It’s just a simple party. It won’t hurt to be there, right? Umiiral na naman ang pagiging anti-social ko. Naiisip ko pa lang kasi na kailangan kong makihalubilo sa maraming tao ay parang nauubos na agad ang lakas ko. Idagdag pa rito ang pabor ni Ms. Rina sa akin. Kailangan ko pa ring gumawa ng paraan para mapaglapit sila ni PJ. Kaya sino ba namang hindi mapapagod? Parang gusto ko na lang hindi umalis ngayong gabi. Magtulug-tulugan na lang kaya ako? O ‘di kaya’y magpanggap na may sakit? Syempre hindi uubra kay PJ ang mga naiisip ko. Paniguradong gagawin niya ang lahat para gisingin ako. Kapag nagsabi naman akong masama ang pakiramdam ko, isusugod niya agad ako sa ospital kaya malalaman din ang totoo. I guess I really need to show up to this party. Lalo na’t nag abala pa si Sunny tulu

