Akala ko wala nang pag-asa pang makapagtrabaho ako sa isang coffee shop katulad ng nakasulat sa bucket list. Kaya naman sobrang saya ko nang mabigyan ako ng pagkakataong makapag test man lang sa Cup of Twist. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung paano magtrabaho sa food industry, let alone in a coffee shop, pero naniniwala akong lahat naman ng bagay ay natututunan. Dahil alam kong hindi ko maaabala ang ibang waiter ng café sa mga oras na ito, ginawa ko na lang ang tingin kong dapat. Nilinis ko ang mga nagkalat na basag na baso at plato sa sahig. Pagkatapos ay tumulong ako sa pagdadala ng mga orders sa lamesa ng customers. Kinailangan kong mag take down notes para hindi ako magkamali. And I think I was not that bad at this job. I’ve watched some films before na nagtatrabaho s

