Nakakainis 'yong pipilitin kang umattend sa party tapos hahayaan ka namang pumunta mag-isa.
Nag-aalangan si KC dahil unang-una, hindi siya sanay sa party. Pangalawa, bihis pa lang ng mga ibang bisitang wala naman siyang kakilala ay nagmukha na siyang katulong. Pangatlo, 'yong inaasahan niyang sasamahan siya ay 'di niya macontact!
'Alex naman!' Bulong niya sa sarili habang hinahanap ang kaibigan.
Nakailang ikot din siya pero 'di niya makita si Alex. Nagmukha na nga siyang nawawalang bata na hinahanap ang ina. Kaya nagpasya na lang siyang pumunta muna sa restroom. Pagbalik niya at 'di pa rin niya makita ang kaibigan, swear, uuwi na talaga siya.
Nagsasalamin siya nang mapansin niyang baliktad ang pendat ng kwintas niya, nakatalikod iyon. So she took it off at aayusin sana nang tumunog ang phone niya. She hurriedly put the necklace inside her purse and took her phone.
"Alex! Kanina pa ako rito!" Maktol niya kaagad.
"Sorry, KC. Papa talked to me kanina. Kaya 'di ko rin nasasagot mga texts at calls mo... Are you mad? Where are you right now?"
"Hmp. Heto nagtago na ko rito sa restroom..."
"Come out na. I'll wait for you." Alex assured her kaya agad na rin siyang lumabas. "OMG KC! You are very beautiful!" Puri ng kaibigan niya nang makita siya nito.
"Bola. Palibhasa pinaghanap ako,"ismid niya.
"Of course not! Hindi ako magtataka kung dito mo makikilala si Mr. Right. There are lots of single rich guys here. And I'm sure, they are all gonna love to know you!"
"Ewan ko sa'yo." Nakita na niya si Mr. Right. Hindi pa nga lang ito nagtatapat sa kanya. But she's sure that Francis would tell her he loves her soon.
Hinatak siya ni Alex papunta sa crowd and started introducing her around.
"Alex, 'asaan na 'yong fiance mo? Siya ang gusto kong makilala."
"Hay naku, ayon kausap pa rin ni Papa."
Sa dinami-rami ng pinakilala sa kanya ni Alex ay wala siyang matandaan. Paano, single nga ang mga ito pero hindi naman available. S in civil status lang pala. 'Yong mga mangilan-ngilan namang single and ready to mingle ay 'di niya type.
"Mukhang nagtatagal na ang usapan nila Papa. Puro sila trabaho. Meanwhile, would you like to meet tita Casey first?" Alex asked.
"Sino naman 'yon?"
"Papa's wife. The birthday celebrant. After all these years, hindi ko inexpect na hindi siya galit sa'kin."
"It's okay. 'Wag na siguro..." Naupo na siya. Her legs were tired.
"Oh! There's Francis!" Lumaki ang ngiti ni Alex habang nakatingin sa gawing likuran niya. Ealang dudang sobrang in love sa fiance nito ang kaibigan niya. "Babe, I thought hindi ka na pakakawalan ni Papa." Sumalubong na ito.
With a smile on her face, KC turned to see her best friend's one and only love. Yet, when she finally saw his face, she wished he wasn't true.
Pakiramdam ni KC tumigil ang pagtibok ng puso niya. Para niyang nakitang bumagsak ang mga pangarap niya sa mismong harapan niya.
Bigla siyang naipit sa dalawang nag-uumpugang mga bato na kahit gusto niyang tumakbo, hindi niya pwedeng takasan ang katotohanan.
"Babe, I want you to meet KC. My best friend." Pakilala ni Alex pagkatapos nitong halikan sa labi ang fiance nito na siya ring lalaking may ilang panahon nang pinapangarap niyang mahalikan at mayakap... Alexandra's Francis is also her Francis... "KC, finally. This is Francis. The man I am going to marry."
Hindi niya malaman kung paano magrereact. Her heart broke that very moment.
"Fran-" but she managed to extend her hand for a handshake. She quickly pasted a sweet smile on her lips kahit na ang totoo, parang mamamatay siya sa sakit.
"KC," parang kinakapa pa ng binata sa memorya nito kung saan siya nito nakita and when it hit him, rumehistro ang pagkasorpresa sa gwapong mukha nito. "It's you!" Hindi ito nakipagkamay, bagkus ay niyakap siya nito- nang mahigpit.
"Well.... yeah." Niyakap siya ni Francis, gusto niyang umiyak. "Nice to finally meet you - again"
"You know each other?" Nagtataka si Alex na kahit itago nito ang pagkagulat sa naging gesture ni Francis ay hindi ito nagtagumpay. Halata ang disgusto sa mukha nito sa pagyakap ni Francis kay KC.
"Yeah. I mean, we're friends," si Francis ang sumagot. Tila hindi rin nito narealize na nakasimangot na si Alex. "You're gorgeous tonight, KC. As in I almost didn't recognize you."
"Whoa, and here I am very eager to introduce you to each other. 'Yon pala magkakilala na kayo." Alex pouted.
"It wasn't very long ago when we met. And we don't really see each other much," paliwanag ni KC na para bang nagi-guilty siya. Why, fiance pala nito ang pinapangarap niyang mahalin!
"Hmmn," nagtatampo pa rin si Alex.
"I actually invited KC here too... But she turned me down," kwento pa ni Francis. "I'm happy to see you here, KC. And knowing na ikaw pala ang laging kasama ni Alex, I do not need to worry about her anymore." He put his arms around Alex protectively. A gesture that showed how much he loves his fiancee.
Nalusaw na rin ang tampo ni Alex dahil lumingkis na ito kay Francis. And KC thought she couldn't stand seeing that.
"Excuse me. I need to go to the restroom," she excused herself. Tears threathening to fall from her eyes any moment.
"Sure!"
*****
"Francis, may I have a word with you please?"
Francis was surprised to see Katrina's horrified face. Ni hindi nito pinansin si Alex na karaniwang sinusungitan nito everytime na magkukrus ang mga landas nila.
"Of course, Kat." Aniya tapos binalingan si Alex. "Excuse us."
Hinila siya ni Katrina sa 'di kalayuan. Still wearing the same horrible face.
"Take a look at this." With trembling hands, she showed him a necklace, the one she'd been wearing since childhood.
"It's your necklace... What's the problem?"
"It's not mine," she showed him the other one she was wearing. "Charlize is here."
Ang alam lang niya, dalawa ang kwintas na ang pendat ay ukit mula sa mga initials nina Katrina at Charlize na sulat kamay nilang magkapatid noon.
But Charlize died a long time ago. She couldn't be at the party.
"She is here, Francis! My sister's here!" Nanginginig at umiiyak na sabi ni Katrina.
"Where did you get this?" He tried to calm her down.
"Sa restroom, nasa sahig. Nahulog siguro ni Charlize... Let's find her, please, Francis."
"Kat, calm down." Niyakap na lang niya ito. "Impossible, okay? Charlize is already dead. It couldn't be her."
"No... I couldn't be wrong. This necklace looks so much like mine! Papa told me na kami lang ni Charlize ang may ganito. Besides, we never found her necklace, 'di ba?"
"Nasunog siya, Kat." Naaalala niya na wala ngang kwintas sa sunog na bangkay ni Charlize noon pero importante pa ba iyon noon?
"Did we verify it was her?"
"Okay, I don't know. We were just kids then. Besides, we burried her. We both saw what happened. So, Charlize couldn't be here."
"I know, but I have a strange feeling about this. I must see the owner of this necklace." Katrina turned to go. "Don't tell anyone about this yet."
*****
Malapit na sa bahay si KC nang mapansin niyang hindi niya suot ang kwintas niya. Paano kasi, kanina pa siya busy sa pag-eemote.
Durog na durog ang puso niya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pag-asang dumating na ang iyong Mr. Right only to find out in the end na hindi na pala ito available? Ang masakit, fiance pa ng best friend niya!
"Manong, pasensya na. May naiwan po ako." Pinabalik niya ang taxi.
Hindi na siya nakapagpaalam kay Alex dahil nahihiya siya rito kahit wala itong ideyang na-in love siya kay Francis. Tinext na lang niya ito na hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Pero mukhang makikita pa niya ulit ang mga ito dahil kailangan talaga niyang bumalik.
She couldn't lose her necklace. Sa lahat naman ng maiiwan 'yon pa talaga. It is the only thing that would connect her to her past according to her mother. Hindi sa interesado pa siya na mahanap ang pamilya niya, kasi kung gugustuhin niya, mahahanap niya ang mga ito.
Someone helped her mother financially to raise her. Hindi lang 'yon, napag-aral siya nito sa magagandang eskwelahan gayong hindi naman sila mayaman. She just saved her from trouble by not asking anything.
Nevertheless, kailangan pa rin niyang mahanap ang kwintas.
Dahil traffic, tapos na ang party nang makabalik si KC but an attendant informed her that the daughter of the celebrant had her necklace at ibinilin nito that if someone comes looking for it, she will be sent immediately to their house.
Nagtataka man ay ipinagpasalamat na lang ni KC na mababawi pa niya ang kwintas. So exhausted and all, ipinasya niyang ipagpaliban na muna ang pagkuha roon total naman ay nasa kanya na ang address.
Besides, mas may importante siyang concern. How to unlike Francis. Unlike lang kasi kanina pa niya kinukumbinse ang sarili niya that she just learned to like him and not love him. Bata pa ang nararamdaman niya at marahil ay hindi pa siya mahihirapang patayin ang anumang feelings na naumpisahan niyang maramdaman towards Francis.
Her friendship with Alex is the second most important relationship KC had next to her mother. Hindi niya ipagpapalit iyon sa kahit na sinong lalaki. Kahit pa si Francis iyon na unang kita pa lang niya ay naramdaman na niyang siyang destiny niya.
But well, maybe she was wrong.
*****
"Anak, palagay ko may bisita ka," untag sa kanya ng nanay niya habang naghihiwa sila ng mga gulay na ilulutong ulam.
"'Po?" Wala sa sariling tanong niya.
"May kumakatok, KC. Hala at buksan mo muna. Ako na ang bahala rito."
Sumilip muna siya sa bintana. Wala naman kasi siyang ini-expect na bisita. Kaya naman nagulat siya nang makitang si Francis ang nasa labas ng bahay nila.
"Ma, pakisabi wala po ako," sabi niya sa ina at mabilis na umakyat papunta sa silid niya.
"Ha? Bakit?"
No. She couldn't face Francis. Nangako na siya sa sarili niya kagabi na puputulin niya ang ano mang ugnayang meron sila ng binata.
"Anak!" Pinuntahan siya ng ina sa silid niya after a while. "Umalis na si Francis." May iniaabot ito sa kanyang bulaklak na galing umano sa binata. "May problema ba, KC?"
"Wala po, mama." Hindi niya kinuha ang bulaklak. On a different situation, baka nasinghot na niya lahat pati ang petals no'n sa sobrang pagkakilig. But she could no longer live in her own world of fantasy right now. Somebody already owns Francis' heart.
"Oh, siya. Ayusin n'yo 'yan. Hindi na ulit ako magsisinungaling para sa'yo. Maliwanag ba?"
"Opo." Para siyang batang napagalitan ng ina.
KC sighed. Mukhang mahihirapan ata ang puso niyang mag-move on. At lalo pa siyang nakumbinse na mahihirapan talaga siya nang magtext si Francis ilang sandali pagkaalis nito.
'I just want you to know that I dropped by your house today. I wanted to check on you but your mom said you were out. I hope you're already okay. Alex told me you're sick. Get well soon, KC.'
"Hay................."
*****
"KC, I need this before lunch." May ibinabang makapal na folder si Alex sa mesa niya. "Report for the CEO."
"Okay," lutang na sagot niya.
"Are you okay? Kanina pa kita napapansin? You aren't yourself today." Worried si Alex. "Hindi ka pa ba magaling?"
"I'm fine, Alex," KC assured her friend, alangan naman kasing sabihin niyang broken hearted siya? Mabuti na rin pala at 'di niya nabanggit ang pangalan ni Francis kay Alex. Lesser problem.
"You're sure?"
"Yeah." Kung bakit naman kasi siya nananamlay eh, para 'yon lang.
"Okay then... And do you have plans for lunch? Join me and Francis?"
"No," mabilis niyang sagot. "I brought my lunch."
"Okay," Alex shrugged.
Hay, syempre hindi siya sasabay noh. Besides kelangan niyang mag-early out mamaya. Pupuntahan niya ang kwintas niya. So she will work during her lunch break.
*****
"Hi, KC!" She was surprised to see Francis, kasama ito ni Alex na bumalik sa opisina.
"H-hello!" Nataranta siya bigla, hindi niya malaman kung paano kikilos dahil naroon din si Alex. "What brought you here?" S'yempre hindi niya dapat tinanong 'yon, obvious ba? Kaso lumabas na sa bibig niya, eh.
"Alex here wants my advice on something," nakangiting sabi nito and KC felt her heart sunk deeper into the sea of loneliness. "It's good to see you here KC, are you -"
"KC, Francis knows Papa very well. Matutulungan niya ako sa presentation ko sa board this afternoon," gagad ni Alex at possessive na humawak ito sa braso ni Francis.
"Ah-" Sinundan na lang niya ito ng tingin nang pumasok ang mga ito sa office ni Alex.
Kung bakit kasi never nagawi roon ni Francis dati? Sana she learned that he's Alexandra's fiance sooner. Sana 'di siya nakapagpantasya sa binata!
Hindi na siya nakapag-concentrate ulit. Gayunpaman ay sinikap niyang matapos ang ginagawa kahit madalas ay napapatingin siya sa kaibigan at kay Francis.
Nang matapos ay tinext na lang niya si Alex informing her na may importante siyang lalakarin.
*****
Nakatira 'yong may hawak ng kwintas niya sa isang pangmayamang subdibisyon. Nahirapan pa nga siyang makapasok nang sabihin niya sa gate kung sino ang pakay niya.
Pero ang nakakatuwa, pagdating niya sa malapalasyong bahay ay naroon na agad ang taong sadya niya na parang hinihintay talaga siya nito.
"My name is Katrina." Napakaganda nito, mabait at parang maiiyak ang mga mata nito sa pagkakangiti nito sa kanya.
Tantiya niya ay kaedad niya lang ito.
"KC," makikipagkamay lang siya pero bigla siya nitong niyakap.
"I'm so pleased to meet you." Bahagya nitong pinunasan ang mga luhang sumungaw na sa mga mata nito.
"Pleasure is mine, Ma'am Katrina." Nagtataka na siya sa inaakto nito pero 'di siya nagpahalata.
"Katrina will be fine," sabi nito at inanyayahan siyang umupo. "'Wag mo na akong tawaging maam."
"Sige, Katrina... By the way, I came for my necklace," sabi niya.
"Yeah, I have it here with me." Inilabas nito ang kwintas na naka-box pa.
"Thank you. Akala ko nga naiwala ko na ito. I was so worried."
"Mukhang importante sa'yo iyan" Katrina smiled at pakiramdam ni KC gumaang ang loob niya sa kausap.
"Yeah," tugon niya. "Bigay sa'kin 'to ng mama ko. Sabi niya lagi ko raw isuot."
"Anong pangalan ng mama mo?"
"Myra Salvador."
"Oh."
"Maraming salamat ulit, Katrina."
"Walang anuman. Saan pala kayo nakatira?"
Madami pang itinanong si Katrina kaya napahaba na ang kwentuhan nila. She was so interested about her life. Kaya ayon tuloy kahit na ayaw sana niyang magkwento ay napakwento siya.
Besides may strange feeling siya na parang matagal na silang magkakilala ni Katrina. She was comfortable around her new friend kahit na daig pa nito ang old acquaintance na gustong malaman ang lahat ng pangyayari sa kanya simula noong 'di sila magkita.
Inalok na nga rin siya nito ng free dinner na magalang niyang tinanggihan.
"I'm so happy to meet you, KC." Sa wakas ay mukhang pinapayagan na siya nitong umalis. "I'd love to know more about you but it's getting really late. And please, ihahatid na kita."
'Yon hindi na niya tinanggihan kasi mahihirapan talaga siya makakuha ng sasakyan papalabas ng subdibisyon. At dahil hawak ni Katrina ang manibela, hindi na siya nakatanggi nang mag-drive thru sila.