Halos mag unahan ang t***k ng aking puso habang pinagmamasdan ang lalaking nasa aking harapan. Para akong timang na naestatwa sa aking kinatatayuan hanggang sa napagtanto kong nakalahad ang kanyang kamay at naghihintay na abutin ko ito.
Dahil sa pagkataranta ay wala sa loob akong humakbang palapit sa kanya. Ngunit napasinghap ako nang maapakan ko ang laylayan ng aking gown at mawalan nang balanse.
"Hey, are you alright?"
Akala ko'y tuluyan na akong mahuhulog...buti na lang at maagap nya akong nahawakan. Inangat ko ang aking paningin at halos magwala ang aking puso dahil sa iilang pulgadang pagitan ng aming mga mukha.
Pinagmasdan ko nang malapitan ang kanyang mga mata. Malalim at madilim ang mga ito tulad ng malalim na karagatan. Manipis at mapula ang kanyang mga labi. Naaamoy ko pa ang mint mula sa kanyang hininga. Ilang sandali akong tulala at tila nasa isang panaginip
"B-babe," wala sa loob kong sambit.
Unti unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha at muling lumabas ang mga pamilyar na biloy sa kanyang pisngi. Narinig ko syang tumawa,
"You're already in the role, huh?"
Agad akong natauhan. Mabilis kong inayos ang aking tayo.
"Ah...! P-pasensya po Ser!" napatungo ako
Agad nag init ang aking mga pisngi. Gusto kong sabunutan ang aking sarili sa sobrang hiya. Ano ka ba naman, Tessa!
Bahagya pa rin itong tumawa, "No worries, you're fine,"
"Shall we go ahead?" muli nitong inilahad ang kanyang kamay
Nangingimi naman akong inabot ito.
Akala ko'y maglalakad na kami ngunit bigla itong huminto. Bumaling ito sa akin,
"Your hands are cold. Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Uh, hindi naman Ser. Okay lang po---"
Nagulat na lang ako nang ipatong nya ang isa pa nyang kamay sa akin at inilapit sa kanyang mukha. Pinagsalikop nya ang kanyang mga kamay habang hawak ang akin at saka huminga. Napalunok ako nang dumampi ang kanyang mainit na hininga sa aking malamig na palad.
Pagkatapos nito ay ikiniskis nya ang kanyang mga kamay para mas mainitan ang akin
"Are you feeling better now?"
Sasagot na sana ako nang may lumapit sa amin,
"Hey, William!"
Tumango si Babe...este! Si Sir William
"And who is this beautiful lady beside you?"
Ngumiti ang huli. Naramdaman ko ang kanyang kamay na pumulupot sa aking baywang at inilapit sa kanya,
"This is Sahara, my girlfriend,"
"Oh, wow! I was worried that you haven't moved on from Analise but here you are...with this beautiful lady! Congrats, dude!"
Bumaling naman ito sa akin,
"By the way, nice to meet you, Sahara. I'm Carter," inilahad nito ang kanyang kamay
Inabot ko ito, "Nice to meet you,"
"Well then, enjoy the night lovebirds," sambit nito at umalis na
Naramdaman kong pinisil ni Sir William ang aking kamay,
"Just relax, Sahara. Don't worry, I got you," nakangiti nitong sambit
"S-salamat, Ser,"
"By the way, please stop calling me Sir. I know Fred called you for work, but we're partners in crime here," muli itong ngumiti
"S-sige po Se--...W-william,"
Ngumiti ito at nagpatuloy kami sa paglalakad habang magkasalikop ang aming mga kamay. Ipinakilala nya ako sa kanyang mga kaibigan at kakilala na dumalo sa event.
Abala sila sa pag uusap tungkol sa mga negosyo. Doon ko nalaman na isa pala syang general manager ng dalawang hotel.
Paminsan minsa'y napapasilay ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang pinagpapantasyahan kong Babe ay heto at kasama ko ngayon.
Hindi lang sya magandang lalaki, masipag at matalino pa. Feeling ko tuloy lalo akong nahuhulog sa kanya!
Nahinto lang ang aking pagpapantasya nang mapukaw ang pansin ng mga tao sa mga dumating. Naroon ang isang matandang lalaki at kasama ang isang lalaki at babae. Ang dalawa ay mas bata kumpara sa nauna ngunit may edad na rin ang mga ito.
"There's Chairman Foster," sambit ng ilan sa mga bisita
Nang makaupo na ang mga ito sa unang mesa malapit sa entablado ay isa isang lumapit ang mga negosyante upang magpakilala.
Patuloy namang nakikipag usap si Sir William nang lumapit dito si Carter,
"Dude, hinahanap ka ng lolo mo,"
"Alright, we'll be there in a while," tugon ni Sir William. Nagpaalam ito sa kausap.
"Sahara, let's go. Ipapakilala kita kay Lolo,"
Tumango ako at sumunod sa kanya. Nang makalapit na kami ay napatingin sa akin ang matandang lalaki at ang mga kasama nito,
"Lolo, happy birthday," bati ni Sir William
"Lolo, Dad, and Mom, I want you to meet Sahara," sandali itong bumaling sa akin at bumalik sa tatlo, "She's my girlfriend,"
Seryoso ang lolo ni Sir William habang tahimik akong pinagmamasdan. Bilang paggalang ay lumapit ako at yumukod. Hiningi ko ang kamay nito upang magmano,
"Happy birthday po, Chairman,"
Sandali itong natigilan ngunit ibinigay din ang kanyang kamay at pinagmano ako
"Salamat, Hija,"
Ngumiti ako dito. Bumaling naman ako sa mga magulang ni Sir William,
"Good evening po, ma'am, sir,"
"Nice to meet you, Hija," tugon ni Mrs Foster
"Welcome to our family event. Enjoy the night, Hija," sambit ni Mr Foster
"Salamat po,"
Tumikhim naman ang isang ginang na lumapit sa amin, "Oh, William, for the nth time, you brought a lady here in our family event,"
"Aunt, this is Sahara, my girlfriend,"
Bahagya naman itong tumawa,
"For sure, William. Pang ilan na ba syang girlfriend na ipinakilala mo?"
"Estelle, can you please stop? Nakakahiya kay Sahara," saway ng tatay ni Sir William
Ngunit binalewala ito ng una,
"So Hija, where do you come from and what do you do for a living?"
"Ma'am, nasa Netherlands po ang pamilya ko,"
Mahigpit ang bilin sa akin ni Mr Cortes sa aking pakilala...ngunit wala naman akong alam sa pagmomodelo
"Pero nagtatrabaho ako dito sa isang coffee shop sa Manila,"
"Oh? Interesting... you work as a barista, as a waitress?"
"Tumutulong po ako sa lahat ng gawain sa coffee shop...mula sa paggawa ng orders hanggang sa pagsisilbi sa mga customers,"
"William, you used to date high profile women...I didn't expect you're now interested with a simple coffee shop girl. Are you just trying to find a rebound from your ex?" pang uuyam nito
"Stop belittling my girlfriend, Aunt," mariing sagot ni Sir William. Mas humigpit ang hawak nito sa aking kamay
"Sahara is different. She knows what she wants to do and she does it with passion. That's what makes her special,"
"So if you will excuse us..." dagdag nito. Paalis na kami nang may lumapit kay Chairman,
"Happy birthday, Lolo!" bati ng isang lalaki. Ang kasama nitong babae ay nakatingin sa amin...lalo na kay Sir William. Napansin kong bahagyang natigilan si Sir William at nag igting ang kanyang panga
"Matthew, anak! Mabuti naman at sinama mo si Analise!" sambit ni Estelle
"Nice to meet you, Chairman," sambit ni Analise
"Dad, Analise has just finished her successful ballet show in London," sambit ni Estelle
"No wonder a successful girl like her will date my son," sandali itong bumaling kay Sir William, "Matthew who is the SVP for Marketing Operations of our mall chains, and who's obviously more fit to be the next President of Foster Group,"
"Unlike someone who only manages hotels,"
Ramdam ang tensyon sa paligid
"Lolo, I brought you a gift," inabot ni Matthew ang isang maliit na kahon, "It's an expensive tea set from China,"
"Nagawa mo pang gumastos para sa isang tea set, habang bagsak ang sales ng isang branch ng mall na hinahawakan mo!"
Tila namutla naman ang mag ina
"Lo, the team is working to fix the issue,"
Hindi na umimik si Chairman at sumenyas na tila pinapaalis sina Matthew. Samantala, agad na lumapit sa amin ang ina ni Sir William,
"William, Sahara, maupo na muna kayo sa inyong table,"
Bumaling ito sa akin,
"Hija, pasensya na sa nangyari kanina,"
Umiling ako at ngumiti, "Ayos lang po ako, ma'am,"
Hinatid ako ni Sir William sa aming table,
"Pasensya na sa mga sinabi ni Estelle,"
"Okay lang," tugon ko
"Dude, may mga negosyanteng gustong makausap ka," muling lumapit si Carter
"Gusto mo bang sumama?" tanong ni Sir William
Umiling ako, "Dito na lang muna ako,"
Tumango ito, "Babalik ako agad,"
Tumayo na ito at sumama kay Carter. Samantala, nagpasya akong tumayo muna at nagpunta sa spread ng mga appetizers. Kasalukuyan akong kumukuha ng juice at ng mga maliliit na sandwich at pastries nang may lumapit sa akin,
"So you're Sahara, William's new girlfriend,"
Inangat ko ang aking tingin at natagpuan si Analise
"I'm Analise, nice to meet you," inilahad nito ang kamay
Inabot ko naman ito at nakipagkamay, "Nice to meet you, Analise,"
"So, saan kayo nagkakilala ni William?"
Tila natigilan naman ako,
"Uh... sa coffee shop. Naging customer kasi sya sa coffee shop," palusot ko
"Hmmm, I didn't know William now likes hanging out in coffee shops... we used to hang out in fancy restaurants and bars when we were still together,"
Napatingin ako sa kanya. Sya pala ang naging girlfriend ni Sir William?
"Oh, I hope you didn't mind what I said. It's just that, William and I had a special bond... and we'll still hold a special spot in each other,"
Grabe din ang babaeng ito. Special bond? Eh bakit mo pinagpalit si Babe sa pinsan nya? Di maka move on, 'Te?
"Ang importante naman ay masaya si William ngayon... I hope na masaya ka rin sa piling ni Matthew,"
Bahagyang nag igting ang panga nito
"Mauna na 'ko," paalam ko at bumalik na sa aming table.
Hindi nagtagal at nagsimula na ang programa. Magkatabi kami ni Sir William at kasama namin sa mesa ang iba nyang kaibigan.
Tinawag ng emcee si Chairman para sa panimula nitong mensahe. Umakyat ang huli at nagsimulang magsalita,
"Good evening, everyone," bati nito
"Lubos akong nagpapasalamat sa pagdalo ninyo sa aking kaarawan. Bukod sa aking espesyal na araw ay nais ko ring pasalamatan ang lahat ng bumubuo ng Foster Group at ang mga investor,"
"Tulad ng alam nyo, ang aking anak na si Andrew ang tumatayong CEO at President. Sa lalong madaling panahon ay iaanunsyo ko ang papalit bilang President ng kumpanya. Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan sa mga parating na pagbabago upang mas umunlad at tumatag ang kumpanya,"
Nagpalakpakan ang mga bisita at nagpatuloy ang programa. Nagsimula na ring ihain ang mga pagkain at inumin.
Nang ihain ang steak ay medyo nailang pa ako dahil first time kong makakain nito. Ngunit laking gulat ko nang ilagay ni Sir William ang mga hiniwa nyang karne sa aking plato at saka kinuha ang akin na wala pang hiwa
"S-ser, salamat," mahina kong sambit
"Di ba sinabi kong h'wag mo kong tawaging Sir,"
Nahihiya akong tumawa, "Ay, sorry,"
Magkasama kaming kumain ng hapunan ni Sir William. May banda rin na tumutugtog at umaawit kaya naman naging masigla ang paligid.
Nang matapos sa dinner ay tumayo muna ako upang kumuha sana ng kape. Ngunit napukaw ang aking pansin mula sa ingay galing sa kusina. Lumapit ako dito,
"Anong nangyari sa cake?! Bakit nasira!" singhal ni Mrs Foster
"I don't know, Madame! Sigurado akong maayos yan nung iniwan namin sa staging room pero pagbalik ko...sira na!" sambit ng head pastry chef
"Pano na yan?! Anong cake ang dadalhin natin sa stage mamaya? Ilang minuto na lang ang natitira bago ang cake at wine toast!" problemado si Mrs Foster
"Uh, Mrs Foster," sambit ko
"Sahara, anong ginagawa mo dito?"
"Narinig ko po kasi ang pinag uusapan nyo tungkol sa cake... nais ko po sanang tumulong,"
"Hija, did you know that I'm one of the top pastry chef dito sa Manila? I don't think you can recreate my work of art!"
"Sahara, anong naiisip mong solusyon?"
"Ma'am, dahil kulang na tayo sa oras, bakit hindi na lang tayo gumawa ng cake pops mula sa nasirang cake. At least mas madaling makakain ni Chairman at ng mga bisita,"
"Cake pops?! Nakikita mo ba kung gaano kaelegante ang three tier cake na ginawa ko?! Tapos gagawin mo lang na cake pops?!" singhal ng pastry chef
"Chef Jaimie, ako pa rin ang masusunod dito. Sahara, please lead the team kung anong gagawin," sambit ni Mrs Foster
Umismid na lamang ang pastry chef at umalis
"Sahara, kasama mo ang aking anak na si Alicia. Tutulungan ka nya,"
"Hi, Sahara!" bati nito
"Salamat Mrs Foster at Alicia,"
Hindi na kami nag aksaya ng oras. Nagtulung tulong kami kasama ang iba pang mga assistant chef upang gumawa ng cake pops. Isinawsaw ang mga maliliit na cake sa Belgian chocolate ganache kaya bukod sa masarap ay elegante ang itsura ng mga ito.
Matapos ang isang oras ay nagset na ang mga ito sa ref. Inayos namin ito na nagmistulang three tier cake na gawa mula sa mga maliliit na cake.
Matapos ang ilang sandali ay inilabas ng isang server ang cake at iprinisenta sa harap ng madla. Mula sa isang tabi ay pinagmasdan ko ang masayang mukha ni Chairman at ng kanyang pamilya. Hindi ko maiwasang mangarap na maiparanas din ito sa aking pamilya.
Tumingin ako sa aking relo at alas dyes na ng gabi. Muli akong sumilay kay Sir William at itinatak ito sa aking alaala. Kahit na ngayong gabi ko lang sya nakasama at hindi na rin kami magkikita, masaya pa rin ako sa pagkakataong ito. Masaya na akong pagsilbihan sya kahit hindi nya ako kilala.
Tahimik akong dumaan patungo sa pinto ng ballroom at lumabas na upang umuwi