TALA Inilibot ko ang mata ko sa loob ng unit ni Thaddeus. Napakasimple lang niyon at halos walang disenyo sa paligid. Kulay itim at puti ang kulay at walang gamit maliban sa TV. May mahabang sofa rin at sa dining area ay may lamesa at upuan na parang pandalawang tao lang. Naglakad ako papunta ng kitchen at ang naroon ay tanging rice cooker. Binuksan ko rin ang refregirator at ang tanging laman ay isang litrong bawas na tubig. Napanguso ako dahil may leftover food na cup noodles din ang naroon at mukhang iyon lamng ang kaniyang madalas na kinakain. Nagpasya akong bumalik sa living room at nakita siyang nakaseryoso ang tinging pinupukol sa akin. "You'll stay here for a while," saad ni Thaddeus at ibinaba ang aking maleta. "Okay," tipid na sagot ko at umupo sa isang mahabang itim na s

