“Guys, Iaree is a family friend. Parang kapatid na namin siya.” Ito ang naging pagpapakilala ni Reign sa akin. Naging tikom naman ang bibig ko at tipid lang na ngumiti. PJ already knew about my tattoo. And he brought me here to rub it in my face. “Si Iaree pala talaga ang kasama mo sa pinost mong picture? Akala ko kamukha lang niya,” sabi ni Kuya MJ kay Sunny. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil dito. “May pinost siya?” takang-takang tanong ko. Kung oo’y posibleng nakita ito ni PJ kaya nalaman niya kung nasaan ako noong gabing iniligtas niya ‘ko! Bakit nga ba hindi ko natanong kung paano niya ako nahanap? Inakala kong may tracker na naman kasi siyang inilagay sa akin. Inakbayan naman ako ni Sunny na para bang proud na proud siyang nagkita ulit kami. “Oo siya nga ‘yun! Takot na t

