Chapter 3

2156 Words
Point of view - Ailana Martinez – Simula nang dumating sa buhay namin si Miggi, pakiramdam ko ay naging isang swerte siya sa aming pamilya. Madalas may bumibisitang babae sa amin para maghatid ng pagkain o isda rito sa bahay. Nang kami ay makaluwagluwag dahil sa pangingisda ni tatay, binilhan namin si Miggi ng mga bagong damit na magagamit niya sa pang-araw-araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaala at wala pa rin kaming balita sa mga kamag-anak niya o kung may tao mang naghahanap sa kaniya. Nakalulungkot isipin na tila tuluyan na siyang kinalimutan ng kanyang pamilya. Ngunit umaasa pa rin ako na muling babalik ang kanyang alaala. *** "Para sa 'yo, 'to, Miggi. Kainin mo mamayang merienda o kung gusto mo, ako na lang ang kainin mo, mesherep eke." Tumaas ang aking kilay habang nakatingin sa isang babaeng bumisita na naman dito sa bahay. Nakasandal lang ako sa kahoy naming pinto, nakahalukipkip ang aking braso at hindi ko sinasadyang makita na naman ang isa sa mga babaeng bumibisita kay Miggi. Sa tingin ko ay pansit ang dala niyang pagkain. "Hoy, Tina! Matagal pa ba 'yan? Mahaba pa ang pila, oh!" sigaw ko. Gamit ang aking nguso, tinuro ko ang pila ng babae na nasa kanyang likuran. Nakita naman niya ang limang babaeng nakapila. Ngumiso siya na animoy nagtatampo, sabay padabog na tumayo mula sa upuang kahoy. Kulang na lang ay maglagay ako ng donation box dahil sa dami ng babaeng lumalapit kay Miggi. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapong lalaking? iritable kong saad sa sarili. Nang muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Miggi, nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi na muling nagpainit sa aking mukha. Ano ba naman kasi ang mayroon sa lalaking ito, bakit kasi napakagwapo? Mariin akong lumunok saka inalis ang aking tingin sa kanya at pumasok sa loob ng aming bahay. Sa tingin ko, kapag ako ay tumagal sa pakikipagtitigan sa kanya, baka atakihin ako sa puso. Ganito ang eksena sa aming tahanan araw-araw. Matapos maubos ang mga babaeng bumibisita kay Miggi, sasamahan naman niya ako sa dalampasigan upang humanap ng mga bagay na maaari naming makain o mapakinabangan. Pero kadalasang nauuwi sa pagligo sa dagat ang aming pinupunta. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng kasama sa mga bagay na aking ginagawa, tila nakahanap ako ng isang kaibigan sa katangian ni Miggi, isang gwapong kaibigan. *** "Yana, tingnan mo ang nahuli ko!" sigaw ni Miggi habang hawak ang isang talangka. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang hawak, alam ko kung gaano kadelikado ang humawak ng isang talangka kung hindi ka sanay. "Aray!" Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong sipitin siya nito, dahilan upang agad niya itong mabitiwan. Agad akong timakbo patungo sa kanyang kinaroroonan. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sabay hawak sa kanyang kamay. Wala sa sariling sinipsip ko ang daliri niyang sinipin ng talangka, saka ko lang naisip ang aking ginawa nang maramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Miggi. Mabilis kong tinanggal ang daliri niya sa aking bibig nang mapagtanto ko ito. "S-Sorry," saad ko. Ngumiti si Miggi bilang tugon sa aking sinabi. "Okay lang, Yana." Sabay hawak niya sa aking ulo at ginulo ang aking buhok. "Ang sakit ng daliri ko, halika, umupo muna tayo rito." Nakita ko ang pag-upo ni Miggi sa buhangin. Marahan naman akong umupo sa kanyang tabi habang ang aming mga paa ay nalalapatan ng mahinang alon galing sa dagat. Sabay kaming tumingin sa tahimik na dagat habang ang hangin ay dumadampi sa aming mukha. "Alam mo, Yana." Lumingon ako kay Miggi nang magsimula siyang magsalita. "Hanggang ngayon, nabibighani pa rin ako sa ganda ng Isla na ito," saad nya. Ngumiti ako nang marinig ko iyon. Binalik ko ang aking tingin sa tahimik na dagat bago tumugon. "Oo naman, ang Isla De Escondido ang pinakamagandang isla na nakita ko. Bukod sa tahimik at malayo sa gulo ng syudad, napakalinis at sagana pa ito sa likas na yaman," sunod-sunod kong saad na animoy tourist guide. "Oo nga. Masaya ako at dito ako napadpad. At mas masaya ako dahil may pamilyang kumopkop sa akin." Bumalik ang aking tingin sa kanyang mukha nang sabihin niya iyon. " Sa tingin ko, hindi na muling babalik pa ang aking alaala. Wala ring