiti upang mapalitan ang lungkot na aking naririnig mula sa kanyang tinig. "Hayaan mo na, 'wag na muna natin pilitin," tugon ko. Maya-maya lang, dumating si nanay at umupo sa aming tabi rito sa salas. "Yana, may pupuntahan kami ng tatay mo mamaya sa kabilang isla. Maaasahan ba namin kayo na magbantay ng bahay?" Ngumiti ako at tumango kay nanay. "Opo, Nay. Kami na po ni Miggi ang bahala." "Salamat, anak. Uuwi rin naman kami mamayang gabi." "Sige po." Lumipas ang ilang oras, umalis sila nanay upang tumungo sa kabilang isla. Kami naman ni Miggi ay abala sa paglilinis ng bahay at pag-aayos ng mga gamit. Nang sa wakas ay matapos kaming maglinis, lumabas kami ng bahay upang magpahinga. Umupo kami sa isang kahoy na upuan sa tabi ng pinto, saka sinandal ang aming likuran sa haligi ng bahay. Natatanaw namin ni Miggi ang magandang alon ng dagat at payapang kalangitan. "Miggi." Naputol ang aking sasabihin nang lumingon ako kay Miggi. Natulala ako nang makita ko ang nakatingala niyang ulo at nakapikit na mata. Pawis na pawis ang kanyang katawan dahil sa aming paglilinis. Hindi ko alam kung bakit sunod-sunod ang aking paglunok habang nakatingin ako sa kanyang leeg na dinadaluyan ng butil ng pawis. "Yana, ayos ka lang?" Bumalik sa reyalidad ang aking isip nang mapagtanto kong nakatingin siya sa akin. "Ah, O-Oo, ayos lang," tugon ko sabay alis ng tingin ko sa kanyang mukha. "Tara, maligo tayo sa dagat." Muli akong napalingon kay Miggi nang siya ay magsalita. Sumilay ang malaking ngiti sa aking labi saka tumango sa kanyang sinabi. "Sige!" Sabay kaming tumakbo patungo sa dagat. Ramdam ng aming mga paa ang puting buhangin na dumidikit sa aming talampakan. Alas kwatro na rin ng hapon kaya ang araw ay hindi na gaanong mainit, sapat lang upang makasisid sa dagat. Mabilis na tinanggal ni Miggi ang kanyang damit nang marating namin ang dagat. Nagulat ako nang bigla siyang sumalok ng tubig gamit ang kanyang kamay, sabay hagis nito sa akin. Agad akong napapikit dahil sa pagtama nito sa aking mata. At dahil sa kanyang ginawa, gumanti ako rito, hanggang sa magpalitan kami at magbasaan na animoy mga bata. Napuno nang tawanan ang paligid dahil sa aming ginagawa, hanggang sa magdesisyon kaming lumangoy sa malalim na bahagi ng dagat. "Halika, doon tayo, Yana!" sigaw ni Miggi sabay lahad ng kanyang kamay. Agad ko itong kinuha at sabay kaming lumangoy patungo sa malalim na bahagi. Ang aming mga buhok ay sabay sa paggalaw ng tubig sa ilalim. Nakamulat ang aming mga mata at tinitingnan ang magagandang coral reefs na pinupuntahan ng maliliit na isda. Animoy sumasayaw kami kasama ang mga maliliit na lamang dagat. Sabay kaming nakaramdam ng pagka-ubos ng hangin kaya nagdesisyon kaming iahon ang aming mga ulo sa tubig upang kumuha ng hininga. "Ang ganda sa ilalim hindi ba, Miggi?" natutuwa kong saad sa kanya. "Oo. Kasing ganda mo, Yana." Sabay sa kanyang pagtawa. Natigil ang aking pagngiti dahil sa sinabing iyon ni Miggi. "L-Loko ka talaga." Pilit akong tumawa dahil sa kanyang sinabi. "Yana." Muli akong napatingin sa kanya nang tawagin niya ang aking pangalan. "Sa tingin ko, hindi na mahalaga sa akin kung bumalik pa ang aking alaala," seryosong wika ni Miggi. Lumangoy siya palapit sa akin at naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking balikat. "Dahil kahit bumalik pa ang aking alaala, pipiliin ko pa rin ang lugar na ito. Hindi ako lalayo. Mananatili lang ako rito sa tabi mo." Halohalong pagtataka at katanungan ang tumatakbo sa aking isip, habang mabilis na tumitibok ang nagwawala kong puso. "B-Bakit sinasabi mo ito, Miggi?" nagtataka kong tanong. Pinipigilan ko ang aking sarili, ngunit alam kong sa loob ng aking puso, masaya ako sa mga bagay na aking naririnig. "H-Hindi ko alam kung paano nagsimula, Yana. Hindi ko rin alam kung bakit, pero isa lang ang alam ko, sa tingin ko, nahuhulog na ang loob ko sa 'yo." "Ha? P-Pero, Miggi?" "Hindi mo naman kailangan sagutin ang aking sinabi. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko." Marahang tinanggal ni Miggi ang kanyang kamay sa aking balikat, saka muling lumayo sa akin. "Tara na, baka bumalik na sila nanay Erlinda," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin. Nang makita ko ang kanyang pagtalikod at akmang lalangoy nang muli, agad kong binukas ang aking labi. Nais kong kunin ang oportunidad na ito upang sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Ayokong masayang ang lahat at ayokong matapos ang araw na hindi ko sinasabi ang laman ng aking puso. "Miggi!" sigaw ko na nakapagpatigil sa kaniyang tuluyang paglayo. Nababakas ang pagtataka sa kanyang mukha nang siya ay lumingon sa akin. "Yana, bakit? May problema ba?" tanong niya, saka muling lumangoy palapit sa akin. "M-May gusto rin akong ipagtapat sa 'yo." Mariin akong lumunok at kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang mga bagay na nais kong sabihin. "G-Gusto rin kita, Miggi." Ramdam ko ang mainit kong mukha. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagiging teenager nang sabihin ko ang bagay na iyon. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkanobyo dahil abala ako sa pagtulong sa aking mga magulang, kaya ngayon ko lang naramdaman ang bagay na ito at nais kong sumubok kung gaano ba kasarap ang umibig. Ang gulat na nababakas sa mukha ni Miggi ay napalitan ng ngiti. Ang ngiti niyang iyon ay nagbigay ng init sa aking puso. Napakasaya ng aking pakiramdam at tila ang alon sa dagat ay hindi isang alon, kundi isang ulap na nagdadala sa akin patungo sa alapaap. Maya-maya lang, naramdaman ko ang kamay ni Miggi. Hinawakan niya ang likod ng aking ulo saka ito pinatong sa kanyang balikat. Ang kabila niyang kamay ay hinagod niya sa aking likod saka niya hinila ang aking katawan palapit sa kanyang katawan. Kahit malamig ang tubig sa dagat na aming kinaroroonan, damang-dama ko ang mainit na yakap ni Miggi sa aking katawan. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Pakiramdam ko ay ayoko nang matapos ang araw na ito, ang nais ko na lang ay yakapin siya buong oras. *** Sa paglipas ng araw, hindi ko akalain na ang pagmamahal ko kay Miggi ay tuluyang lalalim. Ang pagmamahalan namin sa isa't isa ay tila hindi masisira ng kung sino man. Hindi na rin bumibisita ang mga babaeng madalas dumalaw kay Miggi noon. Hindi naman niya pinagtabuyan ang mga ito, ngunit madalas nang tanggihan ni Miggi ang mga bagay na galing sa kanila, kaya siguro unti-unting lumayo ang mga babaeng ito. Sa ngayon, may isang bagay ang hindi namin magawa, ang ipagtapat sa aking mga magulang ang relasyon namin ni Miggi. Natatakot ako na baka hindi nila tanggapin ang aming sasabihin. Natatakot ako sa mga posibilidad at mga sasabihin ng tao sa amin, kaya nilihim namin ni Miggi ang tungkol sa aming relasyon. Kadalasan, sa tuwing wala ang aking ama't ina. Nagtutungo kami ni Miggi sa dalampasigan upang panoorin nang sabay ang paglubog ng araw. Umupo kami sa buhangin, sinisigurado namin na nasa lugar kami na halos walang taong dumadaan, isang lugar sa isla na may malalaking bato na nagsisilbing harang sa aming dalawa. "Sorry, Miggi," malungkot kong saad habang nakatingin sa magandang paglubog ng araw. Niyakap ko ang aking tuhod at dinikit ito sa aking dibdib. "Sorry kasi kailangan pa nating ilihim sa aking magulang ang tungkol sa atin. Siguro, nahihirapan ka rin gaya ko." "Naiintindihan ko naman ang sitwasyon, Yana. At sa oras na handa kanang sabihin sa kanila ang lahat, sabay natin silang haharapin." Nilingon ko ang aking ulo kay Miggi na ngayo'y nakaupo sa aking tabi. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang bagay na kanyang sinabi. "Salamat, Miggi," isang masayang wika mula sa aking labi. Marahang hinawakan ni Miggi ang aking balikat. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat at sabay naming pinanood ang magandang paglubog ng araw. "Yana," narinig ko ang mahinahong wika ni Miggi. Agad akong tumingala sa kanya, ngunit hindi ko akalain na siya pala ay nakatingin sa akin, dahilan upang magtama ang aming tingin sa isa't isa. Tila isang alapaap ang kanyang mga mata. Unti-unting lumilipad ang aking diwa at hindi ko na namalayang palapit na nang palapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Marahan akong pumikit nang maramdaman ko ang paglapat ng malambot na labi ni Miggi sa aking labi. Ito ang unang beses na makaramdam ako ng bagay na ito. Pakiramdam ko ay ano mang oras, maaaring sumabog ang aking puso dahil sa lakas ng t***k nito. Unti-unting lumalalim ang palitan ng halik sa pagitan naming dalawa. Tila natuto na rin ang aking dila na maglaro sa loob ng kanyang bibig at kusa na itong tumutugon sa kanyang ginagawa. Nagsimulang uminit ang aking damdamin nang maramdaman ko ang paghawak ni Miggi sa aking likuran, tila may hinahanap itong bagay. Nang matagpuan ng kamay niyang iyon ang kawit ng aking bra, marahan niya itong tinanggal, dahilan upang mapamulat ang aking mga mata at ilayo ko ang aking labi. "S-Sandali," mabilis kong saad. "S-Sorry, Yana. Nadala lang ako." Akmang tatayo na si Miggi mula sa kanyang pagkakaupo nang bigla kong hinawakan ang kanyang kamay. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung bakit ko ito ginawa. Ang alam ko lang, handa na akong ibigay ang aking sarili sa kanya. Sa paghawak ko sa kanyang kamay, agad ko siyang hinatak palapit sa akin, saka muling siniil ng halik ang kanyang labi. Hindi ko na muling pinigilan ang bagay na nais naming gawin. Tila nilamon na ng sensasyon ang aking isip at hindi na nito nagawang mag-isip pa. Nang lubusang matanggal ang suot kong bra, dahan-dahan na rin niyang tinanggal ang suot kong t-shirt, saka tumambad ang malusog kong hinaharap. Ingat na ingat na tila isang sanggol ang hawak niya sa aking ulo habang hinihiga ang aking katawan sa puting buhangin ng Isla De Escondido. Dumagan siya sa aking katawan habang ang kanyang mga braso ay nakatukod sa sahig ng buhangin sa magkabilang tabi ng aking ulo. Napasinghap ako nang maramdaman ang paghawak ni Miggi sa aking kaliwang dibdib. At tila mabaliw ang aking isip nang simulan niyang paglaruan ang bagay na nasa ibabaw nito. "Aaah..." Isang mahabang ungol ang lumabas sa aking bibig, dahilan upang mariin kong kagatin ang ilalim ng aking labi. Sinimulan ni Miggi na ilagay ang kanan kong dibdib sa kanyang mainit na bibig. Damang dama ko ang dila na naglalaro sa ibabaw ng aking nagsusumigaw na hinaharap. Tila bumalik sa ulirat ang aking isip nang itigil niya ang bagay na kanyang ginagawa, saka siya muling bumalik sa paghalik sa aking labi. Nagsimulang maglakbay ang kanyang kamay sa aking katawan. Naramdaman ko ang gumuguhit niyang daliri patungo sa aking puson. At sa mga oras na ito, alam ko na ang patutunguhan ng kamay niyang iyon. Ang kanyang kamay ay nagsimulang pumasok sa loob ng aking manipis na saplot sa ibaba, hanggang sa tuluyan na niyang mahawakan ang maselang bahagi ng aking katawan. Hindi ko mapigilang mapaigtad ang aking balakang nang idiin niya ang kanyang daliri sa maselang bahagi na iyon. Mariin akong napakapit sa kanyang braso nang itapat niya ang gitnang daliri sa entrata ng aking kaselanan. Isang malalim na pagsinghap ang aking nagawa nang unti-unti at dahan-dahan niyang ipasok ang kanyang daliri sa loob ng basang-basa kong p*gkababae. "M-Miggi, m-masakit," nauutal at nanginginig na tinig kong saad. "Sorry, sa umpisa lang iyan, Yana." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Miggi sa aking katawan, dahilan upang mapanatag ang kinakabahan kong puso. Dahil sa dulas ng maselang bahaging iyon, hindi nahirapan ang marahang pagpasok ng kanyang daliri sa loob, dahilan upang mariin akong mapakagat sa ilalim ng aking labi. "Masakit pa ba?" tanong ni Miggi na may halong pag-aalala. Umiling lang ako saka sinubsob ang aking ulo sa kanyang balikat. "Hinahanda ko lang ito para mamaya," muling saad ni Miggi na nagpapahiwatig sa mga bagay na susunod na mangyayari. "Aaahh. M-Miggi..." Nagsimulang gumalaw ang kanyang daliri at ang sakit na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawawala. Nakabibilib na napalitan ito ng kakaibang pakiramdam, isang pakiramdam na halos ayaw ko nang tigilan. "Huh!...aaah.. Aaah..." Halos kapusin ang aking hininga dahil sa sunod-sunod na paglabas pasok ng daliri sa loob ng aking kaselanan. Hanggang sa makaramdam ako ng tila namumuong bagay sa aking puson. Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Miggi at pilit siyang pinatitigil. "S-Sandali, naiihi ako," hirap kong paliwanag sa kanya. "Sige lang, Yana. It's not a what you think it is." "T-Teka..." Ngunit hindi pa rin niya tinigil ang kanyang ginagawa. Hanggang sa maramdaman ko ang paglabas ng mainit na likido mula sa bagay na kaniyang hinahawakan. "Aaaaahhh..." isang mahabang ungol ang lumabas sa aking bibig nang maramdaman ko ang bagay na iyon. "A-Ano 'yon?" saad ko habang ramdam ang tila pagod kong katawan. "That's org*sm, Yana," bulong ni Miggi sa aking tainga. "Sabihin mo lang kung ititigil na natin ito," dugtong niya. Ngunit tila may sariling buhay ang aking ulo dahil mabilis akong umiling at hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. "P-Please, Miggi. Tapusin natin ito." Marahang tinaas ni Miggi ang kanyang ulo at tiningnan ang aking mukha. Tila sinusuri niya ako at sinisigurado ang aking desisyon. Dahil sa kanyang ginawa umiwas ako ng tingin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. "W-Wag mo nga akong titigan nang ganyan," inis kong sabi, sabay hampas sa kanyang braso. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Miggi dahil sa namumula kong mukha. "Sorry," saad niya. Naramdaman ko ang kanyang pag-alis mula sa pagkakadagan niya sa akin. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang t-shirt saka ito mabilis na tinanggal. Tumambad na naman sa aking mga mata ang nagsusumigaw niyang abs na tila masarap hawakan. Ngunit nanlaki ang aking mga mata nang simulan niyang hubarin ang suot niyang pang-ibaba at tuluyan kong makita ang kabuohan ng hubad niyang katawan. Nakailang lunok ako ng laway habang nakatitig sa isang bagay na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Ang mahaba at ugatan nitong hitsura ay tila nakakatakot sa aking mga mata. K-kaya ko ba ang bagay na ito? tanong ko sa sarili. Ito ang unang beses na makakita ako nito at masasabi kong mas lalong bumilis ang t***k ng aking puso. Muling bumalik si Miggi sa aking ibabaw, saka tinitigan ang aking mukha. "Are you ready?" mahinahon niyang tanong. Isang mariin na lunok pa ang muli kong ginawa bago tumango sa kanyang sinabi. Gamit ang kanyang kamay, hinawakan ni Miggi ang dulo ng bagay na nasa pagitan ng kanyang hita saka ito tinapat sa entrada ng aking kaselanan. Sa oras na pumasok ang kanyang p*gkalalaki sa loob ng aking hiyas, tuluyan na kaming magiging isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD