CHAPTER 4

1326 Words
"S-sigurado po ba kayo Ser?" hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ser Cortes "Mukha ba akong nagbibiro Tessa?" "P-pero...diba mali itong gagawin natin Ser?" Bahagya itong natawa at napahilamos ng mukha. Saka ito tumayo at nagbuntong hininga habang nakapamewang at nakatingin sa malayo. Saka ito bumaling sa akin, "Look, Tessa. Oo, mali na magsinungaling tayo...pero I don't have a choice!" "Nagpapahanap ang amo natin ng magkukunwaring girlfriend nya sa kanilang family event...may nahanap naman akong model mula sa ibang bansa...pero ininjan ako!" Napakamot ito ng noo "Kapag walang sumulpot na girlfriend mamaya, tiyak patay ako kay boss!" Lumapit ito sa akin at lumuhod sa aking harap habang hawak ang aking mga kamay "S-ser, wag naman kayong lumuhod---" "Tessa, sige na, tulungan mo muna ako dito...isipin mo na lang, tinutulungan lang natin ang ating amo...ayaw mo ba nun, kahit isang gabi makakasama mo na sa wakas si Sir William?" "At malaki ang bayad dito Tessa...isipin mo ang pamilya mo," Nag aagam agam ang aking isip at kalooban. Syempre, gusto kong makasama at matulungan si Babe... at kailangan ko rin ng pera para matustusan ang gastusin ng aking pamilya....pero paano kapag nabisto nya kami ni Ser Cortes? Baka hindi lang ako mawalan ng trabaho... sa yaman at impluwensya ng kanyang pamilya ay tiyak lagot kami ni Ser Cortes! "P-paano kung mabisto tayo Ser?" tanong ko Umiling ito, "Hindi tayo, mabibisto Tessa. Ako'ng bahala!" "Basta magpanggap ka lang na girlfriend mamayang gabi, tapos na yun!" "T-talaga Ser?" "Oo, Tessa. Parang awa mo na, tulungan mo muna ako ngayon!" pagsusumamo nito Gulung gulo ang aking isip at kalooban. Napapikit ako at umiling, "Bahala na nga! Sige Ser, paano ba ang gagawin ko mamaya?" Biglang umaliwalas ang mukha nito, "T-talaga Tessa? Pumapayag ka na?" kumapit ito sa magkabila kong balikat Tumango ako, "Oo, Ser. Basta, siguruhin nyong hindi tayo mabibisto ni Babe. Kailangan ko po ang trabahong ito...natatakot ako sa pwedeng mangyari sa atin kapag nabisto tayo," Agad ako nitong niyakap at hinila ako upang tumayo. Saka ito nagtatalon. "Tessa, salamat! Salamat!" "S-ser, tama na," masyadong mahigpit ang yakap nito sa akin at halos hindi ako makahinga. Pinilit kong makawala dito "Ay! Pasensya na," Nahihiya itong tumawa at napakamot ng ulo "Basta Tessa, h'wag kang mag alala, akong bahala....Hindi tayo mabibisto ni Sir William," "Sige Ser," sumusuko kong pagsang ayon "Halika na, at kailangan pa nating maghanap ng damit na susuutin mo para sa event at para maayusan ka," tumalikod na ito upang umalis "T-teka Ser, paano yung mga naiwan kong trabaho dito?" "Hayst, Tessa! H'wag mo munang isipin yang mga lilinisin mo! Ang priority natin ay itongpagkukunwari mo," mariin nitong sabi Hinugasan ko muna ang aming pinagkainan. Matapos siguruhing maayos ang condo ay agad kong kinuha ang body bag at sumama kay Ser Cortes paalis. Una kaming dumiretso sa isang tindahan ng gown. Pagkapasok sa shop ay nahumaling ang aking mga mata sa ganda ng mga damit. Napaka elegante at de kalidad ang mga ito. Base sa itsura ng lugar at kalidad ng mga damit ay tiyak mga mayayaman lang ang nagpupunta dito kaya naiilang tuloy akong pumasok. "Fred! Welcome, dear!" bati ng baklang designer "Good afternoon po!" bati naman ni Ser Cortes Bumaling naman sa akin ang designer, "Oh, we have a beautiful lady here! Anong pangalan mo, Hija?" Lumingon sa akin si Ser Cortes at sumenyas upang lumapit ako sa kanila Sumunod ako sa kanya at nahihiyang bumati, "Good afternoon po, Ma'am. Tessa po," "Napakagalang mo naman, Hija. I like you!" "Ay, salamat po ma'am," nahihiya ko pa ring tugon "Madame, kailangan po namin ng gown para sa masquerade ball mamaya," "S-so, sya ang bagong 'girlfriend' ni William mamaya?" taka nitong tanong Tumango si Ser Cortes, "Yes, Madame," "Aba, pang ilang 'girlfriend' na ba ito na ipapakilala nya sa lolo nya?" Natawa na lamang si Ser Cortes habang napakamot ito ng ulo Muling bumaling sa akin ang designer, "Alam mo Hija, maganda at matangkad ka. Kung aayusan ka ay tiyak para ka nang modelo!" "Ay, salamat po ma'am," nag init ang aking pisngi sa komplimento nito "Oh sya, halika na Hija at ako nang bahala sa 'yo. Gagawin kitang star of the night!" Napangiti na lamang ako at sumunod dito. Nagtungo kami sa dressing room kung saan ako sinukatan. Pagkatapos ay dumating ang hair and make up artist at sinimulan akong ayusan. Nang matapos ito ay dumating naman ang mga assistant ng designer dala ang gown na aking susuutin. Tinulungan nila ako hanggang sa maisuot ito. "Perfect!" nakangiting sambit ng designer habang pumalakpak ito Pinagmasdan ko ang babaeng nasa salamin. Halos hindi ko nakilala ang aking sarili. Hindi ako makapaniwala na mararanasan ko ito kahit sa isang gabi lang. Suot ko ang isang black off shoulder gown. Tamang tama lang ang bagsak nito at pinalutang ang natural na kurba ng aking katawan. Simple lamang ang aking make up ngunit pinalutang nito ang aking ganda. Ang aking buhok naman ay nakaayos ng kung tawagin ng make up artist na chic chignon. Pinahiram din sa akin ng designer ang mga hikaw at kwintas na lalong nagpalutang sa ganda ng aking kasuotan. Ipinahiram nya rin ang clutch bag at sandals. "Ang ganda..." namamangha kong sambit "Sabi ko naman sa yo, Hija, gagawin kitang star of the night!" Dinala ako ng designer palabas ng dressing room. Nakaupo at naghihintay sa reception area si Ser Cortes nang dumating kami. Pagkakita nya sa amin ay agad itong napatayo, "T-tessa, ikaw ba yan?" "Anong masasabi mo Fred?" tanong ng designer "Ang ganda ni Tessa," namamangha nitong sambit Napangiti ako, "Salamat Ser," "Salamat ma'am," bumaling ako sa designer "Kaso...paano po pala ang bayad para sa renta nito? Pwede po bang hulug hulugan ko muna ito? Nag aalala po kasi ako dahil hindi sapat ang kinikita ko kumpara sa presyo nitong damit," Agad sumuntok sa akin ang realidad Natawa naman si Ser Cortes, "Tessa, h'wag kang mag alala sa babayaran kay Madame. Sagot na yan ni Sir William," Nakahinga ako nang maluwag. "Kailan ba magtitino si William? Puro na lang fake girlfriends ang ipinapakilala nya sa lolo nya?" sambit ng designer "Anyway, basta ang ganda mo, Hija. You're beautiful and sweet. Just be yourself," "Salamat po, ma'am," tugon ko "Salamat, Madame," sambit ni Ser Cortes Nagpaalam na rin kami at umalis na sa shop. Sakay kami ng kotse at inihatid patungo sa hotel na pagdarausan ng event. Habang palapit na kami ay tila palakas ng palakas ang t***k ng aking puso dahil sa kaba. "Tessa, basta ang pakilala mo, ikaw si Sahara Colts. Isa kang model sa ibang bansa at nasa Netherlands ang pamilya mo. Kapag pauwi ka na, itext mo ako para ipasundo kita," bilin ni Ser Cortes nang huminto na ang kotse namin sa harap ng hotel entrance. "Sya nga pala, ito ang maskara at invitation mo. ," Tumango ako at kinuha ang maskara. Saka ay isinuot ko na ito "Sige Ser," "Good luck Tessa," Tumango ako at bumaba na ng sasakyan. Dahan dahan akong naglakad paakyat ng hagdan upang hindi matapilok. Hanggang sa nakarating na ako sa harap ballroom. Ibinukas ng staff ang malaking pinto at iniluwal ang napakalawak na ballroom. Unti unti akong naglakad papasok. Iginala ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang marangya at eleganteng gayak ng lugar. Ang mga bisita ay mula sa alta de sociedad. Ang ilan sa kanila ay napapatingin sa akin. Napalunok ako at tila hindi makahinga sa labis na kaba. Tila gusto kong umatras... Hinihintay ka ni Sir William at inaasahan ang pagdating mo. Pagkapasok mo sa ballroom ay maglakad ka lang nang kaunti at manatili malapit sa pinto. Pupuntahan ka nya Akma na akong tatalikod upang lumabas muna at magpahangin nang may narinig akong boses, "Sahara!" Paglingon ko ay natagpuan ko ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng three piece black suit at maskara. Ngumiti ito at kapansin pansin ang maganda nitong biloy sa magkabilang pisngi. Lumapit ito sa akin at inilahad ang kanyang kamay, "Nice to finally meet you, I'm William,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD