Chapter Six

1569 Words
"TIME of death." Tumingin si Ice sa wristwatch niya."10:32 AM," halos pabulong na sabi niya saka napatiim-bagang upang labanan ang nararamdamang lungkot. Lumabas siya ng Cardiac Care Unit at kaagad siyang sinalubong ng dalawang anak ng pasyente. "I'm sorry, we did everything..." nabitin niya ang sasabihin nang bigla ay pumalahaw ng iyak ang mga ito sa harap niya. Mabigat ang naging pagbuntong-hininga niya. "Nakikiramay po ako," halos paanas na sabi niya at nag-aalangan pang tinalikuran ang mga ito. Bagsak ang balikat na naglakad siya sa pasilyo ng ospital. Nakatitig siya sa sahig habang lumalakad. Napakabigat ng loob niya. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na mayroong pasyente na binawian ng buhay sa ilalim ng kaniyang pangangalaga, pero napakahirap pa rin tanggapin para sa kaniya. Sapagkat para sa kaniya, bawat hiningang nalalagot sa mga kamay niya ay isang kabiguan. Napahinto siya sa paglakad nang may bultong masagi. "D-Doc!?" si Tawny, bakas sa mukha ang pagkabigla nang makita siya. Naalala niya na follow up check up nga pala nito nang araw na iyan. Hindi siya nagsalita bagkus ay nilampasan ito. Hindi ito kaagad kumibo pero kapagkuwa'y pumihit at nilingon siya. Makikita sa mukha nito ang pagnanais na sundan siya pero matindi ang naging pagpipigil nito sa sarili at nagkasyang ihatid na lang siya ng tingin. ••• "ANO ba? Papanoorin ninyo na lang ba na mamatay ang kapatid ko bago lapatan ng lunas?!" galit at umiiyak na tanong ng babae sa doktor na naroon sa emergency room matapos na mapansing dinaraan-daanan lang ang mga ito ng mga doctors at nurses doon. Lumapit ang isang doktor at binigyan ng paunang lunas ang kapatid nito dahil na rin sa pag-iingay nito, pero matapos noon ay napamaang pa ito nang abutan ng doktor ng kapirasong papel. Tiningnan nito iyon at binasa, para iyon sa admission fee. "Ano? Paunang lunas pa nga lang ang ibinigay ninyo sa kapatid ko eh, tapos may pera na kaagad kayong hinihingi?!" reklamo nito sa doktor. "Kailangan mo pong magbayad ng admission fee sa admission section para sa kuwarto, para mai-admit ang iyong kapatid. Implemented iyon sa ospital na ito, kung gusto ninyo, ipinapayo ko na lumipat na lang kayo sa pampublikong ospital," sabi ng doktor, binigyan nito ng diin ang huling sinabi. Nanggigil ang babaeng ito sa sinabi nito at akmang babayuhin ng suntok sa mukha ang doktor. "What's going on here?" Natigilan ang babae at napatingin sa doktor na bagong dating, si Doctor Ice. "Doctor Sandoval, tinatanong kita," turan ni Ice na sinabayan ng paghakbang palapit sa mga ito. Hindi pa nga siya nakakamove-on sa pagkamatay ng pasyente niya kanina pero heto at may babawian pa yata ng buhay sa pagpapatumpik-tumpik ng isa sa mga doktor nila. Kaagad na lumapit sa kaniya ang babae at padabog na ibinigay ang hawak nito na kapirasong papel. "Inuuna pa niya iyan kaysa sa buhay ng kapatid ko!" umiiyak at galit na sabi nito. Nanlaki ang mata niya at napatingin sa pasyenteng nakahiga sa stretcher at kaagad itong nilapitan. Mabilis siyang kumilos para tingnan ang vital signs nito. "Doctor Ice. Hindi mo dapat—" "Will you please shut up?!" galit na saway niya sa doktor na gusto pa sana siyang pigilan. Pinagpatuloy niya ang ginagawa at inignora ang tingin ng mga kasama doon. "Kailangan ko ng tulong dito!" sigaw niya nang malamang seryoso ang kalagayan ng pasyenteng ito. Kaagad na lumapit ang isa sa mga ER doctors na naroon pati na rin ang ilan sa mga nurses. "Kailangan ko ng kuwarto. I-admit siya, ngayon mismo," maawtoridad niyang utos sa mga ito. ••• "MARAMING salamat po, Doctor Ice. Naikuwento po ng pinsan ko ang ginawa mo para lang mailigtas ang buhay niya. Tapos ngayon ay pumayag kayo na mag-partial lang kami sa bill namin dito para lang mailipat ang pinsan ko sa public hospital gaya ng gusto namin," maluhang-luhang sabi ng bantay ng pasyente nang sadyain ito sa ICU. Sila raw ang pinakamalapit na ospital sa lokasyon ng mga ito kaya mas pinili na doon dalahin ang kapatid ng pinsan nitong si Ro-Anne na siyang nadatnan niyang nakikipagtalo sa doktor para sa buhay ng kapatid. "Marami pa'ng examination ang kailangang isagawa sa iyong pinsan para matukoy kung saan nagmumula ang dinaranas niyang severe dizziness at biglaang pangingisay..." binitin niya ang sasabihin. Nagdesisyon na ang mga ito na ilipat sa public hospital ang pasyente dahil hindi kakayanin ng mga ito ang magiging gastusin doon sa ospital nila. "Ayos na po, Doc. Malaking bagay na po ang ginawa ninyo para sa pinsan ko," nakangiting sabi nito sa kaniya. Tumango siya. "Ano'ng pangalan mo?" tanong niya. "Reign po, Doctor Ice," mabilis nitong tugon. Muli siyang tumango. "Reign, it's my job to provide relief to sick people. Sana, kapalit ng naging desisyon ninyo ay ang tuluyang paggaling ng iyong pinsan." Tinapik niya ito ng marahan sa balikat bago ito iniwan. Nakangiti itong sinundan siya ng tingin bago lumakad patungo sa pharmacy para bumili ng kailangan pang gamot para sa pinsan nito bago pa ilabas sa ospital nila. ••• NAPAHINTO si Dominic sa paglakad sa pasilyo ng ospital nang makita ang pamilyar na mukha sa kaniyang daraanan, si Reign. Naroon siya para kumonsulta sa doktor niya dahil sa nadarama na bahagyang pagkahilo. Nakita rin siya ni Reign at tila itinulos ito sa kinatatayuan dahil marahil hindi nito inaasahan na makikita pa siyang muli. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa matapat dito. Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng lakas ng loob nang hawakan siya sa kaliwang braso. Lumingon siya rito at kaagad na nagtama ang mga paningin nila, hindi niya itinago sa mga mata niya ang galit at panunuya rito. "Let go of me," madiing sabi niya at nagsaltik pa ang mga bagang. Para itong binuhusan ng malamig na tubig. "D-Dominic?" Bumaba ang tingin nito sa kamay na noon ay nakahawak pa rin sa braso niya para lang matigilan nang makita ang relo na suot niya. Binawi niya ang braso sa dalaga at nagpatuloy sa paglakad. "Dominic, sandali." Sumunod ito sa kaniya. Binilisan niya ang paghakbang pero pinilit siya nitong sabayan. "Ikaw pa ba ang galit!?" paasik na tanong nito sa kaniya. "Ano ba dapat ang maging reaksyon ko?" balik tanong dito. Inis na hinawakan siya nito muli sa braso pero mabilis niyang hinawi ang kamay nito, marahas ang kilos niya kaya muntik na itong mapasalampak. Kaagad siyang huminto sa paglakad hindi dahil inalala ito kun'di sa kaniyang pagkahilo. Sinapo niya ang noo, nawalan siya ng balanse at unti-unting napahilig. Maagap na nakalapit si Reign at sinikap na saluhin siya bago pa bumagsak nang tuluyan. Hindi nito alintana ang bigat niya dahil sa labis na pag-aalala. "Dominic!" narinig pa niyang tawag nito sa kaniya bago pa siya mawalan ng ulirat. Mabuti na lang at may mga nurse na nakapansin kaagad sa kanila at mabilis na dinaluhan sila. ••• NAPAKURAP pa si Ice nang pagbagsakan siya ng files sa harapan niya ng hospital CEO nila na si Doc. Ian. Ito ang kaniyang ama at nagmamay-ari sa Villaverde Medical Hospital. Ipinatawag siya nito sa opisina upang kausapin. "You violated hospital regulations at hindi ko iyon nagustuhan!" mataas ang boses na simula nito. Matalim ang tingin nito sa kaniya at halos manginig sa galit. "This is a private hospital, nakalimutan mo ba?" Lumakad ito palapit sa kaniya. "Do you really think na kaya mo na akong tapatan ngayon?!" nang-uuyam sa galit na tanong pa nito. "Mr. CEO, which violation did I commit?" tanong niya sa pantay na tono imbes na tugunin ang tanong nito. "Ito ba 'yung ginawa kong pagtupad sa tungkulin bilang isang doktor? Ang magsalba ng buhay ng isang taong nasa bingit ng kamatayan?" Inangatan siya nito ng mga kilay at maanghang na ngumisi ngunit hindi nagsalita. "It's not just about the money," pagpapatuloy niya. "Tungkol ito sa buhay ng isang pasyente na nasa bingit ng kamatayan. Nangingisay 'yong patient, mas gusto mo ba na panoorin ko na lang siyang mamatay dahil lang wala siyang pera?!" pagalit na tanong niya sa ama. "Estupido!" malutong nitong wika, nagbabaga sa galit ang mga matang nakatitig sa kaniya. Nagsaltik ang mga bagang niya at naikuyom ang mga kamao kasabay ang pamamasa ng kaniyang mga mata. "How far can you go against me, Ice? Are you just going to live my life hard for me? Palagi kang taliwas sa mga nais ko para sa'yo kaya hindi nagbago ang estado mo sa buhay," panenermon nito habang palakad-lakad sa harap niya. "Dito sa mundo, nothing is more important than money, kapag wala kang pera, you have no life, wala kang kuwenta. So, before you do something, make sure na mabubuhay ka...you must live. Utak ang paganahin mo hindi puro puso. Kaya ka ginagago eh!" sabi nito na sinabayan pa ng pagduro sa kaniyang dibdib. Nagliyab sa galit ang kaniyang dibdib matapos marinig ang sinabi nito. "Hindi mo ako kagaya!" galit na sabi niya sa pagmumukha ng kaniyang ama. Nabiling ang kaniyang mukha nang dumapo ang kamao nito sa kaliwang gilid ng labi niya. Muntik pa siyang mabuwal, mabuti na lang at naagapan niya ang balanse ng kaniyang katawan. Tiningnan niya ng matalim ang kaniyang ama ngunit hindi nagsalita pa. "Ayusin mo ang buhay mo, Ice," mariing sabi nito. "Layas!" tapos ay pabulyaw na pagtataboy sa kaniya habang nakaturo sa nakapinid na pinto. Pinunas niya ng kaniyang hinlalaki ang bahid ng dugo sa gilid ng labi niya, tinalikuran ito at nilisan ang opisina nito ng walang imik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD