“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ni PJ. Titig na titig siya sa mukha kong hindi maipinta. Humalukipkip naman ako at sumibangot. “I said I quit,” mariin ang bigkas ko sa bawat salita. “Pero unang araw pa lang--” “Oo at ayaw ko na,” pagmamatigas ko pa. Nasa gitna pa rin kami ng field ng university. Nakita ko ang mga estudyanteng tulad ko ay pauwi na. Pumait lang ang panlasa ko nang makita kong nagagawa pa nilang magtawanan na para bang sobrang saya ng first day nila. Tuloy ay yumuko ako at sinipa ang d**o sa sahig, animo ito ang may kasalanan kung bakit wala ako sa mood. “Umuwi na tayo,” paghihimutok ko. Ayon lang ay marahan akong hinawakan ni PJ sa magkabilang braso at iniharap sa kanya. Napatingala ako at bahagya siyang yumuko para kahit papaano ay maging magkalebel ang mukha nami