pamilyang humahanap sa akin. Siguro nga, pinabayaan na nila ako," parang bata niyang sumbong. Naramdaman ko ang lungkot na mula sa tinig niyang iyon. Agad akong dumikit sa kanya at kahit siya ay may katangkaran, marahan kong inabot ang kanyang ulo at isinandal sa aking balikat. "'Wag mong isipin 'yan, Miggi. Mahahanap din natin ang pamilya mo," saad ko. "Maraming salamat, Yana. Dahil hindi mo ako pinabayaan, hindi mo pa rin ako sinusukuan." Sumilay ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang bagay na iyon. "Sino lang ba ang magtutulungan dito kundi tayo lang, hindi ba?" saad ko sabay layo ng kanyang ulo at tumingin kami sa isa't isa. Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti upang maibsan ang kanyang pag-aalala. Gumanti naman siya ng ngiti sa akin, dahilan upang bumilis na naman ang t***k ng aking puso. "Okay, let's go!" masiglang saad ni Miggi sabay mabilis na tumayo. Nakatingala lang ako sa kanya, hanggang sa makita ko ang paghawak ng dalawa niyang kamay sa laylayan ng puti niyang T-shirt. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang damit hanggang sa ito ay matanggal sa kanyang katawan. Tumambad sa aking mga mata ang maputi at makinis niyang katawan, ang matipuno at tila bato niyang arm biceps, ang nagsusumigaw niyang abs sa kanyang tiyan na tila masarap hawakan. Sandali, ano ba itong iniisip ko? "Hoy! Baka matunaw yan," pagtawag ni Miggi sa aking atensyon saka tumawa nang malakas. "Tara na!" pagyaya niya sa akin sabay lahad ng kanyang kamay. Tinitigan ko pa ang kanyang mukha bago ko tinanggap ang kamay niyang iyon. Ngunit nang tanggapin ko ito, nanlaki ang aking mga mata nang mabilis niya akong hinalin at tumakbo patungo sa dagat. Dahil sa kanyang ginawa, tuluyang nabasa ang suot kong mahabang t-shirt na tumatakip sa aking katawa. Nakagawian ko na sa aking sarili na sa tuwing nababasa ang aking damit, tinatanggal ko ito upang hindi na makapitan pa ng buhangin na mahirap tanggalin sa tuwing naglalaba. Wala sa sariling tinanggal ko ang aking t-shirt, dahilan upang makita ang suot kong bra at cycling short. "Hi, sexy." Nanlaki ang aking mata nang maalala kong kasama ko nga pala si Miggi. Agad akong napatakip ng katawan dahil sa kanyang sinabi. Tumawa pa siya dahil sa aking ginawa, hanggang sa maya-maya lang, lumapit siya sa akin at marahang binaba ang aking kamay na tumatakip sa aking katawan. "Don't worry, Yana. It's beautiful," saad niya na tila tumutukoy sa aking mukha. Nagtama ang aming mga mata. Habang nakatingin ako sa kanyang gwapong mukha, ang bagay na tumitibok sa aking puso ay nagsimula na namang bumilis. Ito ang unang beses na maramdaman ko ang bagay na ito. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito ngunit ayon sa aking mga nababasa sa nobela, ito ang tinatawag nilang pagmamahal. Nang bumalik sa reyalidad ang aking isip, agad kong kinuha ang aking kamay na kanyang hawak-hawak. Walang sabi sabing naglakad ako palayo sa dagat at iniwan ko siya roon. Alam kong hindi ito maaari, hindi tamang mahulog ang loob ko sa lalaking ito. Bukod sa hindi ko siya lubusang kilala, wala rin siyang alaala. Mali ito, Yana. Mali ang nararamdaman mo. Tuluyan akong lumayo at iniwan si Miggi sa dagat nang nag-iisa. Hindi ko na rin siya nilingon kahit ilang beses pa niya akong tawagin. *** Kinabukasan, patuloy ako sa pag-iwas kay Miggi. Kahit na maraming babae ang pumupunta sa bahay, hindi ko na ito pinapansin. Tulad ng dati, maaga akong sumasama kay tatay upang mangisda at uuwi kami kapag malapit nang mananghalian. Ganito ang araw-araw kong ginagawa upang tuluyang makalayo sa kanya. Naisip kong gawin ito hanggang sa bumalik ang kanyang alaala at muli siyang kunin ng kanyang pamilya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, inutusan kami ni nanay mamalengke. Wala akong ibang pagpipilian kundi sumama kay Miggi. "Yana, sandali nga. Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya sa akin habang kami ay naglalakad rito sa palengke. "Manang, magkano po sa gulay?" "Trenta na lang, hija." "Pabili nga po," saad ko sa isang babaeng nagtitinda ng gulay sa tabi ng kalsada. Hindi ko pinansin ang mga bagay na sinasabi ni Miggi, patuloy lang ako sa pamamalengke. "Yana! Pansinin mo naman ako, may ginawa ba akong mali?" tanong ni Miggi sabay habol sa akin. Binilisan ko ang aking paglalakad, hanggang sa hindi ko na mapansin na may nabunggo na pala akong tao. "Aray!" saad ko sabay hawak sa aking ilong. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Miggi sa aking balikat mula sa likuran upang hindi ako matumba. "Ayan, kasi. Tumingin ka sa dinadaanan mo," pagsermon sa akin ni Miggi. "Ailana?" Narinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalan. "Ikaw nga, Yana!" Marahang tumaas ang aking ulo nang muli kong marinig ito. "Kenji?" saad ko nang makita ko ang aking kababata na nasa aking harapan. Siya pala ang lalaking nabangga ko. "Long time no see, best friend," nakangiting sagot ni Kenji. "Kailan ka pa nakauwi?" "Nito lang, magbabakasyon lang ako rito." Nakita ko ang paglipat ng tingin ni Kenji sa lalaking nasa aking likuran. "Sino siya?" tanong niya sabay turo kay Miggi. "Ah, siya si—" "Ako si Miggi," saad ni Miggi. " Let's go, Yana." Mabilis na hinila ni Miggi ang aking kamay palayo sa kinaroroonan ni Kenji. Nakita ko pa ang pagtataka sa hitsura ni Kenji nang tuluyan kaming lumayo. "S-Sandali nga, Miggi. Nasasaktan ako!" sigaw ko sabay hatak sa aking kamay. "Ano bang problema mo?!" bulyaw ko sa kanya. Nabalot ng takot ang aking puso nang makita ko ang galit na galit niyang mukha. "Ikaw! Ikaw ang problema ko! Hindi ko gusto ang tingin sa 'yo ng lalaking iyon," sigaw niya sa akin. At dahil nasa palengke kami, agaw atensyon ang aming sigawan. Nakaramdam ako ng hiya dahil nagsisimula na kaming tingnan ng mga tao. "Halika nga!" Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Miggi, saka ko siya hinila sa lugar na halos walang tao, sa isang bakanteng lote na halos hindi dinadaanan. "Okay, Sige. Kausapin mo ako," saad ko sa kanya, saka hinalukipkip ang aking braso. "Bakit mo ginawa ang kabastusan na iyon? Alam mo bang binastos mo ang best friend ko?" "Basta, hindi ko gusto ang mga tingin niya sa 'yo." "Alam mo ikaw—" "Ikaw, bakit mo ba ako iniiwasan?" tanong niya na nakapagpaputol sa aking sasabihin. "K-Kasi—" "Alam mo bang masakit dito na makitang hindi mo ako kinakusap." Sabay turo niya sa kanyang dibdib. "Matapos akong masanay na kasama ka, ngayon mo pa ako iiwasan. Tapos, makikita kong ngumingiti ka sa iba." "Ano naman ngayon kung ngumiti ako sa iba, ha? Miggi!" "Dahil masakit sa puso! Nasasaktan ako kapag may kausap kang iba. Gusto ko ako lang!" Kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Mariin siyang napasuklay sa kanyang buhok ang nahahalata ang inis sa kanyang mukha. "Ano bang sinasabi mo?" tanong ko. 'Wag mong sabihing nagseselos ka?" Tinapunan niya ako nang matalas na tingin nang sabihin ko ang bagay na iyon. Ang kanyang hitsura ay tila isang mabangis na tigre na ano mang oras ay maaaring mangagat. Nanlaki ang aking mga mata nang marahas niyang suntukin ang pader katabi ng aking ulo na aking sinasandalan. Tila paralisado ang aking katawan nang unti-unti niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin, hanggang sa ilapat niya ang kanyang braso na nasa tabi ng aking ulo. Kinulong niya ako sa kanyang dalawang braso na nakasandal sa pader. Hindi ko maigalaw ang aking katawan habang ang kanyang mga mata ay nangninisik na nakatingin sa akin. Nakailang lunok na ako ng laway bago siya muling magsalita. "Oo, siguro nga nagseselos ako. Siguro nga ito ang tawag sa damdaming nararamdaman ko," malumanay niyang sabi. "Yana, 'wag mo akong iwasan, dahil mababaliw ako kapag lumayo ka sa akin," dugtong niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Ang alam ko lang, pabilis nang pabilis ang t***k ng aking puso na ano mang oras ay maaari na akong himatayin. Akala ko ay aalis na siya matapos niyang sabihin ang bagay na iyon, ngunit nagkamali ako. Sa halip na umalis, nakita ko ang kanyang mukha na lumalapit sa akin. Patuloy lang siya sa pagtitig sa aking mga mata. Tila hinihigop ang aking kaluluwa habang kaming dalawa ay magkatitigan. Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang noo sa aking noo. "Sorry, Yana. Natakot ba kita?" tanong niya sa akin. Muli akong dumilat nang marinig ko ang kanyang sinabi. "Pakiusap, 'wag mo akong iwasan," dugtong niya. Tila yelong lumambot naman ang aking puso nang marinig ko ang mahinahon niyang tinig. Paano ko nagawang saktan ang lalaking ito? "Patawad din, Miggi. Hindi ko sinasadya," tugon ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD