k3

2225 Words
"Akala mo ba masusuhulan mo ako nitong mga chocolates mo? Hoy, para sabihin ko sa'yo, kahit paborito ko 'tong cadbury, hindi pa rin ako natutuwa sa ginawa mo," puno ng tsokolate ang bibig na maktol ni KC. "Ano ba ikinakagalit mo? You did well. Kaya lang din naman malakas ang loob kong umalis kasi alam ko na nasa mabuting mga kamay ang maiiwan kong trabaho," Alex said. "Tse!" "Besides, I went there to see my gown." Pakiwari ni KC ay nag-heart shape pa ang mga mata nito Alex. "What gown?!" Muntik na niyang maibuga ang kinakain. "I'm getting married!" Excited na anunsyo ni Alex. "Kanino?" "Kanino pa ba?" Her friend pouted. "Eh 'di sa fiance ko, kay Francis Park!" "Francis?" Ulit niya tapos napangiti siya. Magbest friend nga sila. Pati pangalan ng mga mahal nila eh pareho. "Yeah? My boyfriend, remember? He finally proposed to me!" "Well, good for you! I'm happy for you..." She smiled. "So when will I meet Francis? Ikakasal na kayo tapos 'di ko pa nakakaliskisan? Hindi p'wede 'yon!" "You'll like him. I promise you... I'm gonna set a date. On Sunday, what ya think?" "Let me see. Sabihan kita bukas." Siguro it's about time na makilala na nga niya ang boyfriend ni Alex. If he will be marrying her best friend, dapat lang naman na dumaan muna ito sa pangingilatis niya... **** "I'm coming okay? Don't worry." Nagdadrive si Francis para sunduin si Alex. Finally ay pumayag na raw umano ang best friend nito na makilala siya. Still, he remembers na ilang beses na ito nagtangka na ipakilala siya sa kaibigan nitong walang pangalan. Ayaw nitong sabihin at baka raw i-search pa niya sa f*******: eh mawalan ng sense ang introduction at ang meet the best friend part ng relasyon nila. Yeah, Alex was always like that. Pati nga si Katrina pinagseselosan nito. "You should be here already, babe. My friend is in the restaurant na. Pinaghihintay natin siya." "I'm sorry. Traffic kasi. Guess I need to find another way. See you later, babe." "Okay... I love you." "I love you, too." Bumwelta siya sa sunod na U turn. Malapit na siya sa condo ni Alex nang magtext ito. 'I told my friend we are getting married. So she is really excited! You will love her....' Nainis siya bigla. If there is one thing na ayaw niya sa girlfriend niya, 'yon ay lagi siya nitong pinapangunahan. Isang taon pa lang sila and honestly he wanted to know the other sides of Alex first. He pulled over. Tapos bumalik siya sa bahay niya. He couldn't face Alex now. Baka mag-away lang sila. At ayaw niyang maging cause ng away nila 'yon. She probably just wanted to tell her friend that they are bringing their relationship to the next level. Hindi niya dapat ikagalit iyon kasi sooner or later, doon din naman papunta ang relasyon nila, 'di ba? Why else would he make Alex his girlfriend kung wala siyang intention na gawin itong asawa niya? But the marriage thing is something he couldn't take lightly. They both need time to grow as a couple first before they commit to something sacred. Pero hindi na muna niya gustong pag-usapan nila 'yon ngayon. Because something in his heart right now is not comfortable with what Alex did. 'Sorry, babe... I don't think aabot ako. Can we reschedule?' 'Sure, babe... My friend will understand... I love you.' ***** No show ang Francis ni Alex. Kung kelan naman sa wakas ay makikilala na niya ito eh saka naman hindi ito nakarating. Well, minus points na 'yon sa ratings ng best friend. Hindi tamang pinaghihintay ang kaibigan ng mapapangasawa, it's a big no no. Anyway, sila na lang ni Alex ang nagbonding... Hindi pa rin niya naikukwento sa kaibigan ang tungkol naman sa Francis niya. Saka na kapag sila na para masorpresa si Alex. Besides hindi pa rin sila ulit nagkikita ni Francis. At dahil 'di pa sila nagpapalitan ng numero, wala siyang way para macontact ito. Umaasa lang siya ngayon na pagtagpuin sila ulit ni Destiny. Maggagabi na siya nakauwi. Dumaan pa rin kasi siya sa grocery. Traffic pa so yung hitsura at amoy niya eh hindi na nakakatuwa. Malayo pa siya ay rinig na niya ang halakhak ng kanyang ina. Sino naman kaya ang bisita nito at masyado ata itong masaya? "Ma?" Tawag niya, 'di siya makakatok dahil may bitbit siyang groceries sa magkabilang kamay. "Mama?-" Natameme siya nang bumukas ang pinto at si Francis ang sumalubong sa kanya. "What's up, gorgeous?" Nakangiting bati nito sabay kuha sa mga dala-dala niya. Siya naman ay 'di pa rin maka-move on dahil naipasok na nito ang dala-dala niya ay nakatayo pa rin siya sa may pinto. At alam niyang para siyang sira na nakatulalang nakangiti. "Would you like to come inside?" Kunot noo tuloy na tanong ni Francis. "Ah-" natauhan naman siya bigla. "H-hi... Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya at nagmano sa ina. "Ma-" "Kanina pa naghihintay itong kaibigan mo. Pinapakain ko nga eh pero hihintayin ka na raw niya," ang nanay niya hindi maitago ang pagkatuwa. "Sige, maiwan ko muna kayo, no? Ihahanda ko na rin ang dinner." "Sige po, tita," sagot ni Francis. "Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ha? Hindi kami talaga sanay tumanggap ng bisita kaya magulo" nag-alala rin siya sa ayos niya, for sure daig pa niya ang bilasang isda sa hitsura niya. "It's perfectly fine, KC. No worries." Mabuti pa ang Francis niya dumadating kahit walang usapan. 'Di tulad ng no show na fiance ni Alex. "What brought you here?" "Wala naman. I just felt like I need to see you." "Why?" Paarko ang kilay pero kinikilig na tanong ng dalaga. "I just want to talk to someone. Alam mo 'yon, someone na pwede kong kausapin na gagaan ang pakiramdam ko without the need to really talk about the real issue." "Well," mukhang may pinagdadaanan ang binata, pero alam niyang hindi pa nito iyon ipagkakatiwala sa kanya kaya 'di na rin siya nagtanong. "So, buti di ka naligaw sa paghahanap ng bahay namin." "Tinandaan ko talaga noong ihatid kita," sagot nito. "Pasensya ka na kung basta basta na lang akong nagpunta, I wanted to tell you kaso hindi ko pala alam ang number mo." "Oh!-" akma niyang kukunin ang cellphone pero sinabi nito na naibigay na ng nanay niya ang number niya. "Pati landline," he grinned. "I'll just give you mine so you will know it's me." Kinuha nito ang cellphone niya at iti-nype ang number naman nito. "There." "Thanks," she's so happy inside, nakuha niya nang walang kahirap hirap ang number ni Francis. "I think I need to get cleaned up first. Amoy kalye pa ako." "Haha, not really, KC. But yes you may." Nagpaalam siya saglit sa binata. Mabilis siyang nagshower at nagbihis ng presentableng pambahay. Pagbalik niya ay nakita niya itong nakatingin sa mga picture frames na naka-display. "Ikaw ba 'to?" Tanong nito patungkol sa picture niya noong ten years old siya. "Yup, too thin eh," nahihiyang aniya. "Hmn, oo nga," sang-ayon nitong nakangiti. "Buti natutunan mong kumain." "Well, it's part of growing up." "Dinner is served!" Singit ng nanay niya. "Kayong dalawa, kain na." "Let's go?" Nakakatuwa how two people who were once strangers would meet and be part ng kani-kaniyang buhay and never leave. It's too early yet. Pero alam ni KC na ang acquaintance nila ni Francis ay something na may forever. ***** "KC, just this one please?" Halos magmakaawa si Alex sa kanya samahan lang niya ito sa party na pupuntahan nito sa weekend. "Ano bang meron?" "Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo eh. I know we've been friends since we were kids but I never told you what kind of family I have." Totoo 'yon, puro yaya at driver lang kasi lagi nitong kasama noon. At mula noong matuto itong magmaneho at alagaan ang sarili, lagi na itong mag-isa. Hindi siya nito ipinapakilala sa kahit na sinong miyembro ng pamilya nito. "What do you mean?" "Kasi I'm afraid na baka ayaw mo na akong maging kaibigan kapag nalaman mo-" "Alex, that's ridiculous! Kahit anak ka pa ng drug lord, hindi magbabago ang katotohanan na best friend kita... Okay? So, what's bothering you?" "Anak ako sa labas--" mabilis at nahihiyang sabi ni Alex. "And?" Naghihintay ng kasunod na aniya. "It's okay with you?" "Adik ka ba? Ako nga ampon lang, 'di ba?" Kinutusan niya ito. "But you still accepted me." She hugged Alex. "And for that I will always treasure the friendship we have." "Thank you, KC!" Mas mahigpit ang yakap nito. They may be just friends pero sa mga puso nila, mas higit pa sila roon. They are sisters. "So meaning, sasamahan mo na 'ko?" "Alex!" "KC, birthday party 'to ni Tita Cassey" Tukoy nito sa legal na asawa umano ng ama nito. "I've never seen her in person again since Papa decided I cannot live with them. Besides, Katrina would be there." Alex pouted, she related na hindi sila close ng half sister nito dahil ayaw rin nito sa kanya "Pero magkapatid kayo. Someone has to accept that fact." "Alam ko naman 'yon. But still, hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa pamilya nila. Ang importante kinikilala ako ni Papa." "So, why do you need to attend the party?" "Because Papa wants me to. Hindi naman nila gusto na pati si mama kasama. Kaya please KC, samahan mo na ako. Ayokong ma-out of place doon eh" She sighed. How would she say no? Alex is a strong woman. Hindi niya alam na sa likod pala ng matapang na panlabas nito ay may isang babaeng mahina na hindi buo ang pamilya. "Please?" "Oo na." "Yes!!!! Thank you KC!!!" Mahigpit siya nitong niyakap at agad silang umalis ng opisina para mamili na ng isusuot nila. ***** Pauwi na si KC at nag-aabang na ng bus nang tumawag si Francis. Syempre agad namang nataranta ang puso niya. "Hello?" "Hi, KC... naka-out ka na ba?" "Yeah, actually ito na pasakay na 'ko ng bus." "'Wag kang sumakay... Malapit na 'ko. Naipit lang sa traffic." "Huh? Papunta ka rito?" Hindi siya makapaniwala. "Yup... Ito na, nakikita na kita." He ended the call and appeared before her shortly. "Halika na." Inabot lang nito ang pinto para ipagbukas siya. Hindi kasi ito makababa dahil makakaabala sila sa traffic. "Why did you fetch me?" tanong niyang itinago ang pagkatuwa. "Kasi may sasabihin ako sa'yo... Wear your seatbelt - " "Yea- ano 'yon?" Magtatapat na ba si Francis? Mabilis na mabilis ang t***k ng puso niya para siyang nagha-hyper ventilate. "Can I tell you over dinner? Kung okay lang sa'yo?" "Oo naman..." Tatanggi ba naman siya? Kahit sa Mars pa nito sasabihin ang pakay nito eh okay na okay lang, cho-choosy pa ba? "Great!" S'yempre sa mamahaling restaurant sila pumunta. Para kay KC ay date na rin 'yon kahit sa ilang beses nang pagkikita nila mula noong tulungan siya nito sa bus ay wala man lang itong ipinahiwatig na kahit ano maliban lang sa pagiging mabait nito sa kanya. "It's my mother's birthday this weekend," umpisa nito. "I want you to meet her - I mean, she's not my real mother... Sa kanya lang ako lumaki after my parents decided to part ways." "Ah," she was torn. Kaka-oo niya lang kay Alex. She couldn't tell her she changed her mind right? Sayang, gusto niya sanang sumama kay Francis. "I want you to meet the people in my life." "Ahm -" "So, what do you think? I'll fetch you by 7pm?" "Kasi, I would love to come Francis but I just said yes to a previous commitment..." Hinayang na hinayang siya. "Oh... Busted eh?" Biro nito. "Some other time maybe?" "Yeah... I'm sorry, Francis." "No problem. I just thought it would be a good opportunity since everyone is coming to the party... But it's okay, you can meet them next time." He smiled. "Yes, looking forward to next time." ***** "Mama, parang ayokong sumama kay Alex." Kinakabahan siya habang inaayusan siya ng kanyang ina. "KC, paminsan-minsan kailangan mo rin mag-enjoy." "Pero kinakabahan po ako, eh." "Okay lang 'yan, anak. Sigurado naman akong 'di ka pababayaan ni Alex doon." Pinayapa niya ang sarili. Minasdan niya ang repleksyon sa salamin habang isinusuot ng ina sa kanya ang kwintas niya. "Bagay ba 'yan, ma?" Nag-alinlangan siya sa kwintas, kakaiba kasi ang "kc" pendat nito. Hindi normal na letters na wari ay batang 'di marunong magsulat ang nagdisenyo. Pero kahit gan'on, halata rin namang mamahalin ang materyal na ginamit sa kwintas. Bata pa siya suot na niya iyon pero hindi pa rin kumukupas. "Oo naman, anak. Kahit kadena pa ang isuot natin sa leeg mo, babagay pa rin sa'yo... Ang ganda ng anak ko." "Si mama talaga, bolera." Ngumiti siya. "I love you, ma." "I love you too, anak." Niyakap siya nito. "Lagi mong tatandaan na kahit 'di ka nanggaling sa akin, mahal na mahal pa rin kita." "Pangako, ma, kahit dumating pa ang mga totoo kong magulang. Ikaw pa rin ang pipiliin ko. Para sa akin, ikaw ang mama ko." "Oh siya, baka dumating na ang sundo mo. Tara na't isuot mo na gown mo." Si Alex ang pumili ng isusuot niya. Hinayaan niya ito provided na magiging komportable siya. 7pm sharp nang dumating ang sundo niya. Driver lang ni Alex ang nagpunta. Sinundo raw umano ng boyfriend nito ang kaibigan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD